Chapter 4

14 1 0
                                    

It has been weeks since our first trip. 

Naging close din kasi kami ni Xean, bumibisita rin siya sa condo ko 'pag free siya. Madalas lang kaming nag-aasaran o nag-lalakad sa malapit na parks.

Hinawakan ko nang mabuting ang tray at dinala sa oven. Nagrequest kasi ang lalaking yon ng red velvet na macarons. Akala mo naman may patago, pero wala akong reklamo 'don kasi napapractice ko naman yung mga natutunan ko sa school.

And, I really love baking!

Bukod sa gusto lang niya makikain, the main reason for his visit is my blog. I am currently working on a product review.

Kahapon dumating yung parsel from the local brand. Liptints 'yon na gagawan ko ng review. I tried them all before I decided to go for it, ayaw ko naman basta lang mag-endorse sa site ko ng products na hindi naman worth it.

Sinisiguro ko lagi yung quality ng kahit ano, kahit hobby ko lang mag-blog, pinoprotektahan ko rin yung credibility and reputation ko.

Iyon din siguro ang dahilan kaya maraming sumusubaybay sa blogs ko.

The pleasant smell of freshly baked macarons filled my senses. Kasalukuyan ko nang inaayos nang tumunog ang buzzer. Sa pagmamadali na pagbuksan ang bisita ay hindi ko na naayos ang sarili ko.

"Wow, baby ka girl?" si  Xean.

Napatingin din tuloy ako sa kamay ko habang nakakunot na ang noo. I am still wearing my kitchen mittens and apron.

"Alam mo, umuwi ka nalang kung aasarin mo na naman ako."

Tumalikod na 'ko para tumungo sa kitchen. Naiwan siya sa doorstep ngunit agad ring sumunod.

"Baby ko! Hindi pa kasi tapos napaka pangit ng ugali mo." My cheeks flamed up in an instant.

Hindi na bago sakin ang mga banat niyang ganyan pero mas lumalala lang yata ang epekto sakin.

"A-ano na naman pinagsasabi m-mo! Kumain ka na lang bago tayo magstart."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's wearing his nautical uniform. Sobrang linis niya talaga tingnan 'pag ganyan ang ayos niya. Hindi mo aakalaing gago. Gwapong gago!

"Easy lang sa pagtitig. Pasalamat ka malakas ka sa'kin. Sa iba hindi libre titig, e!"

Panira talaga ng moment. Naghanda na lamang ako ng plate at iced coffee bago naupo sa high chair sa counter katapat siya. 

As soon as I served the sweets, he ate them happily.

Minsan nakakalimutan kong mas matanda siya sakin. Ang cute kasi umakto tulad nalang ngayon. Mukha siyang bata na tuwang-tuwa.

Kinuha ko ang aking cellphone para pasimpleng kuhanan sana siya ng picture. Halos mahulog ako sa high chair nang bigla siyang mag-angat ng tingin. Nagpanggap akong may katext.

"Picturan mo na ko bilis." He stucked his tongue out while staring at my camera.

"Huh? Anong picture e may ka-chat ako!"

"Damot isa lang. Para rin naman ma-bless ang gallery mo" He urged while raising my phone in an eye level angle himself.

I let out a giggle before doing his bidding. Tatlong shot 'yon. May naka pout, naka smile and wacky. Dati naaasar ako pag nakakakita ng lalaking pacute pero 'pag siya hindi nakakaumay tingnan.

There is really something in him that makes him different from every other guys out there.

Hinugasan ko yung mga kinainan namin habang nasa couch siya at busy mag-Ml. Tinutuyo ko na ang mga kamay ko nang tumabi sa kanya. Napansin ko ang kunot niyang noo habang mabilis na nagpipindot sa phone niya.

Rippling Waves (Defying The Odds #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon