Chapter 5

70 3 0
                                    

"Sya nga pala Railey, hindi mo pa sinasabi sa amin kung saan ka nanggaling nung isang araw ha" wika ni Bea.

Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria. Oh please, I wanna have a peaceful break. Kahapon pa nila ako tinatanong kung bakit ako nawala nung isang araw.

If I were them, I would not ask dahil mabibigla lang sila.

May pumasok na isang magandang babae at may buntot na apat na clowns? tsk.

Nanahimik naman ang kaninang maingay na cafeteria. Good. That's what I want, a peaceful break.

Ngunit hindi iyon nagtagal ng biglang binuhusan ng juice ng magandang babaeng yun ang pagkaing kinakain ng mga kasama ko.

'Arya is starting again'

'Ah. Yeah. At yung losers na naman ang napagtripan nya'

rinig kong bulungan ng nasa paligid.

Losers? Dont tell me, these three are the losers? tsk. dagdag trabaho pa. Walang pakielam akong tumayo at kinuha ang aking tray.

Maglalakad na sana ako palayo ng marinig ko ang hikbi ni Ally. Tsk. Iyakin.

Inilapag ko ang pagkain ko sa katabing table. Kinuha ko ang tray ni Maggy na ikinapagtaka naman ng lahat. Oh I forgot, I think since this Arya girl is the queen bee here, everyone's attention is on us.

Inilapag ko ang tray ni Maggy sa table na nilipatan ko.

"Move" Malamig kong sabi sa tatlo, akma naman silang tatayo ng magsalita ang magandang babae.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" maldita nyang sabi. Hindi ko sila tinapunan ng tingin, bagkus ay kinuha ko ang tray ni Bea at inilapag sa kabila.

Akmang kukunin ko na ang tray ni Ally ng pigilan ako ng isang kamay.

"Ra-Railey" mahinang tawag ni Maggy.

"Let go of my hand" I said coldly. Naramdaman kong hinigpitan nya pa ang paghawak dito.

"And who do you think you are?" taas noo nyang tanong.

"Me? Im an ordinary student who wants nothing but a peaceful break. But that fucking peaceful break is ruined by the bitch who thinks that she has it all" namula naman ang mukha nya ng mapagtantong ang tinutukoy ko ay sya.

"W-what? Bitch? You're the bitch here!" matinis nyang sigaw.

I just shrugged. Nakuha ko na ang pinakahuling tray ng hilahin nya ang buhok ko. Accidentally, natapon ang laman ng tray sa kanya.

"Eew! Eeeeew!" sigaw nya. Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakapanood sa nangyari.

"Katy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw nya at kumilos naman ang isa sa clowns na kasama nya.

"You bitch" sigaw nung Katy sakin ngunit bago nya pa magawa ang binabalak nya ay may pumigil sa kamay nya. Ahh. Hindi ako yun.

"C-chris!" sigaw nung clown. Tiningnan ko naman ang may ari ng kamay na iyon, si Nova. Tsss.

"Chris, that bitch. Tinapunan nya ng pagkain si Arya then sasampalin nya ako" maarteng sabi nito.

"Ganon ba? Eh batay sa nakikita ko ikaw ang sasampal sa kanya" nakangising sabi ni Nova kay clown

"H-hindi. Pinopro---" Naputol naman ang sasabihin ni clown ng malakas na tumawa sina Nova at Lelouch.

"HAHAHA! Tang ina Arya, mukha kang pulubi! HAHAHA!" Pang aasar ni Lelouch na ikinainis ni Arya.

Tumakbo naman ito palapit kay Andrada.

"Matt, that bitch is bullying me" pagsusumbong nya kay Andrada sabay turo sa akin. Matt? Di man lang sya tinapunan ng tingin ni Andrada.

Rule #4: LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon