"Railey" wika ng isang nilalang na nakatalikod sa akin.
"sir Roy!" untal ko ng nakangiti syang humarap sa akin. Ngunit unti unting naging seryoso ang kanyang mukha.
"Natalo ako, natalo rin ang mga magulang mo, ipagpatuloy mo ang labang dapat ay matagal nang natapos" at may inabot sya sa akin na litrato.
"A-anong ibig mong sabihin sir Roy?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti lang sya sa akin at naglakad na palayo. Hahabulin ko sana sya ng magsalita uli sya.
"Nagsisimula na ulit sila, kaya maging maingat ka sa bawat galaw na gagawin mo. Sila" sabay turo nya sa blurred na picture na inaabot nya sa akin.
"sila ang makakatulong sayo" at tuluyan na syang naglakad sa kawalan.
Nagbago naman bigla ang lugar. Nasa may puno ako, ito ay nasa likuran ng mansion namin sa France. At natatanaw ko ang mga pamilyar na tao, natakot ako dahil sila ang pumatay sa magulang ko. Ngunit ang mas ikinatakot ko ay ang pamilyar na nilalang na hawak hawak nila.
"No hyung!" iyak ko ng barilin nila si hyung. Tatakbo sana ako nang biglang magbago uli ang lugar.
Nandito naman ako sa isang park. May lumapit sa akin na isang lalake at umupo sa tabi ko.
"Malupit ang mundong ginagalawan mo. Mahirap humanap ng kakampi dahil tatraydurin ka lang nila sa huli" may inaabot naman syang isang pendant.
"P-para san to?" He smiled at me.
"Maaring makatulong iyan o maaring iyan ang maging dahilan ng iyong pagbagsak." tumayo na sya at naglakad, pinigilan ko naman agad sya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Ngunit literal na nakipag usap ako sa hangin. Naguguluhan akong napasalampak sa damuhan at pinakatitigan ang blurred na litrato na binigay ni sir Roy at ang pamilyar na pendant na ibinigay ng misteryosong lalaki. Parang nakita ko na ang pendant na ito.
Di ko maaninag ang mga mukha na nasa litrato ngunit sigurado akong 4 na tao ang nandito.
Naramdaman ko naman ang sikat ng araw na tumama sa aking mata kaya agad akong napabalikwas ngunit eto na ata ang pinakatangang desisyong nagawa ko. Dahil parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.
"Omg Railey!" rinig kong bulalas ng isang babae. Nanatili akong nakayuko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasapo ko ang ulo ko at nahawakan ko ang isang benda.
"She's awake" naramdaman ko naman na may lumapit sa akin.
"Ilang araw akong walang malay?" tanong ko habang nakayuko pa rin.
"3 days." sabi ni Maggy sabay abot ng isang baso ng tubig.
Tinanggap ko ito. Madami pang sumunod na mga tanong na nagmula sa kanila ngunit di ko iyon pinansin dahil gulong gulo pa rin ako sa napanaginipan ko, hindi ko alam kung panaginip nga iyon. The pendant! I immediately got my bag which surprised them. But Im disappointed to find out that that pendant is way different than the pendant I have but that pendant seems so ..... familiar.
"Damn!" I frustratedly cussed. Magtatanong sana si Johan nang may marinig kaming malakas na pagsabog at nagtalsikan naman ang salamin ng bintana. Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Andrada palapit sa kanya at hinayaan nyang ang katawan nya ang sumalo ng mga bubog.
I jerked out of his arms pero masyado syang malakas. He ducked at nagtago kami sa ilalim ng kama. "Stay where you are" utos nya sa akin. Nakarinig naman kami ng sunod sunod na pagputok.
Nakita ko si Ally at Maggy at ang iba pang myembro ng 4 shadows na nakadapa rin. I crawled towards the two girls. Ngunit bago pa ako makarating sa kanila ay hinila uli ako agad ni Andrada papunta sa kanya at nakarinig ng pagputok sa likuran ko. What the!
"Damn Ramirez! It can cause you life" Bulong nya.
Nakipagpalitan ng bala si Andrada sa gunman habang ang isang kamay nya ay nakayakap sa akin. Sumilip ako only to find out na sakay sakay ng helicopter ang gunman.
Mabilis ang mga pangyayari dahil napansin ko na lang na madami ng tao sa kwarto at wala na ang helicopter at ang gunman.
Naramdaman ko naman ang pagluwag ng yakap ni Andrada.
"Y-you're bleeding" untal ko ng makita ang pagdudugo ng kanyang braso. He shoved me away na ikinadahilan ng pagtalsik ko, buti na lang ay nasalo ako ni Ravi.
"Boss, mas makakabuti pa po kung babalik na kayo kaagad sa Academy" sabi ng tauhan ni Andrada. At doon ko lang napagtanto na wala nga kami sa Academy, nasa hospital kami, Achilles Hospital.
======
It's P.E. day today at exempted ako sa kadahilang hindi ko pa raw kakayanin. Well, 4 shadows insisted. Kaya eto ako bored na nakaupo dito sa bleachers at bored na pinapanood ang mga lampang babae na hindi marunong mag dribble at magshoot ng bola.
"They are not targeting you Xenon but Railey" hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila ng mapadaan ako sa HQ.
"Pero hindi ako nagkakamali, 'sila' yun" malamig na sabi ni Andrada. Sinong sila?
"Pumayag na ang 2 babae na kakalimutan nila ang nasaksihan. But for Railey, I dont know her deal but we must protect her" yan ang huli kong narinig bago ako tumakbo palayo.
Protect me? Really? Im their undiscovered enemy and if they find that out, they'll want me dead.
"Railey!" sigaw ng classmates ko na ikibinalik ko sa kasalukuyan. Nakita ko naman ang bola na paparating sa akin. Imbis na iwasan ay sinalo ko iyon. I looked at Andrada na nakasmirk. He's fine naibulong ko ng makita kong parang wala lang ang mga sugat na natamo nya sa pagsangga sa mga bubog na dapat ay akin. Well ofcourse, malamang si Andrada ang nagbato nito.
Tumayo ako at hinawakan maigi ang bola. Lemme try kung magaling pa rin ako sa pagshoot. Mula sa kinatatayuan ko, malayo ang ring ng boys but still I aimed for it. "Bingo!" nakangisi kong sabi ng mashoot ang bola sa pinakamalayong ring. Binigyan naman ako ng hindi makapaniwalang tingin ng classmates ko. Take that Andrada!
Nag thumbs up naman sa akin ang dalawang roommates ko na ikinagusot ng mukha ko. Well, Beatrice still aint back. And I dont care.
Nandito ako sa cafeteria and Im alone dahil bumalik ang dalawa sa dorm upang magshower. And Im thankful for it cause peaceful break. Nang makuha ko naman ang order ko ay agad akong dumiretso sa bakanteng upuan.
Nakita ko ang 4 shadows sa di kalayuan na inoobserbahan ako. I gave them my uninterested look at nagsimula ng kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may lumapit sa akin na estudyante. I look at her, uh. Arya's friend? Well, speaking of Arya, hindi ko na sya nakikita.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ngunit di pa rin umaalis ang babaeng nakatayo sa harapan ko.
"As you can see, the three losers are not wit---"
"May nagpapabigay sayo" nilapag nya ang sobre at nagmamadaling lumakad palayo. Pinakatitigan kong mabuti ang sobreng nakalapag sa table ko.
Bigla naman akong napatayo na ikibinagsak at ikinabasag ng baso.
Ang tanga mo Ray!
-------
A/N: Eunice~ salamat sa cover d(^_^)b
BINABASA MO ANG
Rule #4: Live
RandomOn her last mission here in the Philippines, she did not expected that this will turn her life events. She wanted to finish it as soon as possible but it seems like odd is not on her side.