Chapter Thirty-One

488 30 11
                                    

"Cassie, what do you think of this dress?" asked Nesha. Hawak-hawak n'ya ang isang hanggang tuhod na silver dress, punong-puno ito ng mga nagkikintabang sequences na kapag tinatapatan ng ilaw ay mapapapikit ka na lang dahil sa kintab nito.

Agad akong lumapit kay Nesha at saka hinablot sa kan'ya ang dress. Binalik ko ito sa pagkaka-hanger at saka muling isinabit sa rack ng mga damit. "Nesh, isa! It's a debut not a bar party!"

Mahinang tumawa si Nesha at muling tumingin-tingin sa mga dresses na nakasabit sa harapan n'ya. Kanina n'ya pa kasi ako inaasar, kung ano-anong mga dresses ang sina-suggest na suotin ko para sa debut ko.

It is only a week before my birthday and I will already be of legal age. What it means, I don't know. Siguro para sa iba ang ibig sabihin no'n e magkakaroon na sila ng karapatan na maging mas liberated, or something similar. Para sa akin, para lang akong mas na-anxious at nao-overwhelm dahil sa pressure ng pagtanda.

Napahinga ako ng malalim. Here I am again with my overthinking. I closed my eyes to shake the thoughts inside my head. I looked at my wristwatch and then at the store's front door.

She's never late. Where is she?

I took my phone out of my purse to check if Rowan already messaged me. Sabi ko sa kan'ya kagabi samahan n'ya akong pumili ng dress para sa debut ko. Ang bilis-bilis n'yang mag-oo tapos ngayon wala pa s'ya. Bigla na naman tuloy akong naka-feel ng uneasiness--- parang umiinit ang t'yan ko na tila bumabaligtad. 

I tried my best to shake away the feeling. Lumapit na lang ako kay Nesha para makihanap rin ng damit na pwedeng maisuot. 

"Okay ka lang?" tanong ni Nesha. Muli s'yang bumalik sa pag-skim ng mga damit. "Parang hindi ka matae d'yan."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nesha. "Bibig mo!" 

Nesha shrugged. She continued walking and skimming through racks of dresses. Nakasunod lang ako sa kan'ya habang palit-palit na tinitignan ang orasan ko at ang pintuan ng store. 

Nesha suddenly stopped walking so I bumped into her. "Sino ba hinihintay mo? Girlfriend mo?"

Biglang nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Nesha. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya mahina ko na lang s'yang siniko. "I am not!"

Nesha made a 'tsk' sound and smirked at me. "Huwag ako Cassady Solera, kilala kita simula pa lang noong nasa tiyan ka pa lang ni Tita Maj! Alam ko bawat kibot at kislot mo, tawagan mo na at ng makapag-focus ka na d'yan."

"Dami mong sinabi!" natatawa kong sagot at saka umiling-iling. Lumipat ako sa kabilang rack ng mga damit at doon naghanap-hanap. Napatigil ako saglit at saka tumingin kay Nesha. Sinalubong n'ya naman ako ng tingin. "Bakit?"

"I am not..."

Nesha's eyebrows furrowed as she tilted her head to the side as if asking what I meant. "What do you mean?"

I bit my lower lip as I lowered my head down. "Well, as you have said before, technically I am not her girlfriend."

Nesha blinked more than I could count and then tilted her head more to an angle I never thought any human could do. "What... UNTIL NOW?"

Pinandilatan ko si Nesha ng mata dahil sa lakas ng boses nito. Akala mo talaga kami lang ang tao dito e. "Can you lower your voice down?" 

Napatingin tuloy ako sa paligid at nakitang nakatingin sa amin ang ibang mga customers. Lumapit sa akin si Nesha at saka ako pilit na hinarap sa kan'ya. "Hindi pa rin kayo official?"

Tinanggal ko ang mga kamay n'ya na nakahawak sa braso ko at saka pinagpatuloy ang pagtingin sa mga damit na nasa harapan ko. "She never asked... so that's that."

Star Crossed (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon