5

13 0 0
                                    

042020

Chapter 5

Coleen wanted to focus on studying but she had a lot of work to finish. Because Sir Saavedra didn't  fail her, she needed to do better. Binigyan lang siya nito ng tres pero kailangan niyang bumawi sa finals. And it gave her additional pressure. Sana siningko na lang siya nito.

She looked at her book, frustrated that she had to read it. Seventy pages ang dapat niyang aralin. Matagal na ang isang oras na dapat niyang ilaan dito.

"Kuya," katok niya sa pinto ng kapatid nang di na niya masaklolohan ang sarili.

One reason she had chosen Psychology was because her brother was a BS Psychology graduate. Alam niya na hindi niya matututukan ang pag-aaral kaya doon na lang siya sa kurso na inaral ng kapatid. Kundi lang naman dahil sa mga ito ay hindi na sana siya magkokolehiyo. She had already found her path, and taking computer-related courses wouldn't make sense. Ba't pa siya mag-aaral ng apat na taon para sa isang bagay na himay na ng kanyang sistema?

Besides, school had never been fun.

Kakapilit sa kanya twenty na siya nang makapag-enroll ng college.

Gulat na pinagbuksan siya ng pinto ng kapatid. Minsan lang siya lumabas ng kuwarto at lalong pumunta roon.

"Bakit bunso?"

Nag-aalangan siyang humingi ng tulong dito pero nandoon na siya kaya susubukan niya. "Busy ka?" tanong niya.

"H-Hindi, bakit?"

She glanced at the open computer inside his room and thought that he was lying. She stared back at him, hesitant.

Her brother smiled shyly. "May tinatapos lang but it can wait later."

"Help me with this," sabi niya saka pinakita ang libro.

Pinapasok siya nito sa loob saka di naalis ang tingin niya sa mga gadgets nito.

"Kuya, do you mind?" sabi niya saka umupo sa may study table nito. "I'll check if your computer's safe."

Napakamot sa batok ito. Sa nag-aalangang tinig, "Di mo naman che-check ung history ng browser ko diba?"

Umiling siya saka ibinalik ang tingin sa computer, biglang nag-init ang pisngi niya nang may maalala.

"I won't look into your files," sabi niya saka umandar ang pagkadaldal kapag tungkol sa computer. "I'll connect this to my computer and install the program from there. Ginawa ko iyong program na iyon, kuya. Madaming features iyon. Ikaw lang at ako ang meron ng program na iyon kasi di ko binenta, maski kasi ako mahihirapang i-over ride iyon ng mabilisan."

Napatawa siya nang magbalik sa kanya iyong nakipag-tagisan siya sa isang magaling na hacker. "They'll cry first bago mapasok computer mo, kuya."

"Ang bilis ng kamay mo," manghang sabi nito habang pinapanood siyang kalikutin ang computer nito.

"I've been coding for long," sabi niya nang di tinatanggal ang mata sa screen, "wala 'to."

"Okay lang ba na meron ako niyan baka makuha sa computer ko."

"Okay lang, Kuya. Ako lang naman makakapagbukas niyan. Saka lalagyan ko rin ng back up 'tong computer mo. Kapag nanakaw o nawala. Lahat ng laman nito buburahin ko."

Tumango lang ito sa mga naririnig sa kanya. For her brother everything she'd say were jargons.

Natigil ang mga daliri niya sa pagsasayaw sa keyboard nang maya-maya ay may narinig siyang tunog ng shutter

Paglingon niya ang kapatid niya may hawak na camera na sa kanya nakatutok.

"Bakit?"

"Wala," ngiti nito. "May paggagamitan lang."

Kumunot ang noo niya.

"Don't worry cute ka pa rin kahit seryoso ka lagi." Tumingin ito sa kuha niya. "Kahit nga side profile mo maganda."

"Pati cellphone mo, Kuya, kung okay lang sa 'yo," pag-iiba niya ng usapan. Hindi siya sanay na pinupuri.

"Andiyan," sabi nito, "birthday mo iyong password."

Kinuha ang cellphone nito sa pagkaka-charge at nilagay ang birthday niya. Nagulat pa rin siya nang bumukas iyon. Totoo ngang birthday niya.

"Saan banda dito ang inaaral mo?" sabi nito habang tinitingnan ang table of contents ng kanyang libro. "Baka naman mapahiya ako sa iyo nito. Kailangan mo pa ba ng tulong ko?"

"From now on I'll be needing your help. Kelangan ko nang mataas na grades sa subject na 'yan."

Kailangan niya dahil maraming siyang nakalinya na dapat tapusin at hindi pa kasama roon ang mga schoolworks niya.

"Bakit naman mataas. Akala ko ba okay lang sa 'yo basta pasado?"

Napalingon siya dito. "Can't tell you, Kuya, sorry."

"Okay," sabi lang nito.

Halos mag-iisang oras na siyang naroon at nawili siya sa dami ng alam ng kapatid niya. She had no idea it was that fun talking to him.

Maya-maya bumukas ang pinto at dumungaw doon ang mommy nila. Para itong nakakita ng multo. "Himala at naligaw ka rito, Coleen."

"Yes, mommy, himala talaga," tugon ng kuya niya, "at hindi lang naligaw, she's been here for like an hour and we're talking, she's doing a lot of talking."

Her mother looked at her like she was a stranger in their own house.

"I'm tutoring her, mommy," sabi ng kanyang kuya.

Pumasok doon ang mommy nila na maluha-luha.

"What's wrong?" sabi niya.

"This is the first time in how many years, anak."

It pulled a knot on her. She was that distant? Eh nasa kuwarto lang naman siya lagi. Since the passing of her father, she'd been busy building her little empire.

She made a roll call of her schedule in her head, not wanting to spoil the moment. "How about mommy we have dinner with Kuya on Sunday. I'll made the reservation myself."

She saw how her mom and brother became silent at what she said.

"Are you sure, anak?"

"As far as I can remember, you're busy even on Sundays," ang kuya niya.

She shrugged.

Busy naman talaga siya kaya maghahanap na lang siya nang pwedeng sumalo sa ibang pwede niyang ipasa na gagawin. Kung kailang niyang mag-hire ng bente katao para makabawi siya sa pamilya niya, she'll dig mountain of resumes and painstakingly made a background check on them.

Her mom was the happiest, when she gave more time for them. Dalawang oras lang lagi ang tulog niya dahil natatambak na siya sa mga gawain. So one night she decided she'd pass all non-computer related task to her employees. Kumbaga taga-review na lang siya at the end of the day. The only thing she couldn't give up is to code--and her Psych major slash Sir Draco Saavedra.

---End of Chapter---

042420

So Near, Yet so Far (COMPLETED)Where stories live. Discover now