Chapter 9

34 7 0
                                    

Mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. Siguro nga ay masyado lang akong excited makita siya.

"Magandang umaga aking byutipol pes, sana'y wag kang dalawin ng tigyawat mwah" sabi ko nanaman sa aking sarili parang tanga toh.

Almusal-toothbrush-ligo-bihis at hintay na ang nagiging routine ko ngayon. Pero baka kung ano nanaman ang sasabihin sa akin nung iba'ng tao kaya sasabihin ko mamaya na paminsan minsan niya nalang akong sunduin. May paa naman ko na kayng maglakad at tsaka makakatulong din ng paglalakad sa ating katawan.

Habang naghihintay ako sa kaniya nag tweet muna ako sa twttr ng "can't wait to see you my fav. Hooman" kilig nanaman kefs ko mga dodong at enday. Kakapaload ko lang kahapon kay aling Emma ng ano ba iyon surf 50? Basta unli siya pang internet kaunti palang din naman bawas sa pera na ibinigay sa akin nila nanay kaya nagpaload ako at nag dl ng apps.

Nag scroll lang ako ng nagscroll habang naghihintay sa kaniya. Maya maya ay narinig ko na ang makina nang kaniyang sasakyan at bumusina na siya kaya nagpaalam muna ako bago lumabas.

"Nay alis na po ako! Babye Iloveyou!" Sabi ko kay nanay at lumabas na ng bahay. Paglabas ko ng bahay nakita kong nakasanda siya sa hood ng kaniyang sasakiyan at may bit-bit pang dalawang bulaklak huhu keleg nanaman kefs ko huhu. Nakangiti niya akong sinalubong at hinalikan sa noo.

"Magandang umaga aking binibini, at ito ay para sa iyo at isa ay sa nanay mo na magiging nanay ko rin" sabay kindat sa akin kaya naestatwa ako sa aking kinatatayuan at nakita kong papasok na siya nang bahay omaygash di ko pa nasasabe sa nanay ko huhu.

Sinundan ko na siya papasok ng bahay namin at nakita ko kung gaano kagulat ang aking nanay na pinamilugan pa ako ng mata.

"Magandang umaga po" sabay mano sa aking nanay "nandito po ako para pormal na magsabi sa inyo na liligawan ko po si Ishia kung okkay lang po ba sa inyo?" Mababa ang boses at seryoso niyang sabi sa aking nanay. Si nanay naman di alam kung ano ang irereact sa sinabi ni Liam eh bigla bigla ba naman niya iyong sabihin sa nanay ko.

"Eh iho kung sa akin ay pwedeng pwede at isa pa payag lang din naman ako kung gusto ka rin nang aking anak. Ayoko lang naman na mabalitaan sa ibang tao na pineperahan ka nang aking anak dahil sa mayaman ka at mahirap lang kami. Kilala ko ang aking anak hindi'ng hindi niya iyon gagawain sa kahit na sino man dahil babalik at babalik iyon sa kaniya pag ginawa niya" sabi ni inay na nakangiti. Ngumiti si Liam

"Eto po pala bulaklak para sa inyo rin ho at nandito rin po pala ako para magtanong kung payag po kayo na doon sila mag sle-sleep over para sa outing namin bukas sembreak na po kasi namin at nag aya sila Yumi na magpapamalumpati daw po kami. Wag po kayong mag alala babantayan ko po yung anak niyo" sabi ulit ni liam sa nanay ko habang nakangiti pumayag nalang din si nanay at sinabihan ako na mag uusap kami mamaya pag kukuha ako ng gamit pag uwi, pero alam kong tatanungin niya lang ako niyan hahaha.

"Alis na po kami inay" paalam ko sa nanay ko at lumabas na ng bahay.

Habang nasa sasakyan kami ops teka lang di na awkward yehey!! Nag uusap lang kami ng kung ano-ano.

"Nuxx naman ang Asungot ko napaka sweet hahaha sweet and sour, bitter sweet at fresh style na ah wow ibang iba kana parekoy!" Sinamaan niya ako ng tingin pagkasabi ko ng parekoy sa kaniya hahaahha at bigla naman siyang nag pout awee ang kyot niya huhu THANKYOU LORD!

"Aweee angkyut naman nang parekoy ko!" Sabay pisil sa mukha niya huhu ankyooot. tumawa naman siya.

"Hindi naman ako magbabago kung hindi dahil sa iyo eh kaya ite-treasure kita ng buong puso ko aking binibining ulan" sabay kindat sa akin at halik sa noo.

Pagdating namin sa university sabay-sabay silang tatlong magkakaibigan na nag park sa parking lot ng unibersidad at sabay sabay rin kaming bumaba. Tila bang kamangha mangha ang aming mga itsura at nagtawanan pa hahaha angswerte ko sa kanila.

"Nuxx sabay-sabay pala eh!" Habang tumatawa na sinabi si Ivan.

"Sana lagi!" Sabi naman ni James at nagtawanan ulit ang barkada.

Sabay na rin kaming pumunta sa classrom namin upang makapag review ng kaunti dahil nga exam na namin ngayon at bukas ay sembreak na.

Pumasok  na ang prof namin at nag umpisa na kaming mag exam. Buong araw ang ginawa lang namin ay mag exam at nung lunch time sabay rin kaming kumain sa canteen habng nagrereview.

Tapos na ang exam at tumayo na kaming lahat upang ayusin ang mga gamit namin upang makauwi na pero kaming magkakaibigan bibili ng mga dadalhin namin bukas.

"Oh tutal ppupunta tayong lahat sa mall na pagmamay ari rin ng isang iyan" sabay turo kay Ivan "maghiwa-hiwalay tayo doon game?" Sabi ni James at wala na kaming ginawa upang humindi.

Sabay kaming pumunta ng parking lot at papuntang mall. Ang saya nga eh kasi habang nagmamaneho nag aasaran parin silang tatlo tsk. Naka open kasi mga windows namin hahaha.

Nandito na kami ngayon sa mall at pumunta na kami ni Ivan sa Drinks section. Pinili kong softdrinks ay Royal,Coke,Sprite at isnag galloon ng tubig. Kumuha rin si Liam ng mga chi-chirya at candy, pumunta kam isa fruit section at napag isipan namin gdalawa na gumawa ng fruit salad na gagawin namin ngayon sa bahay nila Liam doon kaming lahat matutulog ngayon. Nang matapos na kami sa mga pinamili namin dumaan din kami ni Liam upang bumili ng cake at leche flan para rin bukas.

Hinintay niya ako sa labas ng bahay namin habang ako naman ay nag aayos ng gamit ko. Bumili ako sa ukay-ukay na one piece swimsuit na color white at mga dalawang two piece swimsuit noong isang araw,  para malabhan ko at makuha yung dumi. Nagdala rin ako ng walong pares na damit, apat na pares na short at apat na pares na pantulog.

Habang nagtutupi ako ng damit biglang pumasok si nanay nang nakangiti. Alam ko na kung saan patungo ito hahaha.

"Sigurado ka naba riyan  sa Liam na iyan anak? Kung ayaw mo naman sa kaniya pwede kong pagbawalan na manligaw sa iyo pero parang imposible na mangyare iyon dahil nakikita ko sa iyong mata ang kislap ng pagmamahal katulad nang sa akin nung kami'y nag uumpisa palang ng iyong tatay." Maiyak iyak na sabi sa akin ni nanay. Niyakap ko si nanay ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Pangako ina'y hindi'ng hindi ko pababayaan ang aking pag aaral at hindi'ng hindi ako magsisisi sa kung ano man ang aking sesiyon ngayon. Pag ako man po ay masaktan at madapa babangon at babangon po ako para sa inyo." Sabi ko kay nanay nang nakangiti.

"Dalaga na ang anak ko! Tuparin mo lang anak ang gusto mong matupad sa buhay at kami lamang ay nasa iyo'n likuran nagsusuporta at hindi'ng hindi ka pababayaan. Oh siya anong oras na at naghihintay na roon ang iyong manliligaw. At tsaka anak gusto ko siya para sa iyo at kung anong pagsubok man ang dumating sa inyong buhay labanan niyo lang. Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo talaga hanggang sa huli" pagkatapos non tumayo na ako para magpaalam kay nanay at tatay, hinalikan ko na sila sa noo at nag iloveyou.

Lumabas na ako ng bahay at nakangiti ako'ng pumasok sa sasakyan ni Liam. Hawak- hawak lang niya ang aking kamay habang nag dadrive. 

Pagdating namin sa bahay nila, kami palang ang tao hanggang sa sumunod na sila James at Ivan.





The rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon