DALAGA 31❀

15.3K 1.8K 2.1K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NAIISIP ko na 'yung magiging balita kinabukasan sa TV, naisip ko na rin na paano kung malaman ng buong eskwelahan at ng buong barangay namin ang nangyari sa'kin. Samu't saring reaksyon tiyak ko pero ang kinatatakutan ko ay 'yung magiging reaksyon ni Mamang.

For sure ay sobra-sobrang matatakot at mag-aalala 'yon kapag nalaman niya na ang apo niya ay nakidnap lang naman. Mahirap lang kami, patunay 'yon na sa Tanso ako nag-aaral, sa totoo lang ay nadawit lang ako—dahil si Quentin talaga ang target.

Paulit-ulit ko na ring sinisi ang sarili ko na kung hindi ko niyayang kumain ng kwek kwek si Quentin ay hindi 'to mangyayari, kung umuwi na lang 'agad ako at naiwan siya sa school nila para hintayin 'yung sundo niya e di sana walang ganito.

Naiiyak ako na ewan, pinipigilan ko lang 'yung sarili ko dahil kasama ko siya, si Quentin na wala man lang takot sa itsura at napakakalmado!

"Don't cry," sabi niya na para bang nabasa kung anong nasa isip ko. Nagtaka ako nang bahagya pa siyang ngumiti. Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyayari?

"H-Hindi ka man lang ba natatakot?" nanginginig kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yung nanlalamig o sadyang malamig 'yung sahig dahil parehas kaming nakasalampak. Wala na kaming mga piring, nakatali lang 'yung kamay at paa namin.

Akala ko sa pelikula lang nangyayari 'yung ganito, 'yung may kidnapan tapos dadalhin kayo sa parang abandonadong warehouse na maraming nakatambak na gamit at isang ilaw na nakasabit.

"I'm not scared. So, don't be," sabi niya na tila pinakakalma ako.

"P-Paano kung kumukuha sila ng lamang loob? O kaya ay mga sindikato sila tapos dadalhin tayo sa ibang lugar para gawing pulubi," naluluha kon sabi.

"No, I don't think they'll do that," sabi niya sabay sandal. "I think they're amateurs."

"Ha?"

"They got my phone earlier to call my parents, asking for ransom money," sabi niya.

Ah, mukhang kaya pala hindi na siya natatakot? Kasi alam niyang mayaman naman sila kaya mabibigay ng mga magulang niya 'yung ransom money. Pero paano ako? Kasama rin ba ako sa tutubusin? Mahirap lang kami!

Nilibot ko 'yung tingin ko at muling pumasok ang maraming karumal-dumal na pangyayari. Naalala ko 'yung mga paulit-ulit na bilin noon ni Mamang sa'kin, huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala, huwag kang titingin sa mata kapag kinakausap ka ng iba kasi baka mabudol ka, huwag ka ring sasama sa mga taong nagpapaturo ng direksyon.

Pagtingin ko kay Quentin ay laking gulat ko nang makitang tinatanggal niya na 'yung tali sa paa niya!

"N-Natanggal mo 'yung tali sa kamay mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"It's not that tight," kampanteng sabi niya. Nang makakawala 'yung paa niya ay lumapit siya sa'kin at tinanggal 'yung mga tali sa paa at kamay ko. "There, you're okay."

Dalaga na si RemisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon