Masyado niyang inilapit ang mukha niya sakin na ikinabilis ng puso ko. Napapikit ako hanggang sa naramdaman ko yung mainit niyang labi sa labi ko.
"Sorry."mahina niyang sabi.
Nagmulat na ako at pasimpleng tumingin sakanya at nakaramdam ako ng hiya. Feeling ko kase namumula pisngi ko sa kilig.
"Andito na tayo. Gusto mo bang ako nalang ang bumaba?" tanong niya at tumingin ako sa labas.
"Ako nalang." sabi ko tapos kinapitan niya kamay ko nung narinig niya yung sinabi ko.
"Tayo nalang dalawa para mas maganda." sabi niya. Mababaliw na talaga ako dito sa lalaking to eh!
Tinanggal niya yung seatbelt ko pati seatbelt niya tsaka lumabas ng kotse para pagbuksan ako. Nakita ako ng guard ng school at nagtanong.
"Hi po good afternoon Ma'am." bati nung babaeng guard tapos tumingin kay Sean.
"Hello. Good afternoon den." sabi ko kaya tumingin ulit siya sakin.
"Asawa niyo po?" usisa nung babaeng guard na ikinabadtrip ko.
"Mind your own business."pagtataray ko at hinila ko sa braso si Sean.
Nakita namin si Shaun na naglalaro sa playground.
"Shaun!" sigaw ko kaya napatingin siya samin.
"Daddyyy!" sigaw ni Shaun at tumakbo papunta kay Sean at yumakap.
Ako tumawag tapos si Sean ang sinalubong. Kakatampo naman tong anak ko.
"Mukhang pawis na pawis ka ah." Sabi ni Sean at kinuha ang towel na nasa kamay ko.
Tinitignan ko lang sila habang pinupunasan ni Sean ang pawis na pawis na likod ni Shaun.
"Thank you po daddy." sabi ni Shaun tapos yumakap ulit kay Sean.
Teka, bakit daddy ang tawag niya kay Sean? May alam naba siya? Hindi ko na ata kailangan mag-explain sa anak ko mamaya.
"Daddy nagugutom po ako." sabi ni Shaun tapos nagpout.
"Sige, kakain tayo ni mommy mo sa gusto mong restaurant." sabi ni Sean na ikinatuwa ni Shaun at yumakap.
Luh? Feeling close ang anak ko. Kanina galit na galit tapos ngayon parang ayaw na niya mawala sa tabi niya.
"Xandra." tawag sakin ni Sean.
"Ha?" sabi ko at act normal lang.
"Tara na?" Aya niya.
"Hatdog." pamimilosopo ko.
"Sige,iwan ka na namin dito." Sabi niya. Pagkatapos kunin ang bag ni Shaun binuhat niya na ito.
Naglakad sila tapos ako nakasunod lang. Putek! Feeling ko hindi ako belong dito nauuna kase sila maglakad kesa sakin. Isinakay ni Sean si Shaun sa backseat at pumasok si Sean sa driver's seat.
Grabe! Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! Kakainis ah!Pinilit kong buksan yung pinto pero naka-lock. Kumatok ako at tumingin si Sean sa bintana at binaba yon.
"Daddy may tao sa labas." tumingin ako sa paligid pero wala naman.
"Oo nga eh. May coins kaba dyan?" tanong ni Sean. Huh? Bakit nagta-tanong ng coins to?
"Meron po. Eto po oh." Sabi ni Shaun at kinuha ang coins na inabot ni Shaun sakanya.
Sinamaan ko ng tingin si Sean ng mapagtanto kong inaasar nila ako na pulubi dito sa labas.
"Buksan mo tong pinto!" inis na inis na sabi ko kaya binuksan niya ang pinto.
Pumasok agad ako at hinampas si Sean tapos tawa lang siya ng tawa. Humanda sakin to! Kakainis naman tong dalawang to eh. Nagsabwatan pa para mapagtripan ako.
"Shaun saan mo gusto kumain?" tanong ni Sean habang ini-istart ang kotse.
"Jollibee po!" mabilis na sigaw ni Shaun.
"Sige, ano mga gusto mo kainin?"
"Chicken Joy with rice at fries po daddy." Sabi niya kase iyon lagi kinakain ni Shaun tuwing kakain kami dito sa Jollibee.
"Favorite mo ba iyon?" tanong ni Sean.
"Opo. Hehe." sagot ni Shaun at ngumiti siya kay Sean.
"Pareho pala tayo." sabi ni Sean.
"Syempre, ikaw po daddy ko eh."sabi ni Shaun sabay nag-wink.
Daddy daddy ka dyan! Paano niya nalaman na daddy niya si Sean? Kainis naman oh. Kapag ito mamaya nagtanong sakin, hindi ko sasagutin.
"Mommy baka matunaw si Daddy." sabi ni Shaun kaya umiwas ako ng tingin nung tumingin si Sean sakin.
"Ahh wala anak sa labas talaga ako nakatingin." Sabi ko nalang. Putek!Kapag kami nabangga. Tinitignan lang eh!
"Weh?Ako kaya tinitignan mo." singit ni Sean habang nagda-drive.
"Hindi nga!" inis na sabi ko. Nagi-istart na naman tong dalawang to.
"Gusto mo ba mag drive thru nalang tayo ?" tanong ni Sean saakin.
"Kayo bahala." sabi ko kahit naiinis paden ako.
"Ikaw Shaun?"
"Sige po daddy."
"Sa bahay nalang tayo kumain para hindi hussle."
"Okay po daddy."
Pagkatapos namin magdrive thru dumaan kami saglit sa 7/11 kase may binili si Sean. Hindi ko alam kung ano basta bahala siya. Pati ba naman bibilhin niya aalamin ko pa? Hindi naman ako baliw eh. Baliw na baliw lang HAHAHA
Ilang oras ang nakalipas at nakadating na kami sa bahay. Umupo yung mag-ama sa Salas at ako naman ay dumiretso sa kusina para kumuha ng plato para isalin yung mga pagkain para mas maayos makakain si Shaun.
Pagkatapos kong isalin ay tinawag ko na sila agad. Nakita ko sila na nagtatawanan dalawa. Nakakataba ng puso kase kahit andyan mga bestfriend ng daddy niya. Hindi niya paden kayang ipagpalit totoo niyang daddy.
"Kain na tayo." Aya ko sa kanila nung matapos silang tumawa. Napapangiti ako kapag nakikita ko sila na masayang dalawa.
Tumayo naman sila at binuhat ni Sean ang anak namin.
"Yehey!" Sabi ni Shaun nung makita niya na madaming binili si Sean na gravy.
"Tara,kain na tayo." sabi ni Sean.
Nasa kalagitnaan kami ng usapan. Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mabulunan sa tanong ni Shaun
"Mommy, mahal mo paden po ba si Daddy?" tanong niya.
Natahimik ako sa tanong niya. Habang si Sean nagi-intay sa sagot ko. Hindi ako makapagsalita parang may bara sa lalamunan ko.
"May chance po ba si Daddy Sean?" Huh? Anong chance sinasabi neto?
"What do you mean?"tanong ko. May pachance-chance pang nalalaman.
"Chance po na maging daddy ko kapag hindi na bumalik tunay kong daddy."tanong niya. Huh? Chance na maging daddy? Eh, siya naman kase talaga tunay mong ama.
"Anak, mamaya na natin pagusapan iyan. Tapusin muna natin tong pagkain natin." sabi ko. Matanong kase tong batang to pero marunong umintindi.
"Sige po mommy. I love you po."sabi ni Shaun.
"I love you too anak." sabi ko at napansin kong napangiti si Sean.
"I love you po daddy Sean." sabi ni Shaun tapos tumingin sa tabi niya. Magkatabi kase sila eh.
"Sana po hindi na bumalik yung tunay na daddy ko para si daddy Sean nalang ang love mo mommy." Sabi ni Shaun.
Kung alam mo lang anak. Patawarin mo ako kung hindi ko binabanggit ang pangalan niya. Malalaman mo den ang totoo. Malapit na anak tapos konting tiis lang.
BINABASA MO ANG
Red String That Bind Us Together
Romantik5 years ago,Xandra was brokenhearted when the love of her life leave for his future.Forgiveness is the best medicine to heal the pain. When Xandra Reiko Gonzalez wishes for love,she doesn't expect too much.She knows how to wait and she believes that...