Marga's Pov
Pagkahatid sa'kin ni mommy ay nagmadali na kong dumiretso sa 3rd floor kung nasaan room namin. Kinuha ko na yung mga books ko sa locker ko at napatingin uli sa katabi kong locker na nangangalawang. Pumasok na ko sa room at umupo sa upuan ko. "Good morning Ms. Grimoire." Bati sa'kin ng katabi kong lalaki kahapon. "marga na lang. " Sabay patong ng kamay ko sa arm chair. Napatingin ako sa babae na nakaupo sa may harapan ko, siya yung humawak sa balikat ko kahapon nung uwian. 'di ko pa pala natatanong pangalan niya.
" Raven, nakita mo na ba yung hinahanap mo kahapon? "
"Ano ba kasi hinahanap mo or sino? "
Agad na lumapit sila Ivy at Lily sa kanya at tanong ng tanong sa kanya.
" ahh oo nakita ko na, dami niyong tanong ang aga aga hot seat agad. " Tugon ni Raven na blanko ang emosyon.
"Good morning marga! Tsaka pala siya si raven, medyo weird lang siya pero mabait naman."
Agad na tumingin sya sa'kin Pagkatapos na ipakilala siya ni Ivy.
Tinignan naman niya ako na walang ka emo-emosyon."uhm.. Hello raven..... " naiilang na ngiti sa kanya at inilahad ang aking kamay para makipag shake hands. Tumugon naman siya dito at ngumiti. " Ayy sorry kung natakot man kita kahapon." Sabi niya sa'kin na tila'y nahulaan ang nag lalaro sa isip ko.
"ahh hahaha it's okay" ngumiti na lang ako at tinignan na lamang sila na nag kwekwentuhan.
"psst.. Psst Marga pansinin mo naman ako...." habang kinakalabit ako ng katabi kong lalaki, sino nga ba uli to? Ahh tama si Adrian, geez ayoko pa naman sa lahat yung makulit. "ayy sorry hehehe" pilit na pinansin yung kalabit niya, "eto pala para sayo, i hope maging friends tayo." may nilahad syang chocolate sa'kin at tinignan ako na parang nag pleplease.
"nako, nag abala ka pa, thank you a-adrian." kinuha ko yung chocolate at kinain halata naman na natuwa siya sa ginawa ko. "baka naman flowers na yan susunod drian ah hahahaha." biglang may sumulpot sa gilid niya at inakbayan si adrian. "shet pre totoo bang ikaw yan?! Miss you pre!" sabay yakap niya dito "pre wag dito may kwarto naman tayo e" at inalis ang pag kakayakap ni adrian sa kanya "gago ka talaga Hahahaha" nagtawanan na sila at ako naman tinignan ko lang sila at masaya naman ako dahil ganito ang mga kaklase ko ngayon. Dumating na si Sir Casper at nagsimula na ang klase.
Nagdismiss na ng klase si sir at pumunta na kami sa cafeteria at nagkasabay kami ni raven. "uhm raven pwede ba magtanong? " binagalan niya ang lakad niya at inaantay ang tanong ko. "ano bang meron sa locker na yun at binabalaan mo ko?" medyo nagulat siya sa tanong ko, "marami ng nangyaring kakaiba dito," tugon niya sa'kin at sumeryoso ang mukha niya. "Paano mo nasabi?" nagtatakang tanong uli sa kanya, "Old student na ko dito at saksi ako sa kung ano man ang kababalaghan ang nangyari dito noon." napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako. "pero wag mo na intindihin yun marga, tapos na yun hahahaha." tinapik niya ang balikat ko at naglakad na uli.
Ano ba kasing meron sa locker na yun? Lalo akong nacucurious na malaman.
Nagpatuloy na lamang kami na pumunta sa cafeteria.
Raven Pov.
Nagulat ako sa naging tanong sa'kin ni marga, pero kailangan ko siyang balaan, 'di rin niya alam na siya lang ang tanging iisang transferee sa section namin.
Pagdating namin sa cafeteria umupo na kami kela ivy na nagkukulitan. Napatingin ako kay marga na tila'y ang lalim ng iniisip.
"huwag mo ng isipin yun hahahahaha." tinapik ko yung balikat niya at halatang nagulat siya sa pag tapik ko. Mukhang napasobra ata ako ng sabi sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219166381-288-k865587.jpg)
BINABASA MO ANG
There's a secret behind: Mari's Locker
Gizem / GerilimWho is mari? and what is the secret behind her locker? let's find out.