Unan ang unang sumalubong sa'kin pagpasok ko sa bahay. Yes guys, unan.
"Aray ko! Tarantado anong problema mo!?" Salubong ko agad kay Pat na binatuhan ako ng unan. Ang ngisi niya ay nagpapahiwatig na may nalalaman siya.
"Ikaw ha! 'Nginang yan sabi mo sa'kin maghahanap ka ng trabaho tapos nakita na lang kitang hinahatak mo siya sa bahay nila. Hindot!" Paratang nito sa'kin.
"Ano ba yang pinagsasabi mo nakasalubong ko siya tas nagkasugat siya kasi inaway siya kaya ginamot ko nakakahiya naman sa kanya ako na nakadistorbo eh." Tanggi ko agad sa kanya bago sinarado ang pinto. Bwisit talaga hindi man lang ako hinayaang pumasok sa bahay ginagago na ako.
"Ay sus! Baka naman IKAW nagsugat sa kanya. Kawawa naman si Gwen iika-ika na siyang...." 'Di ko na pinatapos ang sinabi niya at agad na binato sa kanya ang unan. Kababuyang taglay eh parang ewan.
Umakyat ako sa taas para magpahinga. Bumababa lang ako nang tawagin na ako ni Pat para sa hapunan, naghugas, naglinis at saka natulog na muli.
Mas naging magaan ang mga sumunod kong araw, katulad ng nakagawian ay naglilinis kami ni Pat sa umaga. Madalas ako ang naglilinis sa bakuran kaya kung minsan ay naabutan ko si Gwen na nagdidilig o naglilinis din. Binabati na niya ako ngayon at kung minsan may small talks pa kami tungkol sa panahon, halaman, o kahit anong random na bagay. Halos gano'n lang lagi. Hindi ako masyadong tinatawag sa org, isang beses lang noong nagpatulong si Tony na magsetup ng pain daw. Feeling ko 'di naman gumana 'yon. Bukod doon ay 'di naman ako kinontact.
Kagaya noong una kong plano ay legit na akong maghahanap ng trabaho. Nagikot-ikot ako muli sa bayan para maghanap ng pwedeng pasukan. Naisip ko ngang magapply din sa parehas na flower shop na pinagtatrabuhan ni Gwen kaso baka sabihin naman niyang dikit ako nang dikit sa kanya. Hinanap ko na lang ang lugar na gusto kong pasukan. Naalala ko 'yon habang nililibot ako ni Gwen. Bukod sa kailangan ko ang experience sa specific na lugar na 'to, alam kong mageenjoy din ako
FURRY'S HOME
Clinic and Care ServicesKumatok ako at pumasok sa loob. Sumalubong sa'kin ang isang counter area. Puti na may hint ng blue details sa pader at sa surface ng counter. Ang babaeng nasa edad 20's, maganda at maaliwalas ang mukha, payat pero maganda ang katawan, nakasalamin at palangitiin. Kung susumahin ay nasa 5'3" ang height? Bagay ang smiley face niya pang bungad sa clinic na 'to.
"Hi po, sir! Welcome to Furry's Home, Clinic and Care Services! How can I help you?" Nakangiti niyang sambit sa'kin nang marinig niya ang tunog ng door chimes at nakita akong pumasok.
"Hello uhmmm, nakita ko kasi ang signage niyo na you're in need of a helper or assistant?? I was just wondering kung available pa ba 'yon?"
"Ohh yeahhh sure! Come in po."
Pinasunod niya ako lagpas sa counter, lagpas ng waiting area na puno ng hilerang upuan at mga taong nais ipagamot o kung anuman ang kanilang alaga.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" baling sa'kin ni... sinilip ko ang gold plate niya na nakapin sa kanyang damit na may nakalagay na Sunshine.
"Nathaniel, but everyone calls me Nathan." Sinuklian ko ang ngiti na binigay niya sa'kin nang sinabi niya ang pangalan niya, no wonder she smiles like a ball of sunshine.
Iginaya niya ako sa loob ng isang maliit na office. May table sa gitna at dalawang upuan sa harap nito. May mga maliliit na shelves na may lamang libro (tungkol sa mga hayop siguro), mga models ng aso at pusa, at sa tingin ko'y mga basic na gamot para sa hayop. Ang mga pader ay may mga poster tungkol sa aso, pusa, hamster, isda at iba pa.
Binasa ko ang glass plate na nakapatong sa lamesa. Dr. Miguel Xavier Lopez, veterinarian.
Ang doktor na nasa harap ko ay nasa edad 40-45 siguro. Bakas sa mukha niya na hindi naging mabait ang buhay sa kanya. Nakasalamin, may bahid ng katandaan, ngunit malaki ang ngiti tulad nang kanyang kasamahan kaya hindi mo iisipin na medyo may edad na siya.
"Doc, si Nathan po. Magaapply daw po siya dito! Saktong sakto kailangan ko na po ng katulong sa pagaalaga, doc." Masaya niyang pakilala sa'kin. Nginitian ako ng lalaki upang umupo tsaka lumabas si Sunshine na tinawag ni doc na Sunny, palayaw niya siguro.
Pinaupo niya ako sa upuan sa harap. Wala akong experience o alam sa mga hayop pero ayos lang naman iyon dahil tagapangalaga lang naman ang papasukin ko. Tagabigay ng gamot, magaalalaga, at magmemaintain under the guidance of the doctor syempre. Madali naman akong turuan kaya sana makuha talaga ako! I need this experience.
Wala namang weird na tinanong sa'kin. Lahat tungkol sa pagpasok ko dito maliban sa isang tanong niya.
"Are you doing this for someone?" Tanong ni Doc. Of course, I was caught off guard. Lahat ng tanong niya tungkol sa'kin bilang emplayado at sa alam ko. It was a bit... personal.
"What do you mean, Doc?" I managed to pull off a smile even though I was flustered. He smiled back, I could get the feeling that he knows that I know what he's talking a about.
"It's just like what I said. Are you doing this for someone? To earn money for someone? Or most probably, to impress to someone? Perhaps an animal lover?" I bit the insides of my cheek.
"I suppose, you can say it like that." I smiled. Wala namang rason para magsinungaling ako. He then nodded and accepted me as their assistant, walk my way home happily.
Hell yeah, I'm trying to win someone's heart.
-end-
YOU ARE READING
Chase Her Heart (ON-GOING)
FantasiaThe most wanted woman in town announces that she will marry the man who can open her front door with a key that is found around her cat's neck. It was a fun hunt for the past five years. Who knew that a newcomer would figure out the obvious solution...