Chapter 15

21 2 0
                                    

Buwan ng Mayo na ngayon at patapos na rin ang klase.

Maaga akong nagising para makapag handa ng mga dadalhin kong mga proyekto sa Unibersidad.

Ligo-bihis-kain-toothbrush at ayos ulit ng aking mukha ang ginawa ko bago bumaba para bit-bitin yung mga proyekto ko palabas ng bahay dahil nandiyan na si Liam naghihintay.

Kinuha niya agad ang aking mga dalang gamit at inilagay sa kaniyang compartment, nandoon din kasi niya inilagay ang kaniyang mga proyekto.

Malapit na kami sa Unibersidad kaya inayos ko na ang aking bag. Pagkarating namin sa parking lot nila Liam  pinark na niya ang kaniyang sasakyan katabi nung sasakyan nila Ivan at James. Nauna sila ngayon sa amin ah nagbago na yata ihip ng hangin at nauna na sila kasama yung dalawang babae.

Pumasok na kami sa classroom upang makapag handa at mai-ayos na ang mga dapat naming ipasa ngayon araw. Busy ang lahat kaya't hindi kami ngayon masiyadong nakakapag gala.

"Gorl tapos mo na ba lahat? Mygosh super stress na ako!" Tanong sa akin ni Nicca na halata nga naman stress na siya at pagod na. Siguro nga hindi to nakatulog ng maayos magawa lang lahat eh.

"Oo gorl, natapos ko na rin kastress pero worth it dahil pagkatapos nito final exam na at wala ng pasok" sabi ko naman sa kaniya at kinuha ko ang binaon kong anim na cloud nine tig isa kami nito eh.

"Oh pan pandag-dag energy" napahinto at lumingon naman silang anim sa akin at tsaka nagsitakbuhan kumuha ng cloud nine tsk.

"Tara na ipasa na natin lahat ng ito para matapos na at makakain na ng tanghalian" sabi ni James at nauna nang maglakad dala ang mga proyekto namin.

Matapos naming ipasa ang aming mga protekto nag pasya kami na ang nga babae ang mag oorder ng pagkain namin habang ang mga lalaki ang kukuha ng mga ganit namin sa room.

In-order namin ang anim na carbonara with garlic bread tapos anim na strawberry cheesecake at sa drinks namin ay blue lemonade nalang.

Habang naghihintay kami sa kanila ay siya namang pagchika naming tatlo, medyo matagal na rin kaming hindi masiyadong bag uusap eh kaya eto sulitin na.

"Alam niyo? Hindi ako makapaniwala na naging kasintahan natin yung tatlo" sabi ni Yumi and then she sighed after that.

Actually totoo naman eh hamakin mo kaming mga mahihirap magkakaroon ng kasintahan na mayaman at sinasabi pa ng ibang tao pineperahan lang namin sila.

"Ano man ang tingin ng ibang tao sa atin ang mahalaga alam natin sa sarili natin ang totoo, wag kayong magpadala sa salita ng ibang tao pagkat magtiwala kayo sa sarili niyo na kaya niyo ang lahat ng panghuhusga nila. Matanda na tayo para hindi malaman kung ano ang tama at mali." Sabi ko sa kanila at ang nga mukha naman nila ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Omo, ikaw ba iyan Ishia? Parang ibang tao yata kausap ko ah!" Sabi naman ni Yumi sa akin.

"Pero sang-ayon din ako sa kaniya eh, matanda na tayo, alam na natin kung ano ang tama at ang mali." Sabi din ni Nicca at dun na rin natapos chika namin dumating na yung tatlo eh.

"Argh, kapagoood" sabay unat at may dala pang akbay kay Yumi tsk si Ivan talaga oh may pa chansing.

"Kumaina na tayo" sabi naman ni Liam at nauna nang kumain.

The rainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon