1: Caza la Rosa

41 6 10
                                    


"Kuya! Dito na lang po." Sabi ko agad kay kuyang nagmamaneho ng kalesa niya. Nagpasalamat ako pagkatapos ko maiabot ang bayad sa kanya.

"Nathan. Nathan! Anak ka ng kagaw, eh kung tinutulungan mo akong magbuhat ng bagahe natin? Edi mas madali ang buhay natin dba?"

Sa bungad lang kami ng gubat ibinaba at hindi pa talaga kami nakakapasok sa bagong lugar na aming titirhan.

WELCOME TO
Caza la Rosa

Mga salitang nakaukit sa sementadong signage ng bayan na aming nilipatan. Napasinghap ako ng malalim. Sana ito na ang kapayaan at bagong simula para sa'kin.

"Nathan! Nathaniel, hoy!!" Nagwawala na ang kupal. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Iwinagayway niya sa ere ang mga bagahe at backpack na para bang pinapakita niya sakin.

"Mapadali ang buhay natin? Buhay mo, oo. Pero mahihirapan naman ako. Kaya mo na 'yan." Sabay pakita ng dalawa kong kamao, chinicheer ang matalik kong kaibigan. Tumakbo kaagad ako papasok ng bayan at iniwang nagwawala si Pat.

Sumalabong sa akin ang maingay na alok ng mga nagtitinda at amoy ng palengke. Iba't ibang mukha ang sumalabong sakin. Prutas, gulay, karne, mga rekados na pwedeng mong ihalo sa putaheng ihahanda mo. Kumpleto ata sila? Umaalingawngaw ang palitan ng mga salita ng nagtitinda at ng mamimili.

Lumabas ako sa palengke at isang malawak na ispasyo ang sumalabong sa akin. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Sa tapat ng palengke 'di kalayuan ay ang opisina ata ng mayor ng Caza la Rosa at katabi nito ay isang maliit na simbahan. Sa magkabilang gilid ay mga hilera ng mga bahay na halos magkakamukha naman. Sa gitna ay isang fountain na bumubuhay sa paligid ng plaza. May mga batang naglalaro sa fountain, mga naglalako ng bulaklak, pagkain at inumin. Minsan may nakikita akong dumadaan na pedicab, tricycle o mga naka-bike. Mayroon ding mga taong padaan-daan kasama ang anak nila, asawa, kapatid o kung 'di naman ay jowa.

Tsk. Sana ol.

Mangha ako sa kapaligiran. Kumpara sa siyudad, maliit lang ang bayan na ito pero buhay na buhay. Sana nga laging ganto para matahimik naman ang buhay ko.

"Nathaniel punyeta ka! Ano bang tingin mo sa akin? Alipin mo?! Aba kung ganon ay bayaran mo ako!!" kotong ang inabot ko kay Pat na todo ang simangot niya ngayon.

"Ngihh, sorry na nga eh. Mamaya ka na magreklamo, punta na muna tayo sa opisina ng mayor nila nang maayos na ang bahay na lilipatan natin." nginitian ko na lang siya ng malawak para hindi na magtampo ang praning.

Pagpasok kaagad namin sa opisina ay sinalubong kami ng isang payat na babaeng may suot na salamin. Bata pa ang itsura mukhang mid-20's hanggang 30's ang edaran niya. Siya yata ang sekretarya ng mayor nila.

"Good morning, how can I help you?" ay English hayop mapapasabak ako ngayon ah.

Tinulak ko ang mahiyain kong kaibigan na kanina pa nakayuko at umiiwas ng tingin. Nagulat siya sa ginawa ko at pinanlakihan ako ng mata. Ginawa ko din 'yon sa kanya na sinasabing 'ikaw ang magaling diyan kaya ikaw kumausap'.

Walang nagawa at buntong-hininga niyang hinarap ang babaeng nakangiti lamang at nagaantay sa'min.

"Ah, eh.. Bagong lipat po kami sa bayan ninyo. And, uhm, we were hoping to know if the papers for our house are already processed and transferred? Kakarating lang po namin and we really need a place to crash right now since we're tired from the travel." sagot ni Patrick sa sekrataya. Marunong naman ako magsalita ng English eh pero mas magaling si Pat kaya sa kanya ko na ipapaubaya 'yan. Kailangan na ding mabawasan ang hiya sa katawan niya.

"Proceed to counter 3 po so that you can inquire regarding the document process. Oh and, welcome to Caza la Rosa!" She said happily without missing a beat.

Pumila kami sa sinabi ng babae at inasikaso na ang papeles. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na kami ng opisina hawak-hawak ang dokumentong nagsasabing nakapangalan na sa akin ang titulo ng bahay at lupa na aming titirhan. Naghintay kami ng kalesa o tricycle sa plaza dahil medyo may kalayuan ang bahay namin mula roon. Pagkarating namin sa bahay ay nagligpit na kami agad ng damit at iba pa naming gamit.

Nagising na lang ako na madilim ang paligid. Gabi na ako nagising dahil sa pagod sa biyahe. Nahirapan kaming humanap ng sasakyan papunta sa bayan na 'to. Swerte lang na may dumaan na kalesa at doon din ang routa ng biyahe niya.

Bumababa ako sa kusina para uminom ng tubig. Ngayon ko lang nappreciate ang itsura ng bahay na nakuha namin. Maliit na two-storey house katulad ng nakararami. Medyo modern ang bahay with a hint of Classic Spanish style ang interior design. Pagpasok sa pinto ay bubungad ang salas na may tatlong sofa. Ang dalawa ay mahaba ngunit mas maliit ang isa kumpara sa isa. Ang isa naman ay pang single person ang upuan.

Sa harap ay ang TV na 'di kalakihan na nakapatong sa kahoy na lamesa. Sa gitna ng sala ay ang center table. Sa kanan ay ang maliit na dining area at kitchen. Katapat ng lababo sa kusina ang pintuan sa cr. Sa gilid ng front door ay ang hagdanan paakyat sa pangalawang palapag. Katapat ng front door ang back door sa kabilang side ng bahay. Sa 2nd floor, tatlong pintuan ang bubungad sa'yo. Ang pintuan ng cr, at ang pintuan ng dalawang bedrooms na tinutulugan namin ni Pat.

Nakatayo ako sa sala habang umiinom ng tubig, unconciously looking outside the window. Doon ko napansin ang isang babae sa katabing bahay na nakatayo sa tapat ng bintana. She was looking sideways, malalim ang iniisip ata. Naramdaman niya siguro ang tingin ko, na hindi ko naman sadya, at pinanliitan ako ng mata. Nagulat ako at do'n lang namalayan ang pagtitig ko sa kanya. Lumapit siya sa bintana at sinarado ang kurtina.

Lah, may kapit-bahay naman pala akong assumera.

- end -

Chase Her Heart (ON-GOING)Where stories live. Discover now