Chapter Two

788 61 5
                                    

"Napaka-gandang mensahe talaga ng pinamalita mo kanina Pastor Augustine," rinig kong sabi ng isa sa mga bagong miyembro ng simbahan namin.

Kinamayan s'ya ni Papa at marahang tinapik sa balikat. "Marapat lamang na lagi nating ipahayag ang pag-ibig ng Diyos. Sana makadalo ulit kayo sa susunod na Linggo."

"Oo naman Pastor, makakaasa po kayo."

"Salamat."

Pinagmasdan ko si Papa na makipag-kamay at binabati isa-isa ang mga miyembro kasama si Mama. Ganito lagi ang linggo-linggo kong routine. Lunes hanggang Biyernes, focus ako sa school tapos kapag Sabado naman, nagpupunta kami sa iba't-ibang lugar para magpa-feeding o 'di kaya magsagawa ng Bible Study at s'yempre tuwing Linggo, magsisimba. I grew up following my father's rules and teaching. Sa tingin ng iba, masyadong mahigpit si Papa pero para sa akin ginagawa n'ya lang 'yon para protektahan ako. 

Si Papa ang nagpatayo ng sarili n'yang simbahan at ilang taon rin bago kami lumago ng ganito karami.

"Nesha!" Tawag ko sa best friend ko na naaya ko na ring umattend ng mga service namin siguro ilang buwan na rin ang nakakalipas.

Lumapit sa akin si Nesha. "Oh, bakit?"

"Hindi ba mamaya 'yong simula ng practice natin para sa play?"

Napa-face palm si Nesha. "Hala! Oo nga, nakalimutan ko!"

Napatingin ako sa direksyon ni Papa. "Paano 'yan? Hindi ako papayagang umalis."

Nesha crossed her arms and looked at the side. "Bakit naman? E may practice naman talaga tayo."

Napakamot ako sa batok. Lahat kasi ng klase ay magpe-perform at linggo ang araw na nakuha namin para makapag-practice sa auditorium. Hindi naman ako maka-tanggi dahil sino ba naman ako para sabihin na hindi ako pwede ng linggo? Saka, gusto ko talagang maging part ng casting ng play namin, kahit sa gano'ng paraan man lang makapag-pakitang gilas ako sa last year ko sa High school. Well, hindi naman sa pagmamalaki ay umaarte ako sa mga play na ginagawa dito sa simbahan. Minsan ako si Magdalena pero madalas si Virgin Mary. Kumakanta rin ako sa choir namin.

"Huwag na lang kaya ako pumunta?" nag-aalalang tanong ko. Kahit gustong-gusto kong pumunta. Ayoko namang mapagalitan ni Papa. "Sa props na lang ako."

"Loko ka ba? Si Rowan director ng play natin, panigurado hahanapin no'n lahat ng nawawala saka magca-casting pa tayo."

I was biting my index finger because of anxiousness. Hindi ko naman alam na gan'to pala maging graduating napakaraming ginagawa. Lumapit ako kay Papa, may kausap pa s'ya kaya hindi muna ako nagsalita, pagkaalis ng kausap n'ya ay nawala rin ang ngiti n'ya at tinignan ako. "Bakit Cassady?"

"Pa, meron po kaming practice ng play nagyong hapon... pwede po ba akong pumunta?"

"Anong play?"

"Ah! Drama po 'yon Tito, required na project namin sa isang subject," salo ni Nesha.

"Alam mo namang Linggo ngayon, dapat nagpapahinga kayo."

Lumapit si Mama kay Papa. "Augustine, payagan mo na siya. Para naman 'yan sa school."

Napayuko ako at hinintay ang pagtanggi ni Papa sa paalam ko.

"Anong oras ka makakauwi?"

Napaangat ang ulo ko at biglang lumawak ang ngiti ko. "Pagkatapos na pagkatapos po uuwi agad ako!"

Ngumiti sa akin si Mama. "I-text mo na lang sa akin Dear kung pauwi na kayo para kung sakaling gabihin ka e masundo ka ng Papa mo."

"Opo! Thank you!"

Star Crossed (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon