Chapter 4

9 5 0
                                    

Nang matapos kami kumain kanina ay inayos ko ang mga plato at inilagay sa lababo.

"Love,ako na dyan."boses galing sa likod ko kaya humarap ako.

It's a trap.Putek!Anlakas ng tibok ng puso ko sa kaba dahil hindi ko alam ang pwede niya gawin sakin.

"Relax.Tingnan mo ako sa mata ko."Sabi niya at hindi ko kayang tignan siya sa mata.Mas lalong lalakas ng tibok ang puso ko.

"Come on."iniangat niya ng tingin ang ulo ko.Straight to his face kaya hindi ko na napigilan na mapatingin ako sakanya.I saw his affection eyes that made my heart beat so fast.

"I love you so much wifey."Sabi ni Sean tapos hinalikan ako sa labi.Napapikit nalang ako.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.Hindi ko naramdaman na napayakap naden pala ako sakanya.Ang sarap sa feeling ng ganto.Sana hindi na ulit siya umalis.

"Akin ka lang.Please!Ayaw kitang mapapunta sa iba."sabi niya habang nakayakap paden sakin.

"Sayo lang naman talaga ako."sabi ko at niyakap siya ng mas mahigpit at hinalikan niya uli ako sa noo.

"Can I join?"nagulat ako sa narinig kong boses ni Shaun.Para akong napaso at kumalas ng yakap kay Sean.

"Come here."Sabi ni Sean kaya tumakbo si Shaun ng mabilis papunta sa amin.

Binuhat ni Sean si Shaun at hinila ako ni Shaun para mayakap niya kami dalawa.

"Yehey!One happy family."tuwang tuwa na sabi ni Shaun.

Sana nga buo kami.Sana hindi niya kami iwan ulit.Sana kung aalis man siya magpaalam siya sa anak namin.Ayaw kong makitang malungkot ang anak ko.Kanina sobrang saya ko nung makita ko ulit siya.Alam kong may pagku-kulang siya pero naiintindihan ko kung bakit ngayon lang siya nagparamdam.Hindi na kami bata para magsakitan ng damdamin.Dahil alam kong mahal na mahal ako ni Sean.Kahit hindi niya naman sabihin ramdam ko yon.

"It's already 9pm.Kailangan mo na matulog Shaun."Sabi ni Sean.Bago niya ibaba si Shaun kiniss niya muna ito sa noo.

"Daddy dito kana lang po matulog."Sabi ni Shaun na ikinagulat ko.

"Sige."tipid niyang sagot tapos tumingin sakin.

"Gusto mo po tabi tayo daddy or kayo ni mommy ang tabi?"Sabi ni Shaun.Kanina pa tong anak ko ah.Namumuro na saakin.

"Dito nalang ako sa sofa."Sabi niya at yinakap uli si Shaun.Sana all niyayakap.

"Okie po daddy.Punta ka lang po sa kwarto kapag hindi ka po comfortable sa sofa."Sabi ni Shaun na nagpa-ngiti saakin at nagpa-alis ng kaba sa dibdib ko.Ang sweet kase ng anak ko.

"Goodnight."Sabi ni Sean tsaka ginulo buhok ni Shaun.

"Goodnight mommy and daddy."Sabi ni Shaun at kumiss sa pisnge namin.

Nang makataas si Shaun.Tumingin agad sakin si Sean.Myghad!Yung puso ko na naman.Anlakas ng tibok gawa nung epekto niya sakin.

"Goodnight Xandra."sabi niya tsaka pumunta sa Salas.

Naiwan ako dito sa kusina.Napatingin ako sa ref at binuksan iyon.Kumuha ako ng beer.Siguro naman hindi pa siya inaantok.Kumuha den ako pulutan at pumunta sa Salas.Nakita ko siyang nanonood ng YouTube sa smart TV.

"Sean."tawag ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"Bakit?Bakit may dala kang beer?"tanong niya.Ipinatong ko ang dala ko sa lamesa at umupo sa tabi niya.

"Gusto ko lang uminom."sabi ko.Pero ang totoo gusto ko siya makasama kahit ganto.

"May problema kaba?"tanong niya na halatang nag-aalala.

"Wala naman.Gusto lang muna kita samahan dito.Hindi pa kase ako medyo inaantok."sabi ko nalang.

"Sige,nood muna tayo."Sabi niya tsaka naghanap ng magandang panoodin.

"Tara,inom tayo beer."Sabi ko.

"Hindi ako masyado nainom ng alak eh."sabi niya.

"Sige,ako nalang."sabi ko at sumandal.

"Anong gusto mo panoodin?"tanong niya.

"Anime."sabi ko at naghanap siya.

"Pwede ba natin panoodin yung Your Name?Alam kong napanood mo na iyon pero gusto ko panoodin ulit kasama ka."sabi niya at tumango nalang ako.Paborito ko naman yon dati eh.Hindi ako nagsasawa panoodin ng paulit-ulit.

Binuksan ko yung beer at chichirya na dala ko.Inalok ko siya ng chichirya kase sabi niya hindi siya nainom ng beer.

Bago nagplay yung movie ay nagsalita siya.

"Galit kaba sakin?"malungkot na tanong niya.

"Hindi.Bakit?"Sabi ko.Binuksan niya yung isang beer na nasa lata at tinungga iyon.

"Akala ko kase pagbalik ko,galit na galit ka sakin."malungkot na sabi niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.Mahal na mahal ko paden siya.Walang nagbago kahit nasaktan niya ako ng sobra nung umalis siya.

"I love you Sean."sabi ko at yumakap sakanya.

"I love you more wifey."sabi niya at kiniss ako sa noo.

Makalipas ang ilang oras ay nakainom ako ng 4 beer in can tapos paubos nadin yung pulutan namin.Dalawang beer lang ininom niya kase hindi naman siya sanay uminom.Malapit na  matapos yung anime na pinapanood namin.Naiiyak ako kase nagkita na sila dala na rin siguro ng beer ng ininom ko.

Natapos na namin yung movie tapos sinubukan ko tumayo pero nahihilo na ako kase uminom ulit ako.

"Okay ka lang ba?"tanong niya habang kapit ako sa waist.

"Medyo nahihilo lang."sabi ko.

"Sige,ihahatid na kita.Saglit lang ayusin ko lang tong mga kalat."Sabi niya at tinapon niya sa basurahan yung mga kalat namin.

Pumikit ako kase nahihilo ako.Hindi ako makatayo eh.

"Tara na."sabi niya at dahan dahan akong inalalayan tumayo.

Nahirapan kaming tumaas sa hagdan kaya binuhat niya ako na parang bride hanggang sa makarating kami sa kwarto.Dahan dahan niya ako inihiga.

"Matulog kana."Sabi niya at kiniss ako  sa noo.

Pahakbang siyang paalis pero pinigilan ko siya.Kinapitan ko siya sa braso.

"Dito ka lang.Wag mo ako iwan please."naiiyak na sabi ko.

"Sa baba lang ako matutulog.Hindi kita iiwan.Okay?"sabi niya na mas lalong nagpatulo ng luha ko.

Napakadrama ko naman.Inom pa Xandra!Nababaliw na ata ako eh.Alam ko naman kaseng sa baba siya matutulog pero nasa isip ko iiwan niya ako.

"Please,dito ka nalang sa tabi ko matulog."sabi ko at umipod para makahiga siya.

Tinitignan ko siya tapos napatingin ako sa labi niya.Myghad!Anong plano mo Xandra?Tanong ko sa sarili ko kase gusto ko siya halikan.Nakakaakit yung pula niyang labi.











Red String That Bind Us TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon