Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, Character,Businesses,Places,
Events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime punishable by law.
---------------------------------------------------
[A/N: Special mention to my cousin hi @Itsmargaux07 hahaha.]
[A/N: EXPECT THE WRONG GRAMMAR AND TYPO.]
"Naulanan ka?" tanong sa akin ni calah nang maka uwi ako sa apartment.
"Obvious ba?"
"Ay hindi eh, hindi ka basa. 'di ka nilalamig."
"Tatanong ka pa kasi obvious naman, magbibihis na ako." tumango nalang sya sa akin at dumiretso na ako sa kwarto ko upang magbihis.
Lumabas ako ng kwarto ay nanonood parin ng t.v si calah
"Hoy, senyora tara na't kumain."
"Salamat alipin," sabi nya at pinatay yung t.v
"Anong alipin ulol, ikaw mag huhugas ng plato"
"Alam ko boba"
Kumain na kami ni calah pagtapos ay hinugasan nya na yung mga plato at ako naman ay pumunta sa kwarto ko para gawin yung mga projects at assignments na binigay ng prof namin kanina.
Kailangan kong mag sipag sa pag aaral dahil mababang uri ng pamilya lang ako nang galing at ganun din si calah, si calah ay di ko naman parehas na mahirap di mo masasabing mahirap o mayaman sya sakto lang. nag papart time job kami para sa ipambabayad namin dito at pambaon namin. Ang pamilya ko naman ay pinapadalhan ko padin ng pera sa probinsya kahit sinabi nila mama at papa na wag ko na silang dalhan at itabi ko nalang daw. Magsasaka lang ang papa ko at ang mama ko ay tinutulungan si papa.
Tatlo kaming magkakapatid yung isa ay isang taon pa lamang inaalagaan ni mama yung isa ay grade 3. Mahirap lang ang buhay namin pero nakaka usad naman kami. Nag aaral ako ng mabuti para sa pamilya ko, scholar lang din ako sa school na pinag aaralan ko.
Mabuti nalang at pasok ako sa scholar dahil gamit ko yung utak ko.
Kinaumagahan ay naligo agad ako at nagbihis di na ako nag abalang tingnan si calah dahil alam kong tanghali ang pasok nya at ngayon sya nag papartime pag umaga ako naman ay pang hapon hanggang alas syete nang gabi ang trabaho ko.
Umalis na agad ako sa apartment at nilock ito, dalawa susi namin isa sa akin at isa kay calah. Naglalakad lang ako papuntang school para tipid nadin alas otso pa naman yung pasok ko, maaga ako nagigising para mag lakad at exercise na din.
Medyo malapit na ako sa school ng biglang bumuhos ang ulan buti nalang ready ako ngayon may dala akong payong.
Naka mask ako lagi dahil sa mga usok ng sasakyan. may nakita akong ka schoolmate ko lalaki naulanan kaya tinawag ko ito.
BINABASA MO ANG
The Girl In The Rain (Rain Series #1)
RandomRain Series #1 P & D Date started: May 19, 2020 Date ended: June 16,2020