Igor's Pov
Isasarado ko na sana ang music box ng mapansin ko ang isang maliit na drawer sa may bandang ilalim, dahil sa sobrangg curious ko binuksan ko ito at halos nabitawan ko yung music box dahil ang nasa loob ng maliit na drawer na yun ay..... ISANG DALIRI NG TAO.
Agad akong pumunta sa higaan ko at inilayo ang music box pati ang kahon. nag talukbong na ko ng kumot ng biglang nag ring ang phone ko, kinuha ko ito ang sinagot "HELLO? HEELLO?!"
ieend call ko na sana ng bigla may nag salita "BEHIND YOU"
paglingon ko nakita ko ang isang babaeng may mahabang kulot na buhok at nakaitim.
sa bilis ng pangyayari 'di ko na masyado naaninag ang kanyang mukha sa kadahilanang nawalan ako ng malay.
Adrian's Pov
Nagising na lang ako sa sala kasama si alfred na tulog pa, naligpit na din ang mga pinag inuman namin, bumagon ako at hinanap si Igor ngunit wala siya. "pre!pre! gising hoy!" halos hampasin ko na ng unan si alfred para magising."hmmm..pre bakit?" sabay bangon ni alfred na tila'y na alimpungatan, "pre si igor wala dito..." umayos ng pagkakaupo si alfred at tumingin sa paligid "pre baka umuwi na yun hayaan mo na.." tugon niya at nag puntang banyo para mag hilamos.
napatingin ako sa orasan at hindi ko napansin na halos 10 na late na kami sa school pero humabol pa din kami pagpasok. "ang duga ni igor iniwan tayo hayst tayo lang tuloy ung late." napakamot na lang ako sa ulo ko dahil ito ang unang beses na nalate ako. "hayaan mo gantihan natin mamaya hahahaha." tugon ni alfred at dahan dahan kaming sumilip sa room kung meron teacher.
"naku naku wala si sir casper pumasok na kayo.." nagulat kami dahil sa pagsulpot ni Kaye sa harap ng pinto.
pumasok nalang kami ni alfred at as usual nasa iisang lugar nanaman sila raven.
"oh asan si igor? 'di ba mag kakasama kayo kahapon?" pambungad na tanong samin ni Ebony.
"huh? hindi ba sya pumasok? iniwan nga kami kahapon na natutulog sa bahay nila alfred.." tugon ko at umupo na sa tabi ni marga.
" 'di ba pre kayo yung huling nag uusap kahapon?" tanong sa'kin ni alfred at nagtinginan na silang lahat sa'kin.
"oo pre pero nakatulog din ako kaagad, baka nga siya yung nag ligpit ng mga ininuman natin." tugon ko at napaisip naman kami.
"baka malay mo may important stuff lang masyado nyo naman pinapakaba sarili niyo." sagot bigla ni Marga
"uhmm.. ayoko naman na puro pag aalala ang maramdaman natin 'di ba..." dagdag ni Marga at tila lumungkot ang mukha.
"tama nga naman si Marga guys, tanungin na lang natin si Igor bukas." sabi ni Kaye
dahil wala naman si Sir Casper pumunta nalang kami ng canteen para kumain at tumambay.
Hanggang sa nag uwian kami wala kaming natanggap na balita kay Igor.
Igor's Pov
dahan-dahan kong minulat ang mata ko at sa pag bangon ko nakaramdam ako ng sakit ng ulo, napahawak ako sa may bandang likod at napansin kong nadugo ito. Sa pagkakaalala ko may nakita akong babae sa likod ko, tumingin tingin ako sa paligid ako at sa may bandang gilid ko may nag kalat na mga music sheets, medyo hindi na naman kalumaan ang lugar pero parang familiar sa'kin, unti unti akong tumayo para makapag masid pa napansin ko ang isang bagay na nakatakip ng pulang tela, nilapitan ko ito at inalis ang tela.
BINABASA MO ANG
There's a secret behind: Mari's Locker
Mystery / ThrillerWho is mari? and what is the secret behind her locker? let's find out.