"Ano? Nakasabay ko lang siya sa palengke." Pagtanggi ko sa mga paratang sa mga mata ni Pat na ngayon ay nakasandal sa dining table.
"Ano? Wala akong sinasabi ha!" Nakangisi niyang sambit.
"Alam mo, hindi ko maintidihan kung bakit malamya at mahiyain ka lalo na sa mga babae pero tarantado at the same time." tinalikuran ko siya at pumuntang kusina para iligpit 'tong mga bilihin. Malamang ay sinamaan na niya ako ng tingin, 'cause I hit a bullseye right there.
"Tumulong ka na lang dito magligpit para makapagluto ka na din, sis." biro ko sa kaniya habang nilalabas ang karne sa plastik.
"Gago." singhal niya sa'kin bago lumapit at tumulong. Since tulungan kami ni Pat, mabilis ang paglalagay namin ng pagkain sa ref at freezer at pagiistock sa mga cabinet. Iniwan lang ni Pat sa labas ang mga gagamitin niya daw para lutuin. Pagkatapos ay pinabayaan ko na siya.
Wala namang lason ang porkchop na pinakain sa'kin ni Pat, masarap nga eh. Buti na lang talaga kasama ko siya. Buong araw kaming walang ginawa kung 'di manood ng tv, magcellphone, o kung 'di naman ay maggaguhan. Nakahiga na ako sa kama ko ngayon sa kwarto. Nakatingin sa kisame at lumulutang ang isip nang bigla kong maalala si Gwen kaninang umaga. Nawiweirduhan kasi sa ako babaeng 'yon eh. Bukod sa sobrang ganda niya kahit wala naman siyang ginagawa, hindi ko maintidihan! Ewan nahihiwagaan ako sa kanya at sa sarili ko bakit ganto ako magisip. I let out a deep sigh and tried to shut my eyes, hoping my brain would shut as well.
Walang significant na nangyari sa buhay namin sa halos dalawang linggo. Paulit-ulit na paglilinis, pagwawalis, at pagluluto ni Pat ang ganap namin sa umaga. Minsan makakasabay ko si Gwen sa pagwawalis sa mga bakuran namin. Wala naman kasing gate ang mga bahay namin at tanging maliliit na bakod lang ang nakaharang sa pagitan ng mga lupa namin kaya hindi maiwasang makita namin ang isa't isa. Ngingitian ko lang siya o 'di kaya ay tatanguan. Minsan titignan niya lang ako o iiwas siya ng tingin, 'pag pinagpapala ako sa araw na 'yon ay tatango din siya pabalik.
Ngayong araw na 'to lang ang maiiba kasi kailangan kong lumabas para bumili ng sabon. Wala na kaming sabong panligo kaya heto ako ngayon nagtitingin sa maliliit na retail shops kung meron ba nang bigla akong lapitan ng dalawang lalaki.
"Uyy, ikaw ba 'yong kapit-bahay ni Gwen?" Tanong sa'kin no'ng unang lalaki.
"Ahh, oo. Bakit anong kailangan niyo?" 'Di naman siguro ako kakantiin ng mga 'to ano?
I lost track of my own train of thoughts when they handed me half a sheet of paper.
FelinEND
"a catch to your heart's match"An organization dedicated to hunt and chase down Cooper's cat.
For inquiries:
CP: 0997-XXX-XXXX
TEL: (02)75XX-XXXX
Napataas na lang bigla ang kilay ko sa nabasa ko. What the fuck is this poor advertising? And, the name of their org.... let's not talk about it."We want to invite you! Baka kasi interasado ka din tulad ng nakararami sa'min." nakanhiting sagot ng pangalawang lalaki nang tinitigan ko lang sila.
"Sorry, hindi ako interasado kay Gwen, sa muning niya, lalo na sa organisasyon niyong walang maayos na flyers. Ate! Apat nga po na s@feguard." Hindi ko sila nilingon at bumili na lang nang kailangan ko.
"Well, it's not necessarily na may gusto kay Gwen or what. Some of us just enjoy the experience of hunting, some have a lot of hidden agendas but also... a lot of us just enjoy the thrill and excitement of adventure. I mean, don't you agree?" Sagot no'ng pangalawang lalaki.
Napalingon ako sa sinabi niya. Hindi maganda ang iniisip ko. Hindi maganda na kino-consider ko ang mga sinasabi niya ngayon. But something at the back of my head tells me that I should try. I should fix it. Even though rationally speaking, joining this organization wouldn't do anything to fix that.
Nagising na lang ang diwa ko na nasa loob na pala ako ng bahay, dala-dala ang sabon na binili ko pa din ang flyer at pin na binigay sa'kin ng dalawang lalaking iyon.
Hayss, sakit sa ulo.
YOU ARE READING
Chase Her Heart (ON-GOING)
FantasyThe most wanted woman in town announces that she will marry the man who can open her front door with a key that is found around her cat's neck. It was a fun hunt for the past five years. Who knew that a newcomer would figure out the obvious solution...