a/n: Would be taking a break for God knows until when, but I hope you would still be there waiting. Haven't really thanked the ones who supported me until now, thank you guys. I appreciate it. This one's dedicated kay kupal, you know kung sino ka lol. Anyways, here's the delayed update for y'all!♡
-~*·«»·*~-
Buong byahe ay tahimik lang si Gwen at nakayuko. Napansin kong may tumulong luha sa pisngi niya at agad itong pinusan at yumuko muli. Binigay ko sa kanya ang palamig na kanina ko pa hawak. Kinuha niya ang buko juice at tahimik na uminom. Ngayon ko lang napansin ang gasgas sa tuhod niya at sa palad. Saglit lang naman ang byahe kaya bumaba kami sa tapat ng bahay niya at agad na hinatak siya sa papasok. Bubuksan ko sana ang pinto nang pigilan niya ako.
"Hanggang dito na lang." Maikli niyang sabi habang nakayuko pa din.
"Hindi. Gagamutin na'tin 'yan." Turo ko sa mga sugat niya.
"'Wag na mabilis lang humilom mga sugat ko. Mawawala din 'yan." sambit niya na hindi ko pinaniwalaan. Umiling ako at sinabing hindi ako payag. Bumuntong hininga siya at pinasunod sa likod ng bahay niya. Tumigil siya sa harap ng back door at humarap.
"You're not allowed to touch my cat." Seryosong sabi niya sa'kin.
"Okay." Agad kong sagot. I mean wala naman akong interes or what.
"Don't touch it, pet it, or go near it. You're inside my territory with MY permission. Any suspicious thing you do, or even if you just try to look at my cat, I will kill you." Sambit niya habang dinuduro ako. Ahh, oo nga pala. That catch the cat for a chance to marry me, limited edition! thing that she has. Hindi ko nga naisip 'yon eh. Natawa naman ako sa way kung paano niya ako binanta.
"Lol, ok." I really said lol like as in lol, not believing her capability to kill me. I bet kapag nabangga niya ang ang pader tas nagkapasa siya, magsosorry pa siya with matching luhod.
"I'm serious, I'll kill you if you do." Matalim niyang tingin sa'kin. Tinaas ko ang dalawang kamay, sumuko at tumango na lang habang pinipigilan ang sarili kong 'wag tumawa. She pursed her lips and open her back door.
Ang itsura ng bahay niya ay kamukha lang noong sa'min. Pinagkaiba lang ay sa sala may fire place ito. At ang tv ay nakamount sa pader.
Walang kakaiba na kung anuman.
"Nasaan ang first aid kit mo?"
"Buksan mo na lang yung medicine cabinet sa cr." Kinuha ko sa cr ang betadine, agua oxigenada, alcohol, cotton at band-aid.
Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa couch. Nakayuko at magkadikit ang mga binti niya. Umiiyak na naman ata siya. Binababa ko ang mga bitbit ko sa center table at lumuhod sa harap niya at tinignan ang sugat niya sa tuhod. Hindi naman mukhang malalim pero malaki ang gasgas.
"Gagamutin ko ha?" Paalam ko sa kanya bago ko hawakan ang binti niya. Baka kasi kung ano isipin niya eh. Tumango lang siya habang nakatingin sa sugat niya. Nagalcohol muna ako sa kamay ko bago ko nilinisan ang sugat.
"Kilala mo ba 'yon sila?" Tanong ko habang dahan-dahan kong nililinis ang tuhod niya.
"Hindi." Mahina niyang sagot. Napatingin ako sa sinabi niya. Hindi niya kilala pero gano'n kung umasta? Parang ewan lang ah.
"Gano'n talaga yo'n. Simula no'ng inaanounce ko 'yong... alam mo naman na ata 'yon. Halo-halong reaksyon at tingin ang natatanggap ko. Maraming natuwa dahil nabigyan sila ng "pagkakataon" pero marami ding naiinis at sinasabing nagpapansin lang ako. Malandi ako, attention-seeker, bored, mema sabi. Haha ewan ko sa kanila. Kaya 'tong sugat na 'to? Wala lang 'to. Hindi ito ang una at huling beses na mangyayari 'to. " saad niya na may halong pait. Ang tono ng boses niya na parang sinasabing well, ganon talaga sanayan na lang 'to.
"Bakit mo nga ba ginawa 'yong kondisyon na 'yon? You could just date who you like, break up with him if he's a jerk, and marry the man who loves you. You could just do what our age does most often. What's with the hassle?" tanong ko sa kanya habang nilalagyan ko ng betadine ang sugat niya. Napangiwi siya kaya sinabi kong iinda niya lang.
"Tradition." Maikling niyang sagot sa'kin. Mukhang ayaw niya pagusapan kasi umiwas siya ng tingin. Tinakpan ko na ang sugat niya sa tuhod at pinalahad ko sa kanya ang palad niya. Nakaupo na ako sa sahig at siya naman sa sofa. Tahimik lang kaming dalawa at hindi na sumubok pang magtanong. Baka masyado na akong nakikialam sa personal life at choices niya. Kinakain kami ng katahimikan pero kahit 'di ko siya tignan ay nararamdaman ko ang tingin niyang pabalik-balik mula sa sugat niya, tas sa'kin. She's fidgeting her toes like she wants to say something.
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin." Sambit ko nang 'di lumilingon sa kanya, nilalagyan ng betadine ang palad niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ano uhmm, totoo ba 'yong sinabi mo kanina?" Tanong niya sa'kin.
"Alin do'n?" Tanong ko din pabalik kasi hindi ko naman alam kung ano 'yong tinutukoy niya. Matagal bago siya nakasagot kaya nilingon ko na siya.
"Sabi mo kaibigan mo ako." Sabi niya habang pahina nang pahina ang boses niya at unti-unting umiiwas ng tingin. Natawa naman ako sa isip ko sa inaasta niya. Parang bago sa kanya ang salitang 'yon. As if foreign word ang binanggit niya. Tsaka ang cute niya kapag nahihiya siya, which is most of the time, kaya lagi siyang cute HAHAHAHA.
"Yeah, you were nice to your neighbors, nice to your enemies? Haha and doing me a favor of touring me around. I think we're friends. Magiging close din tayo haha." I said not looking at her. She pursed her lips and remained silent. When I patched her up and finished her scratches with a band-aid, she suddenly spoke up.
"You're the only guy that I let you enter my house." Hiya niyang sambit nang tumayo na ako at magligpit, may halong matter-of-fact tone. Pero hindi nakakainsulto, para sa'kin atleast.
"Ohh, really?" Ngisi ko sa kanya, nangaasar.
"Uhh, yah! I mean, because the condition I proclaimed, laging nakalock ang front door ko. Ako lang ang napasok sa harap, walang iba lalo na kung lalaki. So.... so feel lucky!" She straightened her back and put her hands on her waist. She tried to sound confident pero epic fail. Well, I'd still score her an A+ 'cause she a cutie.
WHY DO I KEEP SAYING THAT???
Napailing ako sa mga sarili kong naisip at naglakad na papasok sa cr para iligpit ang mga ginamit namin. Pagkalabas ko ay tinitigan ko ang hawakan niyang bulsita. Hawak niya ito na pawang nagdadalawang isip. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya tsaka tinaasan ng kilay.
"Caramel bars. I baked yesterday. I don't know how to say thank you, so here. Take it. Wala na akong utang na loob sayo." Abot niya sa'kin na hindi tumitingin. Natawa naman ako. Hindi ko din siya maintidihan kasi minsan ang taray niya pero minsan sobrang hiyain niya.
"You're welcome, walang anuman." Nakangiti ko lang sambit at nagpaalam. Lumbas ako sa back door at nagkakaroon nang internal conflict sa utak ko. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko na may dahilan ang lahat nitong ginagawa ko.
Pero hindi ko na napigilan ang ngiting naiwan sa mga labi ko, at alam kong gano'n din siya.
- end -
YOU ARE READING
Chase Her Heart (ON-GOING)
FantasíaThe most wanted woman in town announces that she will marry the man who can open her front door with a key that is found around her cat's neck. It was a fun hunt for the past five years. Who knew that a newcomer would figure out the obvious solution...