Adrian's Pov
pagkatapos ng ilang minuto, "look guys kayo na humusga..." pinakita nya samin ung original copy at yung sinulat niya.
"THEre's a kingdom just beyond a star,Not too far, you can go if you only dare.
In that kingdom you'll FInd eveRy SweeT,Tasty treat, you can eat, waiting for you there.
It's a magic PLace A lovely sight, pure delight,If you go you will want to staY.If you darE now, we'll go theRe now,ThRouGh the aIr nOw, TODAY!
The trees are hung WIth candy canes, Bright red and white.With chocolate streets and Licorice Lanes: a lovely sight.Blueberry sky, lemon sun, fielDs of lImE where we can run!"
"I think we can solve this case." sabay ngisi ni Raven samin.
T H E F I R S T P L A Y E R R G O I W I L L D I E TODAY
Halos matahimik kami sa nakitang word na nabuo ni Raven, "the first player rgoi will die?" basa ni Marga, " baka naman the first player go I will die ..." basa naman ni Kaye, kinuha ni Ebony ang papel "rgoi... rgoi.. i-igor... it can't be! " nagulat kami sa sinambit ni Ebony, kinuha ko ang phone ko at dinial agad ang number ni Igor, ilang sandali nakarinig kami ng tunog na galing sa katabi naming table.
"t-teka phone ba yan ni Igor?" turo ni Kaye sa nag riring na phone sa katabi naming vacant na table, tumayo si Raven at kinuha yung phone "kay Igor nga ito" at pinakita yung number ko na naka display sa screen iniend ko na ang call at nagulat kami dahil nag ring uli ito. "unknown number?" sambit ni Ebony, napag desisyonang sagutin ni Raven ang tawag.
"hello? sino ito?" bungad ni Raven nagtaka kami sa naging reaksyon ni Raven na nagulat na may halong takot.
Raven's Pov
Napagdesisyonan kong sagutin yung tawag sa phone ni Igor, "hello? sino ito?" bungad ko "Long time no see sweetie..." nagulat ako sa sinabi ng kausap ko, Hindi maari ito... hindi pwede mangyari 'to. "uhmm? okay ka lang ba Raven?" tanong sa'kin ni Adrian, napansin nya siguro ang naging expression ko "a-ah okay lang ako" tugon ko kay Adrian. "Uhm excuse kay Marga tawag ka ni Ms.Principal" sabi sa'min ng class president namin na kakadating lang.
"Bakit may problema ba? Marga.." tanong ni Adrian kay Marga at nagtaka din kami ba't pinapatawag si Marga sa Principal Office, "walang problema guys, may itatanong lang kay Marga" tugon ng class president kaya hinayaan na lang namin na umalis sila, "balitaan niyo ko ha" pahabol ni Marga pagkaalis nila nilagay ko sa table ang phone at nilagay sa loud speaker.
"clock is running guys.. hahahahahaha" muling nagsalita ang babae sa phone at tumawa ng nakakatakot. "where's Igor?! bitch!" inis na tugon ni Ebony, "I already gave a piece of the clue, solve it then you can save him NOW! hahahahahahaha" muli naming tinignan ang dalawang papel at tinignan kung may hint kung nasaan si Igor, biglang namatay yung phone at biglang may nag play na video. "Igor!!!!!" halos nasambit namin dahil nakita namin si Igor na nakalambitin sa kisame, "clock is running, exact 12 pm mabibigti ang mahal nyong kaibigan hahahahhahaha" inuulit nya nanaman ang nangyari noon damn! "we need save Igor guys please!" mangiyak iyak na sabi ni Ebony sa'min, " I know! tulungan nyo ko hanapin ang clue ng lugar na kung saan siya dinala." pakiusap ko sa kanila, at isa isa na silang mas inobserbahan ang papel. "music sheets na lang ang hindi natin na sosolve..." sambit ni Kaye, "shet! 11 na guys!" biglang sabi ni Ivy "Wag mo kaming tarantahin Ivy tumulong ka din!" nag papanic na sabi ni Ebony.
Damn! wala akong makitang hint sa mga notes na 'to ano ba kinalaman nito sa lugar ni Igor
"'di ba favorite to ni Igor dati? lagi niya ito tinutugtog?" tanong ni Adrian, "dyan siya unang nanalo sa piano competition, sabi niya din sa'kin dati memorable sa kanya ang music na yun pero nabigla ako huminto siya at tinalikuran ang pagiging pianist, wala na din akong nabalitaan sa mga sumunod na competition na yun." tugon ni Ebony
BINABASA MO ANG
There's a secret behind: Mari's Locker
Misterio / SuspensoWho is mari? and what is the secret behind her locker? let's find out.