The next day, we woke up early to hike the nearby mountain. Hindi naman daw gaanong mahirap ang trail.
Napagkasunduan din namin na mag-swimming nang umaga para hindi kami masyadong pagod sa biyahe.
I wore my shorts and sports bra. Ayaw ko naman pahirapan ang sarili ko sa pag-akyat.
Nauna akong magising kay Xean kaya nakapag-ayos ako. Pinuntahan ko na siya sa tent namin para gisingin. Siguradong pagod siya sa pagmamaneho kahapon tapos nag-island hopping pa kami.
Nag-alinlangan pa ako nang tatapikin ko sana siya dahil napakaamong tingnan 'pag natutulog. Pero naalala kong siya rin ang nagyaya na maghike. Sulitin na daw namin dahil minsan lang ang ganito.
Marahan kong tinapik ang kaniyang pisngi. "Xean..." bahagya siyang gumalaw. "Xean Archer," niyugyog ko na siya pero ang magaling na lalaki hinapit lamang ako palapit.
Impit akong napatili sa ginawa niya. Hindi naman tumalab ang panggigising ko. Lalo lang yatang nahimbing.
Agad akong napangisi nang makaisip ng kalokohan.
"Hmm baby, wake up," sambit ko sa malambing na tono habang hinahaplos ang buhok niya.
He groaned before opening one of his pair of orbs. Ang hot niya sa ganyang itsura! Forgive me Lord, for I have sinned.
"Pardon?" He asked, now very much awake and alert.
"Gising na kako." Tinaasan ko siya ng kilay.
"No, I'm sure I heard you said baby"pamimilit niya.
"Huh? In your dreams."
He laughed deeply. "Oh you don't know how much I heard you say-no,scream that in my dreams!"
My cheeks heated up in an instant.
"Manyak!" Hinampas ko siya sa dibdib bago nagmamadaling lumabas sa tent.
Wrong move ako sa part na yon. He turned the tables that fast! May pagka abnormal din minsan eh!
Tatawa tawa siyang sumunod sa 'kin.
"Magbihis ka na nga, we must reach the peak before sunrise!"
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya for some reasons.
I saw him went back to the tent and came out already in his dri-fit and shorts. Matchy pa kami na black at same brand.
Mabilisan niyang sinuot ang rubber shoes at tumayo na rin. Bumalik siya sa tent para kuhanin ang camera at phone bago nilock iyon. May maliit na padlock na pinahiram sa amin kahapon. Ibinulsa niya ang susi bago kami naglakad sa dalampasigan.
Pagkatapos namin mag-stargazing kahapon ay tumambay pa kami sa kubo katapat ng aming tent. Nagkuwentuhan kami at kumain ng midnight snacks. Luckily, nakapagbaon kami ng chips at chocolate.
Hindi ko siya kinikibo habang naglalakad dahil naaalala ko pa rin yung sa tent.
May nakasabay kaming isang grupo na mukhang maghi-hike rin. Pwede kaming magpasama sa tourguide pero nasasayangan ako sa fee.
Shades of midnight blue, purple and light blue are painted across the sky. Papaliwanag na.
Nagsimula kami sa pag-akyat. Kinakaya ko pa naman hanggang may medyo matarik na paakyat. Nagdadalawang isip ako kung magpapatulong ako pero naunahan na 'ko ni Xean.
Nauna siyang umakyat bago inilahad ang kamay sa akin.
"Hold onto me, Chloe." He offered.
Inabot ko na agad ang kamay niya dahil hindi ako madadala sa tuktok ng pagpapabebe ko. Besides mahilig naman talaga mang good time si Xean.