DALAGA 6❀

21.8K 2.2K 1.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SIGNAL number two ang bagyo.

Walang pasok sa eskwelahan.

Abala si Mamang sa paglilimas ng mga talsik ng tubig mula sa kisame.

Tak.Tak.Tak.

Ang lakas din ng tunog ng tagas mula sa bubong namin. May planggana na pinangsahod si Mamang.

Ako naman ay nakapangalumbaba malapit sa may bintana.

Tinatanaw ang palaruan namin, ang duluhan.

Kitang-kita ko kung paano tila nagsasayawan ang mga puno at halaman.

Halos wala akong makita dahil malabo ang paligid.

Nakita ko ang isang maliit na gagamba sa may bintana at naalala ko ang isang kanta.

'Maliliit na gagamba umakyat sa sanga,
dumating ang ulan at tinaboy siya.'

"Ming, sarado mo 'yang bintana at lumalakas ang hangin," dinig kong utos ni Mamang at sinunod ko siya.

Natapos ang bakasyon at tag-araw.

Dumating ang panahon ng tag-ulan.

Parating walang pasok at kapag sobrang lakas ng ulan ay bumabaha sa kalsada.

Pakiradam ko'y wala nang katapusan ang tag-ulan.

Madalas akong malungkot dahil hindi na ako makapaglaro sa labas.

Paano pa ako makakapaglaro kung wala naman na akong mga kalaro?

Sana nga ay matapos na ang tag-ulan dahil ang bilis ng pagdaloy ng agos.

Sa pagtila ng ulan makakabalik ang gagamba sa sanga.

Pero ako hindi na makabalik sa labas dahil wala na akong mga kalaro.

At bukod pa ro'n ay palagi na 'kong pinagbabawalan ni Mamang lumabas.

Simula nang mawala na si Papang, parang biglang naghigpit sa'kin si Mamang. Nalulungkot nga ako minsan kasi parang wala akong kakampi.

Si Mamang biglang naging abala sa mga bagay-bagay.

Kung anu-ano ang ginagawa niya, naisipan niyang magtinda ng mga pagkain.

Tanghalian at merienda. Ilalako niya 'yon sa mga kapitbahay namin.

Hanggang sa napagod siya at naglabas na lang siya ng mesa sa labas ng bahay para ro'n magtinda.

Kaya dumalas ang mga kapitbahay namin sa pagtambay sa labas.

Lalo na ang dalawang katuwang ni Mamang na sila Ate Melissa o Ate Melai, ang manikurista na nagtatrabaho sa parlor, at si Tita Beth (hindi ko naman talaga siya 'tita' pero 'yon kasi tawag sa kanya.) na mahilig mangapitbahay dahil ang asawa raw ay nasa abroad.

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon