3:The First Code

5 0 0
                                    

Marga's Pov

Napatingin ako ng matagal sa phone ko at napaisip ako.

Isa ba 'tong.... Vanity code or number keys code?

3-33-2-8-44-4-2-6-33

Isinulat ko uli sa papel yung number at sinundan ang nasa number key.

1-.,
2-abc
3-def
4-ghi
5-jkl
6-mno
7-pqrs
8-tuv
9-wxyz
0-space

Kung susundan ang number

3-D
33-E
2-A
8-T
44-H
4-G
2-A
6-M
33-E

Death Game

Nabigla ako sa resulta ng na decode ko, kailangan ko ito masabi sa kanila.

Prank lang ba talaga 'to o isang death threat.

Adrian's Pov

Pag uwi ko sa bahay,  dumiretso na ko ng kwarto at tinignan ang litrato namin ni Mari na nakalagay sa study table ko.

Nasaan ka na kaya mari.... Buhay ka pa 'di ba, gustong gusto na kitang makita...

Biglang tumulo ang mga luha ko sa sobrang lungkot, kung alam ko lang na iyon ang huli nating pagkikita... Sana hindi na lang kita iniwanan.

Niyakap ko ang litrato at 'di ko na napigilan na umiyak hanggang sa makatulog ako.

Mahal na mahal kita mari.....

Ang huling nasambit ko at tuluyan na kong nakatulog.

Raven's Pov

Halos 'di mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina,  mukhang mag sisimula nanaman ang kinatatakutan ko,  simula ng mawala si mari naging magulo na lahat sa Section D kung saan dati kaming mag kakaklase, kinuha ko ang isang litrato naming mag kakaibigan at nasa gitna si mari na nakangiti, napaka inosente niya ngunit 'di ko makakalimutan ang nakita ko nung gabing yun.

Itinago ko na lang uli ang litrato at humiga sa kama, sa dami kong iniisip 'di ko namalayan na nakatulog na ko.

Kaye's Pov

Hindi pa rin matanggal ang kaba ko sa nakita kong pulang sobre na hawak ni marga kanina,  nakita ko na yan noon,  yan ang hawak ni mari nung gabing yun.  Muling nagbalik sa alaala ko ang nangyari nung gabing yun.

Flashback:

Dahil sa gusto kong makapasa sa huling test namin, pumunta ako ng gabi sa school ngunit bago pa ako makapunta, nakita ko ang mga bakas ng dugo sa hallway at nagulat din ako ng makita ko si raven na nakatayo malapit sa room namin at tila bakas ang takot sa mukha niya,  tatawagin ko na sana siya ng biglang tumakbo si raven sa emergency stairs ng school.

Akmang pupunta na din ako sa tinakbuhan ni raven ng may nakita akong babaeng naglakad sa dulo ng hallway kung saan tumakbo si raven.

Naka coat siya na itim at kulot ang kanyang mahaba na buhok, nabigla ako ng napatingin siya sa'kin at ngumisi, dahil sa takot ko ay tumakbo na ko palabas ng school at umuwi sa bahay, sabay nagkulong sa kwarto ko at tila nanginginig sa takot. Kung 'di ako nag kakamali ribbon ni mari ang hawak nung babaeng naka itim.

-------------------//

Napapikit na lamang ako ng muli kong maisip ang mga nangyari, ayoko pa mamatay.

Igor's Pov

Habang nag lalaro ako sa'king computer tila'y nag ring ang phone ko at nung tinignan ko ay Unknown number lamang ang nakalagay, hindi ko sana sasagutin ngunit dahil sa gusto kong malaman kung sino ay agad kong sinagot.

There's a secret behind: Mari's LockerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon