Special Chapter #1

23 0 0
                                    

052820

Special: Chapter 1

-CALVIN-

You're so damn lucky, Draco. Calvin, Coleen's older brother, thought as he watched Draco swiped the blood on his lips. Sinalubong agad niya  ito ng suntok nang magkita sila pagkatapos ng pag-uusap nila sa telepono. Halos isang linggo din niya itong hindi nahagilap.

"Nginingiti mo?" sabi niya.

Sir Saavedra shook a head, wincing at the blow he gave. "I deserve that punch. Thank you."

"Kulang pa ata yan para magising ka," sabi niya.

Sobra siyang naaasar kapag naaalala niya ang mukha ng kapatid. Namayat ito pagkatapos ng isang linggong hindi kumakain ng maayos at sa tingin niya di rin nakakatulog sa pangingitim ng ilalim ng mga mata. "Tell me, Draco, kung hindi ko kapatid si Coleen, kakagatin mo iyong paglapit niya sa 'yo diba? All those years siya ang laman ng pantasya mo at gusto mo lang maka-isa. Kaso kapatid ko siya kaya--"

It was his turn to drop on his knees, when Sir Saavedra threw a punch on his face. Pakiramdam niya humiwalay ang kanyang panga sa lakas ng suntok na binitiwan nito.

Nag-aapoy sa galit ang nga mata na binantaan siya nito, "Gago ka, huwag mong insultuhin ang nararamdaman ko para sa kapatid mo."

He smirked as he kneaded his jaw. Tumayo siya saka napakislot sa sakit. "Sa sobrang bagal mo kapatid ko na iyong kumilos, tapos anong ginawa mo? God, Draco, she's been miserable the past week."

"Binigla niya ako, Calvin," sabi nito. "Up until you called me I'm still processing everything she'd said to me. Akala ko may gusto siya sa isang estudyante ko kaya ang hirap paniwalaan."

Minsan gusto na niyang batukan ito sa takbo ng pag-iisip. Naturingang topnotcher sa board exam pero kulang sa logic ang utak.

"Ba't may sinasabi siyang binasted mo siya?"

"What?" kuno't-noong tanong nito. "Wala akong naaalalang ginawa o sinabi sa kanyang ganu'n."

"That's it," suko niya rito, "lutang ka nga siguro nang mga panahon iyon para linawin sa kanya ang mga bagay."

Natahimik ito.

"Kaya pala bigla ka na lang nawala...may nangyari pa lang hindi ko alam."

Having a brotherly bond, Sir Saavedra had been open about his feelings for his sister. Highschool pa lang sila ay patay na patay na ito sa kanyang kapatid. Minsan pa niyang ginagamit na pang-asar iyon dito.

Looking back, he had never thought that his sister would have mutual feelings for his best friend, too. Halos doon na kasi ito tumira si Saavedra sa kanila noong mga teenager pa sila pero wala siyang naalalang pinansin man lang ito ng kanyang kapatid. Kahit nakakasabay pa ito nila sa pagkain dati ay wala lang ang kapatid niya. Palaging may sariling mundo, walang pakialam sa paligid.

"How is she?" maya-maya ay tanong ni Sir Saavedra.

"Pretending to be fine around us," sagot niya, "pero kagabi noong sinilip ko siya sa kanyang kuwarto ay naabutan ko siyang umiiyak."

Hindi ito makatingin sa kanya. "I'm sorry..."

"Walang magagawa yang sorry mo," he lectured. "Kausapin mo siya."

Wala siyang narinig dito kaya parang tumaas na naman ang kanyang presyon. "Don't tell me na naduduwag ka pa rin? I swear, Draco, hindi ka na makakalapit kay Coleen sa ginagawa mo."

"Sandali naman," preno sa kanya nito. "I will talk to her, that's already my plan. Alam kong may isang salita ka kaya huwag mo naman akong takutin ng ganyan."

He smirked. "Buti naman alam mo."

Ni anino ng kapatid ay ipagdadamot niya rito kapag di ito umayos.

"Hihintayin kita sa bahay bukas," sabi niya saka pumihit na papuntang sasakyan.

"Wait," pigil sa kanya nito. "Daan muna tayo sa bahay bago ka umuwi sa inyo."

"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.

"Let's have our faces get fixed before they bruise. Ayokong mag-alala si Coleen kapag nakitang kang may pasa sa mukha."

"You should have think about that before you made her cry," balik niya pero pumayag pa rin sa suhestiyon ng kaibigan.

---End of Chapter---

080920

Published: August 11, 2020






So Near, Yet so Far (COMPLETED)Where stories live. Discover now