"Hyung" tawag ko sa kanya. Ngunit nakakabinging katahimikan na ang sumagot sa akin. Isa lamang ang ibig sabihin nun, tuluyan ng pinutol ni Hyung ang transmitter ko sa system nya.
Hinila na ako papasok ng 3 babae.
"Bat di ka pumasok nung 1st subject?" tanong ni blonde
"Baka naligaw sya girl" wika naman ni Brunette
"Baka natulog ulit" wika naman ng nakasalamin.
Im stuck with them. And fuck, I hate it.
'Who is she?'
'Ganda nya oh. transferee ata'
'Ngayon ko lang sya nakita'
'Geez. Maiinsecure si Arya dyan for sure'
'Edi bubullyhin nya na naman yan'
bulungan ng mga hampaslupa sa paligid ko.
"Argh!" inis na upo ko. Hindi ko alam kung may nag mamay ari na ng upuan na ito ngunit wala akong pakielam.
"Fuck hyung!" bulong ko sa transmitter at umaasang may tatawa sa kabilang linya ngunit wala.
'She look so calm and very pretty'
I look so calm? yeah maybe.
"Ahh- ahm. R-railey" tawag sakin ni eyeglass girl.
I look at her. Iniwas naman nya ang tingin sa akin
"Kasi, ano. Ikaw na nga Bea" utos nya kay Brunette. Bea ata ang pangalan
The 3 smiled at me awkwardly. Psh.
"Ahh. May na-nakaupo kasi dyan, kaya dun ka na lang sa pwesto namin" nag aalinlangang sabi nung Bea
Inuutusan nila ako? The heck. At wala akong pakielam kung may nakaupo na dito.
Hindi ko sila pinansin at itinuon ang atensyon ko sa may bintana.
Napaka peaceful ng kalangitan. Hindi ko alam, pero sa tuwing titingin ako sa kalangitan, nakakaramdam ako ng ginhawa.
"Kyaaaah! Papasok daw sila ngayon" nagkagulo naman ang klase dahil sa sinabi ng isang nilalang. Maski ang tatlong babaeng nasa harapan ko
"Omfg! Really?"
"Kyaaa! Im gonna die"
Kanya kanyang ayos naman ang lahat. Psh. Sino ba kasi ang dadating?
Natigilan ang tatlo at tumingin sa akin. Nag papakiramdaman pa kung sino ang magsasalita.
"Ally, ikaw na nga" sabi nung Bea kay Blonde. Alanganing ngiti naman ang isinagot nito.
"Ra-Railey, kasi ano, dun ka na lang please" Itinuro nila ang bakanteng upuan sa gitna. Marahil ay doon sila nakapwesto.
I just looked at them. Ayokong inuutusan ako. Ayoko sa gitna pumwesto at ayokong mapaligiran nila.
Tumahimik naman ang paligid. Napatigil ang tatlo na nakatingin sa likod ko. Napansin kong nakatingin din ang lahat sa akin ng may pag aalala.
Hindi ko na lang pinansin at iniyuko ang ulo ko sa desk. Kelangan ko ng tulog.
"R-r-ra-railey" kinakabahang tawag sa akin ng nakakairitang boses.
Hindi ko pinansin iyon. Alam kong may tao sa likod ko at wala akong pakielam.
Naramdaman kong may sumipa sa upuan ko. Hindi ko iyon pinansin. Itinaas ko ang aking ulo at tiningnan ng nakakatakot ang mga estudyante. Kanya kanya naman sila ng iwas.
BINABASA MO ANG
Rule #4: Live
RandomOn her last mission here in the Philippines, she did not expected that this will turn her life events. She wanted to finish it as soon as possible but it seems like odd is not on her side.