Chapter Eleven

443 42 0
                                    

Unang-una kong napansin pagpasok ko ay ang mural sa kanang pader ng apartment n'ya. It was so big and wide it goes from floor to ceiling.

There are two guys in the painting, one is a little child in a yellow shirt and the other one is like an old man in a laboratory coat with pointy bluish-gray hair holding of what I think is a sci-fi gun. Their expressions are different, the little guy seemed worried and the old man had this overly excited smile like he can't wait for what's going to happen next.

It looks like they just came out of a portal because there's a round-like wobbly green thing that surrounds them. And most of the space was used to define the scenery of the world they just stepped into. It was colorful, yellow is the dominating color followed by orange and red. At the very top of the mural were the words, 'Wubba Lubba Dub Dub!'

I tilted my head while reading the words again. Wubba what?

Sa tapat ng mural ay mayroong dalawang couch na nakaharap sa isang bookshelf na punong-puno ng libro. Sa pagitan ng couches at bookshelf ay may maliit na coffee table. Ginawang division ang bookshelf ng sala at kusina. Sa tapat ng kusina ay may bukas pinto, siguro papunta sa kwarto n'ya.

I heard Zamora cleared her throat again. "What do you want?"

Hinarap ko si Zamora. "Kaya ka absent kanina kasi may sakit ka at kasalanan ko 'yon."

Kahit walang energy ay nakaya pa rin ni Zamora na irapan ako. Huminga s'ya ng malalim at saka umiling. "I just need rest."

Naglakad s'ya palapit sa akin at muntik na naman s'yang matumba. "Yes, you do!"

Inalalayan ko s'yang umupo sa couch n'ya. "Nasaan ang parents mo?"

Umubo ng umubo si Zamora kaya hindi na n'ya nasagot ang tanong ko.

"Umiinom ka ba ng gamot?" nag-aalalang tanong ko. Muli kong sinalat ang noo n'ya at talagang sobrang init n'ya.

"Humiga ka muna, lalo kang mahihilo n'yan e."

Pinatayo ko si Zamora at saka inakay papasok sa kwarto n'ya. Hiniga ko s'ya sa kama n'ya. Para s'yang nagchi-chill kaya kinumutan ko na rin. Mabilis ang paghinga n'ya, siguro barado na ang ilong n'ya kaya sa bibig na s'ya humihinga. Is she dealing with this all by herself? She could have died! Nasaan ba ang mga parents n'ya?

"Zamora, nasaan ang parents mo? Tatawagan ko sila."

"Just go... Please."

Tinaas n'ya ang kumot hanggang sa leeg n'ya at saka tumalikod sa akin. I pursed my lips and sighed. I can't leave her like this!

Nakita ko si Russia na nakahiga sa paanan ni Zamora. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ni Zamora para hanapin ang remote ng AC n'ya. Hindi man lang n'ya pinatay alam naman 'yang hirap na hirap na s'ya sa lamig.

Bagsak ang balikat akong lumabas ng kwarto at dahil tapat no'n ay kusina nakita ko ang bilog n'yang mesa na merong dalawang upuan.

Hindi n'ya kasama ang parents n'ya rito. 

Muli akong napakagat sa labi. I can't leave her.

Binuksan ko ang ref n'ya para sana makapagluto ng pwede n'yang kainin. Gladly, meron naman s'yang mga pang-rekado kung magluluto ako ng lugaw. Naalala ko 'yong sinabi ni Yuu before na s'ya raw nagluluto ng lunch nila. Naniniwala na ako, dami n'ya kasi ritong pang-rekado tulad ng sibuyas, bawang, kamatis at iba pa. Napangiti ako, so, aside from all the things she can do, she can also cook. Wow.

Nilabas ko na sa ref ang mga kakailanganin ko sa pagluluto ng lugaw. Makakatulong 'yon sa pagpapabalik ng energy n'ya, mukha kasing hindi pa s'ya kumakain ng matino mula pa no'ng Sabado dahil puro balat lang ng noodles ang nakikita ko sa lababo.

Star Crossed (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon