HENISHIA'S POV
Naggising ako na si Asungot lang kasama ko, tekas ano ba? Bakit ako andito?! Nag iinit nanaman ang aking ulo nang maalala ko ang lahat ng nangyare kanina
"BAKIT AKO ANDITO?!" Galit kong sabi sa kaniya, eh kasi lagi nalang akong nagigising na kasama siya tss.
"Nasa clinic dinala kita dito pagkatapos kang awayin nila Chelsea sa labas" naiiyak na ako nang ma alala ang nangyare sakin kanina, niyakap ako ni Asungot kay hindi ko na napigilan na humgulgol sa kaniya.
"Sorry sorry Ishia, ipapangako ko sa iyo na hindi na to mangyayare poprotektahan kita sa mga tao sorry sa lahat ng mga ginawa nila at sorry ng dahil sa akin kaya ka nila tinatrato ng ganyan" niya sa akin at naramdaman ko na umiyak siya. Niyakap ko nalang siya pabalik.
"Di ko naman kasalanan na magkasama tayo eh! Magselos ba naman yon eh wala naman akong ginagawa! Pagod na ako sa kaniya!" Patuloy lang ako sa pag iyak habang sinasabi ko iyon sa kaniya at tsaka nako Bumitaw nung um-okay na ang aking pakiramdam.
"Teka nasaan mga kaibigan ko?" Tanong ko ulit sa kaniya
"Pinauwi ko na kanina dahil mag gagabi na at ako na ang maghahatid sayo." Pag eexplain niya sa akin at tinanguan ko lang siya.
Pagkatapos naming mag usap sinabi ko sa kaniya na umuwi na kami kaya Inayos niya gamit ko, sabi ko nga ako na ang mag aayos pero ayaw papigil eh yaan ko na. Inalalayan niya lang ako papuntang parking lot at binuksan niya na ang shotgun door doon niya kasi ako gustong umupo kaya wala na akong magagawa. Pumasok na siya sa Driver's seat at nagmaneho na papunta sa amin.
Tahimik lang kami si sasakyan. Ang awkward eh nag iisip kasi ako kung pano mag pasalamat aiish! Malapit na din kami sa amin at nag iisip parin ako ng sasabihin ko.
Pagdating namin sa tapat nang bahay sandali kaming natahimik.
"Uhm salamat sa paghatid Liam, sorry din kung lagi kitang sinisigawan I promise di na ako magagalit sa iyo kung walang dahilan." Naka baba lang ang aking ulo upang hindi mag kita ang mga mata namin iih nahihiya nga kasi ako, first time ko yata na ginawa to eh.
Hinawakan niya yung baba ko upang maiangat yung ulo ko para magkita ang mata namin.
"Uhm Ishia" sabu niya habang magkatitig mga mata naman at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Sunod niyang ginawa ay masiil niya ako'ng hinalikan pota di ko alam gagawin ko huhu. Unti-unti niyang ginagalaw yung bibig niya na para bang iniexplore ang aking bibig shet tinatawag ko na lahat ng santo tulungan niyo ako. Ano ba itong nararamdaman ko.
Naramdaman ko na tumigil na siya sa paghalik sa akin at inilayo na niya ang kaniyang mukha. Naestatwa lang ako sa aking kinauupuan dahil nagulat talaga ako sa nangyari kani- kanina lang.
"Sorry Ishia, sorry sorry di ko sinasadya" sabi niya sa akin nang hindi makatingin sa akin. Tinawanan ko lang siya hahaha angkyot niya
"Hahaha eh pano bayan nakuha mo first kiss ko? Swerte mo naman asungot ka! Suntukin kita diyan eh hahaha!" Sigaw ko sa kaniya habang tumatawa at sinu suntok suntok pa tangina first kiss ko.
"Di ka galit?" Sabi niya sa akin na may pag- aalinlang
"Hayaan mo na, alam ko namang di mo sinasadya at di na maibabalik pa ang nangyari na kay kalimutan nalg natin na hinalikan mo ako." Sabi ko sa kaniya ng nakangiti at ngumiti nadin siya. Ano ba itong nararamdaman ko bat parang may mga paru-paro sa aking tiyan? Ano ibig sabihin nito?

BINABASA MO ANG
The rain
Teen FictionSi Henishia felice isang babaeng pinanganak na mahirap na may malaking pangarap. Iyon ay ang maging isang marangal na business woman para maingat ang pamilya sa kahirapan kaya't ginagawa niya ang lahat upang makapagtapos at makahanap agad ng traba...