Chapter Twenty Six

436 36 10
                                    

What is she doing here?

Sinundan ko ng tingin si Frankie habang papasok s'ya sa loob ng bahay nila Rowan, akay-akay ang kapatid nito. Parang biglang-bigla e gusto ko na lang umuwi. Of all people, why her?

Naputol ang pag-iisip ko nang mahina akong tapikin ni Rowan sa braso, urging me to come inside. Napansin n'ya ata ang reaksyon ko kaya s'ya natigilan. "What's wrong?"

I looked at Rowan and blinked. "What?"

Kumunot ang noo n'ya at sinundan ang tingin ko. Natatawa s'yang tumingin sa akin ulit. "Para kang nakakita ng multo."

Pilit akong tumawa at mahina s'yang binangga gamit ang balikat ko. "Sira."

"Are you sure you're okay Cassady?"

"I am, I am." I said to reassure her though deep inside me my heart is still racing.

Tinignan ko ang batang babaeng nakakapit sa laylayan ng damit ni Rowan. Nakatingala lang s'ya sa aming dalawa ni Rowan.

I smiled at her and ruffled her hair gently. "Hello, baby!"

The little girl smiled at me. Pero parang nahihiya s'yang nagtago sa likod ni Rowan. Rowan held her shoulders and place her in front of me. "Nako nahiya pa, introduce yourself to ate Cassady."

I knew her name already pero inantay ko s'yang magsalita. Alec smiled at me, revealing her teeth. "I'm Alec."

Pinigilan ko ang sarili kong hindi s'ya kuritin sa pisngi dahil sa sobrang ka-cutan. I bit my lower lip and waved at her. "I'm Cassady, you can call me ate Cassie."

She just nodded and hid behind Rowan's legs once again. Such a cutie. I looked up at Rowan and I saw her smiling at me. I mouthed, 'What?' using my lips but she just shook her head. "Tara na, pasok na tayo. Sa loob na lang natin antayin sila Dad."

Tumango ako sa kan'ya kahit halos ayaw gumalaw ng paa ko. Sinundan ko s'ya papasok. Nakita ko si Frankie na nakaupo sa sofa katabi ni Rydian habang nanonood ng TV. Nilingon n'ya kami pero dinaanan lang ako ng mata n'ya at muling bumalik sa pinapanood.

"Upo ka muna," sabi ni Rowan nang makalapit kami sa kanila. "Anong gusto mong inumin?"

"I'm okay... kahit h'wag na," sabi ko na lang at saka umupo sa pinakamalayong upuan kay Frankie.

Frankie stood up. "Ako na bahala mag-prepare ng iinumin pahinga na muna kayo d'yan."

"Hindi na dude, ako na." Rowan insisted. She looked at me. "Saglit lang ha, I'll just prepare something to drink."

Frankie shrugged her shoulders. Bumalik s'ya sa pagkakaupo n'ya at sa pinapanood. She's acting like she doesn't really know me. I don't know if I should be glad or what. Rowan proceeded walking on to the other side of the house which I assumed was their kitchen.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid... 'yong dalawang kambal naghahabulan sa gitna ng sala. Napukaw ng mata ko ang mga nakasabit na medalya sa pader sa itaas ng TV. Naka-hilera 'yon sa pader. Puro mga medals! Sa gilid naman ng TV ay dalawang naglalakihang cabinet na puro trophy ang naka-display. My musing was interrupted when I felt someone poked my cheeks. Napatingin ako kay Rydian na ngiting-ngiti sa akin. "What's your name?"

In my peripheral vision, I can see Frankie looking at me right now. I smiled at Rydian. "My name is Cassady."

"Are you Rowan's girlfriend?"

Bigla naman akong kinabahan sa tanong n'ya. I let out a nervous laugh and looked at Frankie's direction. Hindi na s'ya nakatingin sa akin. "No, Rowan and I are just friends..."

Star Crossed (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon