DISCLAIMER:This is a work of FICTION. names, characters, businesses, location, events are either the products of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please be advice that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for a very young audiences.
***
"Nay! Nanay!" Nagmamadali akong pumasok sa bahay kubo namin dahil sa sobrang saya na nakapasa ako sa isang unibersidad sa bayan ng pilisan.
"Dahan dahan naman sa pag tatatakbo at baka ikaw ay matisod diyan Ishia at ano ba ang itinatawag tawag mo sa akin at ika'y nagmamadali pa." Nag aalalang tanong ni Inay
sa akin.Siya nga pala ako si Henishia Felice Delgado anak ni Perinshia Delgado at Andrey Delgado at ako ay nag iisang anak lamang ng aking inay at itay kaya alagang alaga ako sa kanila.
teka balik na tayo sa istorya
"Goodnews nay! Nakapasa po ako bilang isang scholar sa Pilisan University ang pinaka mayamang Eskwelahan dito sa bayan natin nay at isa pa pati sina Yumi at Nicca nakapasa din nay!" Tumatalon talon pa ako habang sinasabi iyon kay nanay
Nakita kong nagulat si nanay at bigla bigla nalang siyang nagtatalon sa tuwa at umiyak pa haha si nanay talaga hays
"Mahal Andrey halika at maghahanda tayo ngayon! Dahil nakapasa ang anak natin sa unibersidad sa bayan bilang isang iskolar!" Tawag ni nanay kay tatay
At bigla namang tumakbo si tatay papunta dito sa loob para yakapin ako. Sobrang swerte ko sa kanila kahit mahirap lang kami mayaman naman ako sa pagmamahal nila.
"Halika na mahal at mamalengke, anak imbitahin mo ang mga kapitbahay natin at sabihing dito na maghapunan para sa kaunting salo-salo lang sa pagkapasa mo anak." Sabi ni tatay na tuwang tuwa padin
"Opo tay at sasabihan ko po sila pagka alis at pagkaalis niyo" masaya ring sabi ko at nag yakapan muna kaming tatlo bago sila umalis.
Naging matagumpay ang aming kaunting salo salo at nagdala narin ng pagkain sila Yumi at Nicca at ang kanilang pamilya upang doon nalang din magsalo salo sa labas ng aming bahay. Natapos ang salo salo maghahating gabi na dahil sabi nila para makapagpahinga na kami at makapaghanda dahil sa susunod na araw na ang pasukan namin.
Naggising ako sa tunog ng aking cellphone na irinegalo lang nila nanay sakin kagabi sabi ko nga sa kanila hindi na sana sila nag abala at baka maubos ang pera nila pero sabi nila matagal na daw nila itong pinag ipunan para sa akin kaya buong puso kong iingatan ito dahil dugo at pawis nila nanay ang itinaya upang maibili ako nito.
Nakita kong nagtext si nanay na umalis na pala sila sa trabaho si nanay ay isang cashier lamang sa isang mini mart doon sa Pilisan Wet Market at si tatay ay isang mekaniko kaya't ako lang ang nabibilin dito sa bahay namin pag walang pasok.
"Hello My byutipol pes magandang umaga sa iyo, sana'y wag kang dalawin ng tigyawat!" Maarteng sabi ko ewan ko ba routine ko na yatang batiin ang aking beautiful face char char lang. Bumaba na ako upang makakain ng almusal at dear kahit kubo bahay namin dalawang papag to haha may sarili akong kwarto at sila nanay kaya ganon.
Natapos na akong kumain at ako naman ay pupuntang Mall kung saan daw bibili ng aking uniporme na 8,000 yata ang sabi dalawang pares na at may medyas pa kaya't ibinigay ulit nila nanay sa akin ang ipon nila na 10,000
para ibili na ang mga kailangang gamit ko.(kung nagtataka kayo kung sinasabi kong mahirap kami pero may pera rin naman yan po talaga ay pinaghandaan ng aking magulang mga ilang taon din nila itong ipinag ipunan).
Naligo at nagbihis ako ng desenteng damit at ako pa'y maglalakad papuntang mall mga bente minutos lang din naman ang lalakarin ko at sanay na rin akong maglakad at habang naglalakad ako bigla namang bumuhos ang ulan, wala pa naman akong dalang payong huhu paano na ito. Nagsilong muna ako sa puno ng mangga kahit basa na ako at maghihintay na lamang humupa ang ulan.
Habang naghihintay ako na humupa ang ulan may isang lalaki na nakisilong din at muka yatang badtrip.
"Bullshit pambihirang Alex yon tinakbo ba naman sasakyan ko tangina talaga!" Pasigaw ng sabi at ako naman ay nagtataka na tumitig sa kaniya hindi ko pa nakikita muka niya kasi naka talikod siya sakin pero mukang mayaman to a matipuno at desente at narinig ko pa kanina na sasakyan niya woah.
"Done checking me?" Masungit na sabi niya sakin aba malay ko sa kaniya wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama ah!
"Anong check check?! Check checkin mo mukha mo! Pambihira naman oh gumising n nga ng maaga para bumili ng gamit at uniporme sa eskwelahan umulan pa at nakasalubong pa ako ng masungit!" Padabog kong sabi sa kinya hmp.
"Tss. Sa unibersidad lang naman namin nag aaral tsk" sabi niya what sa kanila yon?! Shit anong gagawin ko! Tatanga tanga henishia baka wala ka pa sa first day of school palayasin ka na huhu sigaw na sabi ko sa aking isipan
"Wag kang mag alala di kita papalayasin sa eskwelahan ko tss. Magbubulong lang naman dinig ko pa." Sabi nanaman niya wait nababasa niya ba isipan ko?! Huhu
"Hindi ko nababasa, nakikita ko sa facial expression mo tsk what a bad day nga naman." Sabi niya ulit sa akin.
Humupa na nga ang ulan kaya nagtulak na ako papuntang mall at hinayaan ko nalang siya don baka kung ano pa masabi ko sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The rain
أدب المراهقينSi Henishia felice isang babaeng pinanganak na mahirap na may malaking pangarap. Iyon ay ang maging isang marangal na business woman para maingat ang pamilya sa kahirapan kaya't ginagawa niya ang lahat upang makapagtapos at makahanap agad ng traba...