Note: Just a reminder, kapag kausap ng characters si Ali, they're speaking while using a sign language, hindi ko na lang masyadong nilagyan ng details na gano'n, common sense na lang. And when Ali's saying something, she's saying it in a sign language and I always write it like this. So, 'wag kayong malilito ha? Ayon lang. Enjoy reading!
--
Lumipas ang mga araw at mas lalong lumalala ang lagay ni Ali. Hindi ko na nagagawang umuwi sa 'min. Natatakot ako na kapag mawala siya sa paningin ko ay hindi ko na ulit siya makikita kahit kailan.
Sa bawat araw na lumilipas, nakikita ko kung gaano na siya nahihirapan. Nakikita ko kung gaano niya pinipilit na lumaban para sa 'min kahit pa nahihirapan na siya.
"Nagkaroon na daw ng komplikasyon sa iba pang parte ng katawan ni Ali." Sambit ni Tito Peter.
Pareho kaming nakamasid sa salamin ng ICU kung saan nasa loob si Ali ngayon. Kakatapos lang ng surgery niya, pero hindi ibig sabihin no'n ay gagaling na siya.
"Ang sabi ni Fernan, gano'n daw talaga. Kapag nagkaroon ng malalang sakit ang isang tao, sunud-sunod na ang komplikasyon no'n. It could affect your whole body."
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin kay Ali.
Nakita ko pa sa peripheral view ko ang paglingon sa 'kin ni Tito Peter saka hinawakan ang isa kong balikat.
"I'll just buy foods. Mukhang hindi ka pa kumakain e."
Pagkasabi niya no'n ay iniwan na niya 'ko. Nanatili akong nakatayo lang sa may labas ng ICU. Nakatingin sa natutulog na si Ali, dito sa glass window. May oxygen siya at pakiramdam ko ay nahihirapan na talaga siya.
Parang gusto kong pumasok sa salamin na 'to at puntahan siya sa loob, pero may pumipigil sa 'king gawin 'yon.
I wanna hug her. I wanna touch her innocent face. I wanna whisper to her ears that I'm waiting for her. That I love her.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko hanggang sa napahagulhol na 'ko.
"I-I'm scared, Ali." Bulong ko sa pagitan ng pag-iyak ko.
Natatakot ako na baka hindi na kita pilitin pang lumaban. Natatakot ako na baka...baka gustuhin ko pa'ng iwan mo 'ko kaysa ang manatili ka sa tabi ko.
"Can't y-you live for me?"
Hindi ba talaga pwedeng mabuhay ka na lang nang hindi ko hinihiling? Nang hindi natin pinipilit?
"I just want to spend the rest of my life with you. G-Gano'n ba 'yon kahirap?"
Pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Ali sa 'kin bago siya ipasok kahapon sa operating room.
"Pagkagising ko, pwede mo na bang tapusin 'yong sketch mo sa 'kin 3 years ago?" She asked in a sign language.
"Gusto mong...tapusin ko 'yon?" Tanong ko naman sa kaniya kasabay ng sign language.
She nods while smiling at me. "Hindi ba ang sabi mo, kapag may sinimulan kang i-drawing, gusto mo tinatapos mo? Gusto kong tapusin mo 'yon. I wanna see it. Gusto kong makita ang finish version ng sketch mo. Could you do that for me?" She asked again in sign language.
Napatitig ako sa kaniya nang ilang minuto bago ako tumango at ngumiti bilang sagot sa kaniya.
"Okay. I'll do that." I answered. "Bilisan mo lang gumising ha?"
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. "Promise, gigising ako agad."
Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa nakangiti niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Любовные романы[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...