Chapter Twenty-Two

482 38 5
                                    


"Hoy, Cassie, para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa d'yan? Ayos ka lang ba?" pukaw atensyong tanong sa akin ni Nesha.

Saglit ko s'yang tinignan at saka bumalik sa ginagawa ko. Kinarga ko na sa van naming ang box ng mga plastic utensils na gagamitin naming para sa gagawin naming pagbisita sa isang presinto hindi kalayuan sa church namin.

Tulad ng lagi naming gawi tuwing Sabado, minsan ay pumupunta kami sa plaza para magsagawa ng feeding program, minsan sa Home for the Aged, minsan sa mga orphanage, pero ngayon ay sa isang presinto naman. Naniniwala kasi si Papa na ang lahat pwedeng magbago at walang taong pinanganak na masama kaya lahat ay may karapatang makarinig ng Mabuting Balita ng Diyos.

Alam kong sinusundan ako ng tingin ni Nesha pero hindi ko s'ya pinansin, alam ko kasing kukulitin lang ako ng kukulitin n'yan e.

Nang maisara ko ang pintuan ng van ay nagulat ako dahil nasa gilid ko na s'ya habang naka-krus ang mga braso sa kan'yang dibdib. "Nakakagulat ka naman."

"Cassie, anong problema? Noong nakaraan ka pa tahimik a."

Iniwasan ko ng tingin si Nesha at saka yumuko, alam na alam n'ya kasi ang mga tingin sa mata ko kaya dapat hindi n'ya Makita 'yon. "Wala a," sabi ko na lang at saka sumandal sa gilid ng van at tinanggal ang mga gwantes ko.

"Yeah, right. Really Cassady? Ako na best friend mo simula ng matuto kang magsalita, sasabihan mo ng gan'yan? Nagtatampo na ako sa'yo ha. Wala ka ng kinu-kwento sa akin."

Napakagat ako ng labi habang kinukuyom ang mga kamao ko. "I... I'm really fine, medyo stressed lang talaga ako sa mga ginagawa sa school."

Matagal akong tinitigan ni Nesha. "Okay, hindi naman kita pipilitin kung hindi mo pa kayang i-open e. I just want you to remember na best friend mo ako, I will listen to you and I will never judge you."

I smiled at Nesha. "Of course, thank you."

Nesha gave me a smile too and pulled me in a tight hug. I hugged her back and after some seconds we let go. Nagpa-alam si Nesha na tutulong lang ulit saglit sa paglalagay ng gamit sa van. Tumango na lang ako at pumunta sa sumunod na van para maghanap ng pwestong pwedeng maupuan. Hindi ko alam kung bakit pati kay Nesha ay hindi ko masabi ang tungkol sa nangyari sa amin ni Rowan... actually ni isa sa mga nangyari sa amin ni Rowan e wala naman akong pinagkwentuhan. Alam ko namang hindi ako huhusgahan ni Nesha pero hindi ko talaga malaman kung bakit hindi ko magawang sabihin kay Nesha.

Pakiramdam ko kasi hindi naman nila ako maiintindihan, hindi naman nangyayari sa kanila 'yong nangyayari sa akin kaya paano nila ako maiintindihan?

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng van. Paulit-ulit sa utak ko 'yong nangyari ng gabing 'yon kahit ilang beses ko ng pilit kinakalimutan. Ang nakakainis lang kasi e lagi kong naiisip na paano kung hindi 'yon ang sinabi ko? Paano kung mas naging matapang ako?

Pauulit-ulit na bumabalik sa akin 'yong scenario na 'yon dahil sa mga what-ifs ko, mga bagay na dapat sinabi ko bago ko binaba 'yong tawag.

After that night, I knew I lost her already and I was not wrong. She's doing everything just to avoid me and I'm doing the same. Para akong napupunit sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin pero hindi na s'ya nakangiti. Wala na 'yong ngisi n'yang nakakaloko, o 'yong pagtaas ng kilay n'ya sa tuwing magtatama mata namin. Ngayon para na lang akong estranghero na dinadaanan ng magaganda n'yang mata.


And no one would ever notice... because no one knew.

***


Pagkatapos mailagay lahat ng kailangan namin sa van ay umalis na rin kami para makahabol sa tanghalian sa presinto. Wala pang ilang minuto ay nakarating rin kami roon. Kanya-kanya kaming hawak ng mga kahon papunta sa cafeteria ng presinto.

Star Crossed (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon