Raven's Pov
Iniisip ko pa din yung naramdaman ko kanina, pagdating namin sa canteen bigla akong napatigil sa paglalakad. "m-mari... " bigla kong nasambit habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa isang table. "Raven? raven?? " bumalik ang diwa ko sa pagkakatawag sa'kin ni Kaye. "si marga yan raven, masyado ka ng stress sa nangyayari ngayon, wag mo muna isipin yun okay? " sabi sa'kin ni Kaye at naglakad na kami sa pwesto kung saan hinihintay kami ni marga.
"sorry marga ngayon lang kami. " paumanhin ni adrian sa kanya. naupo na kami at bumili na si kaye ng makakain namin, at si marga naman kinakain nya pa rin yung baon nyang sandwich katulad kahapon.
sandwich....
"raven? okay ka lang ba? " medyo nagulat ako sa biglaang tanong sa'kin ni marga, "mukhang namumutla ka.."
dagdag niya pa. "ah eh hahaha okay lang noh, gutom lang siguro 'to don't worry." sabay kumuha na lang ako ng tubig at uminom. Pagbalik ni Kaye dala-dala ang mga pagkain namin, tahimik na lang kaming kumain dahil mukhang pare-parehas kaming napapaisip sa nangyari.nakita namin na paparating yung class president namin, yung nakasaksi ng krimen kanina. "Pres! okay ka lang ba?" tanong ni Igor at napahinto sya sa pwesto namin, "medyo okay na, dapat pala 'di na lang ako pumunta dun hayst." sabay hawak niya sa ulo niya. "pres, 'di mo naman kasalanan na mag c-cr ka dba hahaha"sabi ni Ivy at tinapik na lang ang balikat niya. "geez... hindi naman talaga ako pupunta kung wala lang nag txt sa'kin ng ganito." sabay ipinakita niya sa'min ang isang txt message.
~~Unknown
Pumunta ka sa Cr malapit sa Section D, may kailangan kang makita.
lalong nagkaroon ng misteryo sa'min ang nangyari.
"So it means may nagpapunta pala sayo para ikaw ang maging witness sa pagkamatay ni Kim." salaysay ni Adrian. "Yeah! hindi ko naman gusto na maging witness ng isang krimen." Sagot ng class president namin. lahat kami ay napaisip sa sinabi ng class president namin at nag karoon ng tanong kung sino ang nag txt sa kanya. umalis ang class president namin at patuloy na namuo ang katahimikan samin.
bumalik na kami sa room at dumating na din ang adviser namin.
"dahil sa nangyaring krimen pauuwiin muna namin kayo ngayon ng maaga, wag niyo na lang ikalat ito sa social media para di na lumaki ang issue sa ating school" paliwanag ng adviser namin.
Marga's Pov
nilagay ko na yung libro ko sa locker, napatingin ako sa katabi kong locker na nakapadlock.
"Gusto ko na din malaman ang code nyan.." biglang singit ni raven habang nakatingin sa katabi kong locker.
"sino ba kasi si mari? can you tell me the truth raven?" nagdadalawang isip pa si raven pero hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa isang vacant room.
"gusto mo ba talaga malaman? sige sasabihin ko sayo.... si mari.... si mari ang may ari ng katabi mong locker at si mari din ang iisang lost student sa section D maraming nagtaka sa pagkawala niya lalo na kaming mga kaibigan niya. pagkatapos ng araw na iyon, kinabukasan hindi na namin nakita si mari at ang locker niya ay nakapadlock na at may bahid ng dugo. sinubukan ayusin ng eskwelahan na 'to ang nangyaring misteryo pero hindi nila kayang galawin ang locker ni mari dahil sa takot din nila. at ang iisang hinala namin ang gumawa nito ay ang gumagawa uli ng mga krimen ngayon." paliwanag sa'kin ni raven at halata ang lungkot sa kanyang mukha.
"Pero 'di ba bago ang padlock sa locker ni mari??" pinunasan nya ang kaunting luha na nasa mata niya at hinarap uli ako, "sa totoo lang hindi namin alam bakit biglang nag bago yung padlock na yun." tugon niya at akmang aalis na sana nung nakita namin si ebony sa harapan namin. "Ba't ba ang hilig niyo balikan ang nakaraan na? wala itong kinalaman kay mari kaya please wag nyo na pag usapan yan." iritadong sabi ni Ebony at umalis na sa harapan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219166381-288-k865587.jpg)
BINABASA MO ANG
There's a secret behind: Mari's Locker
Mystery / ThrillerWho is mari? and what is the secret behind her locker? let's find out.