7: Happy not so Happy

5 1 0
                                    


Pagod akong umuwi ng bahay galing sa meeting na 'yon. Sana sa susunod pwede ko na iiskip 'yon, haysss. Masyado na akong nadadawit sa kagaguhan nila.

"Ohh, sa'n ka galing?" Bungad ni Pat na nasa kusina, nagluluto.

"Meeting." Maikling sagot ko at binagsak ang katawan ko sa sofa matapos ko hubarin ang shirt ko. Sando na lang ang suot ko ngayon.

"Ginagago mo ba ako? May trabaho ka na ba? Tsaka meeting ganyan suot? Casual lang? Ako wag mo ako niloloko ha." Dinuduro niya sa'kin ang sandok na hawak niya.

"Pat, 'wag ngayon please. Pagod talaga ako." Saad ko bago pumikit at sumandal.

"Ako sinasabi ko lang, kaya tayo nandito kasi umiiwas tayo sa gulo. Kaya sana 'wag kanang sumali sa kung anuman." huling sambit niya na may pahiwatig bago patuloy magluto.

Ginising ako ni Pat dahil nakaidlip na pala ako. Kumain na kami ng hapunan, naghugas at naglinis bago kami nagpahinga at natulog.

Kinabukasan, napagisipan kong humanap ng totoong trabaho. Hindi kami habang buhay dapat aasa sa pera ng nanay at tatay ko.

Lumabas ako ng bahay para sana magikot-ikot nang makasalubong ko si Gwen. I mean, magkapit-bahay lang kami kaya anong bago?

"Gwen!" Lumabas agad sa bibig ni hindi ko man lang iniisip kung anong sunod kong sasabihin. Nice one, self.

"Ahh, hi. Bakit?" gulat niyang bati sa'kin. 'Wag ka magaalala miski ako nagulat ako.

"Wala naman nakita lang kasi kita eh haha." Wow, talaga lang ha.

"Ahh ganun ba? Haha sige." Paalam niya at naunang maglakad kaysa sa'kin. Sobrang awkward kasi nakasunod lang ako sa kanya. Kahit na malayo ako ay paniguradong napapansin niya 'yon. Biglang bumalik sa'kin ang kuryosidad sa katawan ko. Curious, sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit pero, mukhang sa susunod ko na lang gagawin ang job hunt ko.

"Gwen, sandali!" Takbo ko palapit sa kanya. Tinignan niya ako na parang nagtatanong. Ngayon ko lang din napansin ang itsura niya ngayon. Naka-messy bun ang buhok niya, itim na v-neck shirt at itim na dolphin shorts na may puting stripe sa gilid. Sobrang casual pero iba kapag siya ang nagsuot. Parang ang lakas ng dating kahit na kung iisipin pambahay lang naman 'to.

"Ahhh." Iniisip ko kung nawiweirduhan na ba siya sa'kin. "Ahh sorry haha. May gagawin ka ba?"

"Pupunta lang ng library bakit?"

"Importante ba?"

"Hindi naman, nabuburyo lang talaga ako tignan mo nga istura ko oh." Turo niya sa sarili niya na animo'y ang panget ng niya. Kalokohan.

"Ahh, kung ayos lang ay ilibot mo sana ako dito sa bayan. Gusto ko maghanap ng trabaho, wala pa naman akong alam dito at wala din akong kakilala bukod sayo kaya sana...." palusot ko sa kanya kahit na sa susunod pa ako maghahanap ng trabaho hahaha.

"Ahh sige ayos lang. Mas okay naman siguro 'yon kasi sa magisa na naman ako sa library." Ganda ng ngiti niya shet walang hiya.

Ganoon nga ang ginawa namin. Nagikot-ikot kami sa bayan pinapakita niya sa'kin ang mga lugar na maaring kong pagtrabuhan. Mula sa mga bars, restos, maliliit na stalls, shops at kung anu pa man. Minsan nga'y 'di ko na maiintidihan ang sinasabi niya kasi nakatitig na lang ako sa kanya. Mukha naman kasi siyang mabait, mukha naman wala siyang tinatago, pero bakit...

"Sandali lang ha." Pagputol siya sa iniisip ko. Tumango na lang ako hinayaan siyang pumasok do'n sa isang flower shop. Sumunod ako para tumingin tingin pero 'di din naman nagtagal ay lumapit na din siya at nakangiting niyaya ako lumabas. Please, wag. Nakakatunaw 'yang ginagawa mo.

"Kakilala mo?" Tanong ko kasi nakita kong nakikipagusap siya do'n sa may cashier.

"Ahh, oo. May-ari siya ng flower shop na yo'n. Do'n kasi ako nagtatrabaho nagpaalam lang ako na magpapalit kami ng shift ng kasamahan ko." Sabi niya sa'kin.

"Ahhh kaya. Bagay din naman sayo."

"Ang??" Nakataas ang kilay niya habang nagaabang ng sagot.

"Do'n. Nung nasa loob ko hindi ko malaman kung bulaklak ba tinitigan ko o ikaw eh." Pabiro ko sa kanya bago tumawa. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagiikot. Nasa may plaza na kami banda nang sinabihan ko siya na magpahinga na muna sandali at bibili ako ng maiinom.

Iniwan ko si Gwen sa may fountain sa gitna at lumapit ako kay kuyang nagtitinda ng palamig at bumili ng buko juice at sago't gulaman. Hindi ko din naman natanong kay Gwen kung anong gusto niya kaya etong dalawa na lang bibilhin ko para makapili siya.

Pabalik na ako sa kanya bitbit ang dalawang inumin para sa'min nang makita kong nakasalampak na sa semento si Gwen, nakayuko at mukhang nangangatog habang may tatlong babaeng masama ang tingin sa kanya. Nangunguna ang nasa gitna at mukhang siya ang pinakagalit sa kanilang tatlo at mukhang magkakaedad lang naman kami. Tinayo niya muli si Gwen gamit ang buhok niya at ambahan sanang sampalin si Gwen nang makalapit na ako.

Mahigpit kong hinawakang ang kamay nang babae na mukhang nagulat na sumingit ako sa eksena nila. Mabilis na napalitan ang gulat niyang mukha ng galit at sarkasmo. Partida dalawang inumin hawak ko. Oh ano ka ngayon bastardo ka!

"Ohh wow, look at you! Hoarding men." the girl hissed the last phrase, habang ako ay nakataas ang kilay sa kanya.

"Miss, I think you should stop what you are doing. You're making a scene." Sambit ko habang sinilip ang mga taong unti-unting kumukumpol at naguusisa sa nangyayari. Si Gwen ay nakayuko lang at walang imik.

"Let me go, pretty boy." Galit niyang sambit at marahas na pinakawalan ang sarili niya sa hawak ko. "You're probably his new fling or new victim. But let me tell you this. 'Yang si Gwen, hanap niyan atensyon. Tuwang tuwa yan kapag alam niyang pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki. So if I were you, you should avoid her hangga't maaga pa." Diin niyang sambit sa'kin, habang nanlilisik ang mata niya kada sulyap kay Gwen.

"I don't see anything wrong being with Gwen. She's my friend and you can't tell me what to do. From what I can see here, naiingit ka kasi hindi ikaw 'yong nasa posisyon niya ngayon." Malamig kong sambit sa kanya. 2020 na may mga taong ganto pa din magisip? Anak ng...

"Steph, let's just go." Hatak nung isa niyang kaibigan siguro. Mukhang nahihiya at natatakot sa pinagagawa nitong tinatawag nilang Steph. Steph gave us one last hard stare bago umalis. I sighed before holding Gwen's wrist and pulled her away from the malicious looks of the crowd.

Pumara kaagad ako ng tricycle at sumakay sa loob para makauwi na kami.

"I just don't want to feel it again, but why....." mahina niyang bulong, pigil ang mga luha.

- end -

Chase Her Heart (ON-GOING)Where stories live. Discover now