Chapter 16

21 1 0
                                    

Pagkapasok ko ng bahay, agad akong naligo dahil ang lagkit na ng aking katawan eh ikaw ba naman maghapong  maglakad sa initan hmp.

Never ko inakala na sa gantong paraan ko pala makikilala ang taong pinakahihintay kong dumating sa buhay ko, yung bigla mo nalang talaga siyang makikilala ng di mo alam kung bakit or pano, kasi may mga bagay na sa una kalang naman gugustuhin tapos pag nagsawa na wala na din naman iiwan ka lang din at natatakot din naman ako na mangyari ang ganoon sa akin eh. Magtitiwala lang ako sa panginoon dahil alam ko na lahat ng ito ay may dahilan.

"Yan overthink pa Ishia, kala mo ang ganda para sa mental health natin yan" pagsasaway ko sa sarili ko.

Habang nag aayos ako ng kama ko eh bigla namang nag ring yung cellphone ko at nang tignan ko eh si Liam lang pala ang tumatawag. 5th monthsary na pala namin bukas at nagpasya kami na kumain lang sa labas dahil hindi naman nababase ang pagmamahal sa mga materyal na bagay.

"Hello, love baket?" Tanong ko sa kaniya.

"Nothing I just wanted to hear your voice before going to bed" awwe kilig nanaman ang kifay ni mareng Ishia hihihi

"Awwee, love Iloveyou at tiyaka magkikita naman tayo bukas ah hahaha advance happy monthsary love!" Bati ko sa kaniya at iniisip kung anong magiging reaction niya sa kanila

"Happy monthsary love, Iloveyou lagi, sending hugs and kisses diyan sa iyo see you bukas".

"Oh sige na matulog ka na diyan at alam kong pagod ka na rin kagaya ko, goodnight love see you bukas ingat ka sa pag drive papunta dito"

"Goodnight Iloveyoutoo, opo mag iingat ako" sabi niya sa akin bago pinatay ang telepono. Ang sweet no?siyempre baka Liam yan hehe

Pagkatapos namin mag usap ni Liam eh ako din ay natulog na dahil pagod na rin ako sa ilang araw na paggawa ng mga proyekto sa unibersidad at ng sa wakas ay natapos na rin ang lahat at wala na din kaming klase mag te-take lang ng final exam

Pagkagising ko naghilamos muna ako bago pumunta sa kusina para magluto ng agahan pero siyempre bago ko yan ginawa tinawagan ko muna si Liam para batiin ulit kaya tatawagan ko uli siya

*Dialing Love*

"Hi love goodmorning happy monthsary sa atin, stay healthy and stay what you are lang, see you here love ingat sa pagmamaneho"

"Goodmorning love, happy happy monthsary to us may we stay strong even in the midst of our storms in life iloveyou, yep I'll just go prepare and then pupunta na ako diyan sa iyo" malambing na boses na sabi ni Liam sa akin

After nang tawagan namin ni Liam, inumpisahan ko na ang pagluluto ng agahan bago naligo at nag ayos ng aking mukha.

"Ano kaya ang susuotin ko? Itong kulay pula ba o ang itim?" Kanina pa ako nakikipag away sa sarili ko kung ano ang susuotin ko na bestida eh maganda naman yung dalawa hindi nga lang ako makapili

"Aish itong pula nalang nga! Bahala na" sabi ko sa sarili ko bago ko sinuot iyon at pinaresan ng black na stilleto na binili ko sa ukay ng dalawang daang piso, siyempre di naman ako mayaman kaya hanggang dalawang daan nalang muna tayo tsaka na pag naging maunlad na ang ating buhay

Tama na ang drama mag ayos na ng mukha at paparating na ang aking bebe boy hihi. Pagkatapos kong mag ayos na't lahat-lahat ay bumaba na rin ako upang antayin si Liam nagtext na kasi siya na papunta na kaya bumaba na ako

Sakto namang dumating na si Liam "Hi love! Tara na?"sabi ko kay Liam bago nagpaalam kay nanay " Nay si Liam dito na alis na po ako iloveyou nay!" Pagkasabi ko non kay nanay ay siya naman ang pagbaba niya galing dalawang papag at hinatid na din kami sa labas

"Alis na po kami ma'am, ihahatid ko din siya bago mag alas nuwebe" paalam ni Liam kay nanay "osige basta mag ingat lang kayo dun ha" sabi ni nanay tumango lang kaming dalawa bago kami pumasok sa kotse ni Liam

Pagpasok namin sa sasakyan ni Liam tinanong niya agad ako kung ano ang unang pupuntahan namin ngayon kaya ang sabi ko mas better pag sa beach na muna para mamayang hapon makapag enjoy pa kami sa ibang lugar "sa beach nalang muna love may alam kabang beach na maganda?" Tanong ko sa kaniya habang siya ay seryosong nagmamaneho

"Yep let's buy foods first, mag da-drive thru nalang muna tayo" sabi niya kaya't nag drive-thru nalang kami sa mcdo at bumili ng cheese curls sa grocery store bago nagpasya na pumunta na sa beach na di ko alam kung saan

Natulog lang ako buong byahe namin ginising lang ako ni Liam nung makarating kami sa beach na sinasabi niya sa akin. Pagbukas ko ng pintuan niya lumaki ang aking mga mata sa pagkamangha sa tanawin ng isla ang ganda!!!

"Love ang ganda!!huhuhu!" Maiyak iyak na sabi ko kay Liam at ang buang tinawanan lang ako hmp

"Tshh hahaha for you love at mas maganda ka kaya kesa sa isla" tinignan ko lang siya ng masama eto talaga mambobola "ewan ko sayo nambobola ka nanaman love ha hahaha taraa naaa gusto ko na dun oh" sabay turo sa cottage malapit sa isla at hinila ko na siya papunta dun

"Waaah ang ganda talaga dito! Salamat love!" Sabi ko sa kaniya sabay hug at halik sa noo. Natulala naman si Liam sa akin ng ilang minuto bago siya bumalik sa tamang huwisyo  at niyakap din ako pabalik

"Happy monthsary love iloveyousomuch" sabi niya sakin habang magkayakap kami at hinalikan niya ako sa noo ng napakatagal

Pagkatapos naming mag emo nag aya na akong maligo kami sa dagat dahil ang ganda talaga maligo lalo na't umaga palang. Nagbihis na ako ng binili ko sa ukay na swimsuit na one-piece at isa pa ha anobg problema nila sa nga ukay ukay na mga damit at mga swimsuit eh sa kung marunong naman magdala ang mga tao? Diba as long as wala silang tinatapakang tao. Tsk daming drama ses baka Ishia yan

"Love tara na? Matagal ka paba diyan?" Tanong ni Liam sa akin habang nag aantay siya don sa labas hmp ang bilis niya namang matapos ha. "Oo na love, eto na palabas na" sabi ko naman sa kaniya. Inayos ko naman ang aking katawan at mukha bago lumabas

Paglabas ko tatayo na sana si Liam para hatakin ako pero natigilan siya "tara n- , damn love you're so hot" sabi niya sa akin na siyang nagbigay ng pamumula sa aking mukha dahil sa hiya. "Kahit kailan ka talaga nambobola pa, tara na nga excited na akong maligo dun love" sabay hatak sa kaniya papuntang islaaaaa waaah ang ganda talaga dito super recommended talaga.

"Hala love oh tignan mo ang cute!" Sabi ko kay Liam tsaka siya hinatak papunta sa akin para makita niya kung gano ka cute nung starfish na kulay pink "gusto mo bang kunin ko?" Tanong niya sa akin at handa nang kunin yung starfish. "Nako wag love kailangan natin silang protektahan, wag mo nang kunin hayaan mo na sila diyan at nag eenjoy" pagkasabi ko no'n ay siya naman ang pagngiti ni liam sa akin.

Pumunta kami sa malalim para maglangoy pero nakakapang init lang ng ulo na may lumapit na isang babae kay Liam tapos ang landi pa mag salita ha! Tinignan ko lang muna siya na magsalita kay Liam kasi medyo malayo layo pa ako, pero once na may dumikit na kahit anong parte ng katawan niya sa katawan ni Liam eh dun na ako di magpapatalo aba ano siya

Habang nakikipag usap parin yung babae kay liam dahan dahan kong pinuntahan sila sa likod nung babae at bigla akong...

__________________________________
<3












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon