Days passed by like flipping the pages of my favorite book. Xean turned out to be more busier. It was sort of rough for our relationship that's just starting to bloom.
Hence, he stayed true to his words.
Madalang ang naging pagkikita namin pero hindi naman siya pumalya sa pagtetext. Nagugulat nalang ako minsan 'pag nag beep ang phone ko sa messages niya kahit nasa klase ako. Guess he's sneaking out once in a while.
Binibisita ko siya sa condo niya kapag free siya. Pagod na kasi siya tuwing uuwi at alam ko na maaabala ko lang siya. Imbes na matutulog na lang, aasikasuhin pa ako.
He texted me earlier that we can meet today. Pabor sa akin iyon. Balak kong ipagluto siya ng dinner. Magba-bake rin ako ng chocolate muffins.
Me being sentimental, I printed my candid photos of him, arranged them nicely in an aesthetically pleasing layout. Parang scrapbook iyon pero kasing laki ng passport. Shades and tones of brown gave the small scrapbook a vintage effect.
Material things are not his thing, that is one of the things I noticed. He would appreciate anything given to him out of effort and thoughts.
Sa loob ng isang buwan, maraming nagbago. Naging clingy at sweet siya pero andoon ang respeto. Alam kong sa bawat araw, napapamahal ako sa kanya.
I can't imagine a day without Xean Archer Solano. Cheesy, pero ganoon 'pag nagmahal.
Love didn't came in an instant. It is gradual, slowly engulfing you until you find yourself totally caged one day.
My phone vibrated.
From: My Captain
Will be a bit late. You can go straight to my unit. Can't wait to see you, mahal kita.
Tell me, sinong hindi maiinlove sa kanya? Pinagpala rin ako sa babaeng lahat dahil hindi biro makahanap ng tao na mahal ka at ikaw lang. Yung hindi na naghahanap ng iba.
To: My Captain
Ocakez.
Napatingin ako sa wall clock. It's only 3 o'clock in the afternoon.
Hindi na ako nagsayang ng oras at sinimulang magluto. Surprisingly, kumpleto ang gamit niya sa kusina. Maayos at malinis ang buong unit.
Everything is blue, varying only in shades. Minimal ang design na sakto sa lalaki. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na i-appreciate ang unit niya. Madalas kasi ay dumadaan lang kami dito.
Namili ako sa malapit na grocery store ng mga gagamitin bago pumunta dito. I will cook some steak and pasta. Sinabay ko na rin ang paghahalo ng batter ng muffin.
Lumipas ang dalawang oras na abala ako sa kusina. Tagaktak na ang pawis ko kagagalaw. Agad kong iniayos ang lahat sa table sa veranda nang maluto.
City lights would be romantic for dinner.
Napapangiti ako na kinuhanan ng litrato ang set-up. Agad kong ipinost sa story nang malagyan ng grainy filter. Nakakaproud na ako ang may gawa. Hindi ko rin alam kung may IG si Xean. Nawala na rin sa isip ko dahil nakakapag-usap naman kami sa iMessage at madalas nagkakasama nung nakaraan.
I typed for his name in the search bar. Ang weird lang kasi di ko na napagtuonan ng pansin na mang stalk dati. His name appeared on the top of the list.
Thousand followers surprised me. Hindi naman nagkakalayo ang followers namin. Marami kasi akong kakilala at nakakasalamuha, pero yung ibang followers 'di ko alam saan galing.
His feed is very nice. Perks of having photography as your hobby.
I continued scrolling. My heart fluttered as I saw my photos in there. I didn't know he'd be this sweet. I pressed the follow button.