"Sir, they are here." sabi ng isa sa tauhan ni dad.
Nakita ko kung paano kumunot ang makinis na noo ni dad. Tumingin sya sa akin at hinalikan ang aking noo.
"Dont worry baby, everything will be alright." I smiled. I believe in him.
Nakita ko si mama na may hawak hawak na baril. Ang sabi nya sakin, para daw iyon sa pakikipaglaban.
"Ray" narinig kong tawag ni hyung.
May lumapit na tauhan kay papa. Nakita ko ang pagbabago ng itsura ni dad, nakakatakot sya.
May narinig kaming malakas na pagsabog. Niyakap ako ni mama at paulit ulit nyang binubulong sa akin na maayos ang lahat.
Hindi ko maintindihan ang buong usapan ni dad at ng tauhan nila dahil sa ingay, ang tanging narinig ko lang ay ang iligtas ako, ang itakas ako palayo.
May mga naka maskarang tao na pumasok sa loob ng mansyon. Pinapanood ko sila habang binabaril ang mga tauhan ni dad.
"Rexil, go! I can manage this. Go save your life and Railey's" nakangiting sabi ni dad kay mom. Umiiyak si mom at paulit ulit na sinasabing hindi nya kayang iwan si dad.
Tinaboy kami palayo ni dad. Tumakbo kami ni mom sa likod ng mansyon at doon nya ako iniwan.
"Railey" sabi ni mom habang niyayakap nya ko ng mahigpit.
"I love you and you know that baby. But I just cant leave your father like that. I love you baby" wika ni mom habang tumatakbo palayo sa akin.
"H-hyung! Mom! Dad!" iyak ko.
Nakakita ako ng isang puno at inakyat yun. Umupo ako sa isang sanga at doon umiyak ng umiyak.
Narinig ko ang pagmamakaawa ni mom sa mga lalaking nakamaskara na wag barilin si dad.
Pero huli na ang lahat. Nakita kong binaril ng lalaki si dad pero bago mawalan ng buhay si dad, ngumiti sya sa akin. Alam ko yun! Alam ko yun! Dahil alam nyang sa puno ako madalas magtago.
*bang*
isang pagputok ulit. At nakita ko si mom na nakahandusay kaharap si dad. Umiiyak at duguan.
"Two down. Two more." sabi ng lalaking nakamaskara
"Where are you dela Merzed Children" sabay tawa ng malakas.
Iyak ako ng iyak sa may puno. Si mom at si dad wala na.
"Mom! Dad!" mahina kong iyak.
"RAILEY!"
"RAILEY! OMG! BINABANGUNGOT SYA!"
"RAILEY! WAKE UP PLEASE!" naramdaman ko ang mahinang pagtapik ng isang tao.
Dumilat ako ng dahan dahan at sumalubong sa akin ang 3 pares ng mga mata na nag aalala.
"Railey!" Sigaw ni Bea sabay yakap sa akin.
Itinulak ko siya palayo.
"Ra-railey! Binabangungot ka!" nag aalalang sabi ni Maggy.
"Normal na ito!" wika ko sabay tingin sa ibang direksyon.
Akmang yayakapin ako ni Ally pero tumayo agad ako.
"I dont need you! I dont fucking need you!" galit na galit kong sigaw at dumiretso ako sa bathroom.
They are back. They are hunting me again. Pero di kagaya ng dati, si hyung ang nagpapatahan sa akin. Kaso asan na sya?
'what is your dream ray?' tanong sa akin ni hyung ng minsan kaming magkita sa japan.
'my dream hyung? my dream is not to dream' I said and he hugged me suddenly
'I know it Ray, dont cry. ssssh.' pagpapatahan sakin ni hyung
BINABASA MO ANG
Rule #4: Live
RandomOn her last mission here in the Philippines, she did not expected that this will turn her life events. She wanted to finish it as soon as possible but it seems like odd is not on her side.