!!!

29 16 3
                                    


*  *  *

"Someone, please, help me!"

"Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako!"

Sigaw nang isang babaeng nakagapos at duguan sa gitna ng isang madilim na silid.

"May nakakarinig ba sakin? Tulungan niyo naman ako, oh!"

Gustong gusto niyang lapitan ang babaeng nakagapos but there is a force na pumipigil sakaniyang wag makagalaw. It was frustrating because she wanted to help.

"Tulong! Sige na naman, oh!"

'Nandito ako!' She wanted to scream para marinig nung babaeng nakapiring at kanina pa sumisigaw. Pero walang ni anumang boses ang lumabas sakaniya.

"Help me, Please!"

"Marielle, tulungan mo ako! MARIELLE!"

She was shocked when the girl called her name. 'Bakit kilala niya ako?' she thought.

Napalingon siya bigla sa kanan niya nang may maramdaman siyang bumuga ng hangin doon.

There, she saw Ching with bloody eyes. Literal na lumuluha ng dugo at malapit ang mukha sakaniya. She wanted to run pero hindi siya makagalaw.

'Ching, no. Stop!'

Her bestfriend, Ching, touched her cheeks.

"MARS!" Napabalikwas ng bangon si Athena Marielle dahil sa bangungot na iyon. Hingal na hingal siya at nakahawak sa dibdib. Naninikip nanaman ang dibdib niya.

Isang taon na ang nakalipas, Mars...

Agad niyang pinunasan ang luha niyang pumapatak. She checked the time on her phone, it's 3:00 AM.

Nagsimula siyang magdasal, pinagdadasal niya ang kaibigang si Ching na nawawala nanaman.

Ilang beses ba saamin mawawala si Mars, Papa God? I miss her so bad.

Bumangon siya at kinuha ang cellphone upang gawing flashlight. Lalabas na lang siya at iinom ng tubig.

Naaalala niya nanaman ang panaginip niya. Palaging yun ang napapanaginipan niya, tungkol kay Ching.

Nang makarating siya sa kusina ay agad siyang uminom ng tubig, pagkatapos ay naghilamos na siya.

Marielle started crying while looking at her own reflection.

"Kasalanan ko. Kung hinintay ko na lang sana si Mars. Kung sana sinabayan ko na lang siya sa pag-uwi."

Tuloy-tuloy lang na nagpatakan ang luha mula sa kaniyang mga mata. She misses her friend so bad.

Sa isang taong hindi nila kasama si Ching, halos nawalan ng buhay ang magkakaibigan. Mga nawalan ng sigla, hindi na kagaya noon, hindi na kasingsaya ng dati.

Kahit mga pulis ay sumuko na din sa paghahanap kay Ching. Marami na ding nagsasabi na baka patay na ito. Ngunit ayaw tanggapin ni Marielle na wala na ang matalik niyang kaibigan.

Natigilan siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang doorbell nila.
Really? 3:00 AM tapos may nagdoorbell?

Tinuyo niya ang basang kamay at pumunta sa salas saka sumilip sa bintana ng kaunti.

Her heart was beating frantically. Kinakabahan na siya at natatakot. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang wala siyang makitang tao o ano man sa labas ng gate at dinagdagan pa ng malakas na tunog ng ihip ng hangin na tila ba sumisipol.

It was a creepy one.

Nagsisimula nanaman siyang manginig. Kinapa niya sa bulsa niya ang cellphone para i-on ang flashlight dahil mukhang inaatake nanaman siya ng trauma niya.

Isang taon na rin ang nakalipas nang huling magpakita sakanila ang babaeng nakapink pero nag-iwan pa rin yun ng takot kina Marielle at sa mga nakakita dito.

"Ate?" Halos mapatalon siya sa gulat nang sumulpot ang kapatid niya mula sa kung saan. Hinila niya ang kapatid niyang si Shawn at tinakpan ang bibig.

"Be quiet." she whispered. Nangunot ang noo ni Shawn sa pagtataka pero tumango na lang din.

Nawala na ang tunog nung sipol kaya binitiwan niya na din ang kapatid.

"Anong meron, ate?" Tanong ni Shawn kay Marielle.

Nagtaka siya, hindi ba nito narinig ang sipol na iyon? Siya lang ba ang nakarinig nun?

"Shawn, pwede mo ba akong samahan sa labas? May titignan lang ako sandali."

Tumango lamang ang kapatid niyang si Shawn at nauna pang buksan ang pinto.

"Bilisan natin, Ate. Inaantok pa ako saka ang lamig "

Sumabay si Marielle sa paglalakad ni Shawn hanggang makarating sila sa gate.

Maliit lang ang gate at hanggang dibdib lang niya iyon kaya kita kung anong meron sa labas.

Walang tao but there was a box outside. Agad binuksan ni Marielle ang gate at dinampot ang box na nasa lapag.

She locked the gate bago tuluyang hinila si Shawn papasok sa loob ng bahay nila.

"Uminom ka na dun ng tubig, hintayin kita." Wika ni Marielle saka sinamahan ang kapatid sa kusina.

Nang matapos ay naghiwalay na sila, pumasok na si Marielle sa loob ng kwarto niya.

Hindi niya sana kukunin ang box na ito na kakalapag niya lang sa kama niya. Ang kaso ay may malaking nakasulat doon at pangalan niya iyon.

Natatakot man siya ngunit mas pinangungunahan siya ng pagtataka kaya't hindi siya nagdalwang isip na buksan ang kahon.

Nangunot ang noo niya nang makitang tuluyan ang laman ng kahong iyon.

Isang Pink T-shirt at may larawan na medyo kupas.

Marielle decided to turn the lights on para makitang tuluyan ang nasa larawan.  She started crying nang makita niya na ng tuluyan kung sino ang nasa larawan.

"Mars..." she whispered and tried not to scream.

Sunod sunod na ang pagtulo ng luha niya at halos magusot niya na ang larawan.

Sa larawang iyon ay nandoon si Ching na nakagapos at may ekis na nakaguhit sa kaniyang mga mata pati na rin sa labi. Binutas din ang larawan sa may bandang tiyan niya.

Tinignan niya ang T-shirt na nasa loob ng kahon. Ito yung T-shirt na suot ni Lindsy. Makikitang suot iyon ni Ching sa larawan. Puno ito ng dugo at halatang pinaglumaan na.

Itinaktak niya ang box at may nahulog mula doon na isang liham. Hindi nagdalawang isip si Marielle na buksan ito at basahin.

"Row row row your boat
gently down the stream
merrily merrily
merrily merrily
life is but a dream..."

Nagsitayuan ang balahibo sa katawan niya nang biglang may kumanta nang nakasulat sa liham na iyon. Galing sa likod niya ito kaya't hindi siya lumingon.

Nakalipas ang isang taon, ngayon na lang siya muli nakaramdam ng ganitong kaba. Yung kaba na sa tuwing magpaparamdam sakanila si Lindsy.

Kumanta ito ulit, sa pagkakataong ito ay nilingon niya na ito kung kaya't sumalubong sakaniya ang mga pulang mata nito na matagal niya nang hindi nakita.

Tila nanigas si Marielle sakaniyang kinatatayuan nang lumapit ito sakaniya at bumulong.

"Nos mos terminus eius..."






Nos mos terminus eius (We will end him) Book 2Where stories live. Discover now