Habang naglalakad ako nakaramdam ako na merong sumusunod sa akin kaya tiningan ko kung tama ba na merong sumusunod sakin at tama nga sumusunod ang masungit na lalaki nayon!
"Sinusundan mo ba ako?!" Pasigaw na sabi ko sa kaniya at huminto naman siya
"What? Hey miss I'm not following you sadyang pupunta din akong bayan para umuwi wag kang assuming" he smirked while saying it to me nuks english ang peg
"K." Inirapan ko siya at nagpatuloy nalang sa paglalakad at mas binilisan ko pa
"Hey miss sandali lang!" Tawag niya sakin, nagtaka naman ako bakit niya ako tinatawag?
"Ano?!" Sabi ko
"Sabay na tayo tutal papunta ka narin sa shop at pupunta din muna ako doon para icheck yung sales" sabi niya ulit sakin so nag kibit balikat nalang ako at hinayaang sumunod siya sakin.
Sa wakas at nandito na kami sa Mall nauna na siyang lumakad papuntang store at ako ay nakasunod lamang sa kaniya sa dahilan na hindi ko alam kung saan ang University Store.
"Miss 2 pares ng uniform miss" sabi ko sa babaeng Cashier at magbabayad na sana ako ng nagsalita siya
"Ay maam di po ba nasabi sa iyo na ang scholars ay libre po ang uniporme dahil sagot na ito ng eskwelahan?" Sabi niya na nakangiti woah ganun pala iyon
"Hala miss di po nasabi sa akin *pout*" sabi ko sa kaniya nagpapasalamat naman ako sa diyos at maibabalik ko ang pera sa nanay ko upang ipanggastos nalang sa bahay.
"Kukunin ko nalang po maam ito po ay 4 na pares ng blouse at skirt at 8 pares high University socks hintayin niyo nalang po ako doon sa couch eto po yung menu card pili nalang po kayo ng gusto niyong pagkain" nakangiting sabi niya sakin at tumalikod para kunin yung uniporme ko.
Bigla ko namang naalala yung masungit nayon dito rin siya kanina kaso di ko lang napansin kung saan siya pumunta kaya inilibot ko ang aking mata para makita ang kabuuan ng store.
Malaki at halatang pang mayaman ang mga gamit dito at habang nakatingin ako sa mga bags ng eskwelahan nakita ko si masungit na lalaki na nagchecheck ng kung ano hmm gwapo, mayaman, matipuno shet diyan na sana sakaniya ang lahat kaso suplado at masungit.
Umiwas ako ng tingin nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya. Naramdaman kong papalapit siya sakin kinabahan ako bigla hay nako ishia yan sige pa!tingin pa!
"I guess you're a scholar on our school hmm. Welcome to hell and Don't expect na maganda bungad sayo ng mga Estudyante don just saying bye Ulan girl" masungit ulit na sabi niya sakin at bigla nanaman akong kinabahan sa mga sinasabi niya bukas na kasi ang pasukan.
Natapos na rin akong bumili nga mga gamit ko inayos ko na ang lahat pani uniporme ko at sinauli ko na ang 8,000 kela nanay at inexplain ko kung bakit ko sinauli ngunit ayaw nilang kunin saakin nalang daw iyon at ibaon lagi sa eskwela para di na ako mahingi sa kanila araw araw at sabihin ko nalang daw pag ubos na.
Gabi na at handa na akong matulog sa higaan ng naisip ko nanaman yung sinabi ni sungit sakin. Siguro nga maging handa nalang ako kaya nagbaon ako ng isang damit incase totoo.
Nakatulog na ako ng gabing yon at naggising ako ng 4:30 ng umaga dahil maglalakad pa ako at isang sakay pa papuntang unibersidad at isa pa kasama ko sila Yumi at Nicca pumunta. Classmates daw kami eh Grade 11 classroom A.
Nag almusal, ligo, bihis, toothbrush, ayos at alis. Ang hintayan naming tatlo ay kela aling emma at ako ang nauna na sa kanilang dalawa sumunod naman si Nicca and the always late si Yumi andami kasing cheche bureche sa mukha tsk.
"Uy girl excited na ako! Kayo?" Well tanong lang naman to ni laging late na si Yumi dahil nagpa ganda ang bruha
"Hindi/Oo" sabay namin ni Nicca well tiningnan lang nila ako na para bang ang kj ko aba at sino ba naman ang maeexcite kung sinabihan ako ng welcome to hell?!
Di ko nalang sila pinansin at di narin sila nag abalang tanungin ako doon kaya mabilis kaming nakarating sa Unibersiad. Pagdating namin don manghang mangha kami sa laki ba naman neto mygash abergash! Napakayaman talaga ng sungit nayon!
*PEEP* *PEEP* napatalon kaming tatlo sa gulat at tinignan kung sino yung muntik ng makasagasa samin ngunit nang makita namin kung sino yon ang mga bruha nag pacute habang ako inis na inis, eto na nga ba sinasabi niyang welcome to hell eh tangna!
"Watch where you going!" Sabi nanaman niya at galit nanaman tinarayan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad nauna na sa dalawang bruhana nagpapacute naman tsk.
"Hoy mga babaita tara na t malelate na tayo!" Sabi ko sa dalawa kahit na 30 mins. Early pa kami sadyang ayaw ko lang talaga makita yung asungo at masungit nayon.
"Girl asan na ba yung Classroom natin kanina pa tayo paikot - ikot oh!" Tanong ni Yumi naiinip na talaga kami kasi di namin makita classroom namin.
"Finding for Grade 11 class A huh?" He smirked sabay tingin sakin tangna talaga niya badtrip na badtrip na ako sa kaniya pero tumahimik nalang ako at nakinig sa kanila at tinulungan niya kami dahil sabi ng dalawa di namin alam kaya ayon pumayag nalang din ako kesa naman magpaikot ikot pa kmai dito eh nalelate na kami.
Mabuti nalang at sakto ang dating namin may bakanteng upuan sa likod kaya doon nalang kaming tatlo and guess what katabi ko yung asungot pambihira nga naman. Nakita kong nag roll eyes siya sakin at isinalampak ang earphones niya at maya't maya ay dumating na ang teacher yes!
"Goodmorning class A, I am miss Rufina Javier your teacher in Gen Math and I will be your adviser for the whole school year." Panimula ng adviser namin
"So for today we will not be on a hurry to start the thing called Klase agad agad but we will be starting on getting to know each other for a week and then dun na tayo magsisimula ng klase and by the way we have 3 transferries so treat them nicely understood?" Seryosong sabu ni maam at nag 'Yes' naman silang lahat
"Transferries please introduce yourself in front of everyone and also state your hobbies, likes and dislikes that's all" sabi niya pa ulit kaya tumayo na kaming tatlo at nagpakilala ang unang nagpakilala ay si Nicca, Yumi at ako na.
"Hi my name is Henishia Felice Delgado from brgy. Javier Pilisan, I am 17 yrs. Old my hobby is to sing and play instruments. My likes is cooking, playing intsruments, being a friend of everyone and dislikes is when someone being mad at me for no reason and also being rude and disrespectful that's all thankyou gby!' hah! Habang sinasabi ko dislikes ko maigi kong tinignan yung asungot at kung nakakamaty lang yung tingin kanina pa siya namatay.

BINABASA MO ANG
The rain
Teen FictionSi Henishia felice isang babaeng pinanganak na mahirap na may malaking pangarap. Iyon ay ang maging isang marangal na business woman para maingat ang pamilya sa kahirapan kaya't ginagawa niya ang lahat upang makapagtapos at makahanap agad ng traba...