I.

21 14 6
                                    

-MIKHA-

*  *  *

"Mikha, Dad wants to see you. Office."

Napalingon ako kay Kuya na kumatok sa pinto ng kwarto ko, he's standing outside kaya kita ko siya dahil nakabukas din naman.

I looked at him questioningly but he just shrugged his shoulders kaya tumayo na lang din ako at nagsimulang maglakad papunta sa office ni Daddy dito sa bahay.

Yes, we do have a new house. Sa Camella lang naman, and I'm not staying here for good anyways. Kada weekends lang ako nandito or kung kailan ko gusto. Mas madalas kasi ako sa condo unit ko.

It's not mine, kay Kuya Joshua din yun kasi sakaniya nakapangalan. I'm not yet on my legal age kaya hindi pa pwede. But saakin pa din yun and will be transferred to me kapag nagdebut na ako which is next year na. Isang taon na lang.

Dun minsan natutulog si Marielle with me. Kailangan ko pa siyang ipagpaalam lagi at suhulan ang Mama niya para lang pumayag, mygod!

"Dad?" I called nang makapasok na ako sa office niya.

Lumabas siya mula sa CR niya doon at sumalubong saakin kaagad ang galit niyang mukha.

Okay, so ano nanamang meron?

"Ano nanaman 'tong nirereklamo ni Lola Auring na pinapalayas mo daw siya sa malaking bahay?!"

Napataas kaagad ang kilay ko sa tanong ni Daddy. Hold up---so that Yaya Auring really did tell Dad, huh?

"Dad, why not? She's too old to take care of that house. Hindi natin siya kaano-ano---at isa pa, she even kidnapped my friend at doon pa mismo sa bahay niya natin kinulong! Why do you even let her take care of that house?!"

Agad akong nakatanggap nang malutong na sampal.

"Michael!" Sigaw ni Mommy na kakapasok lang at dinaluhan ako kaagad. She caressed my cheeks.

Napapikit ako dahil sa sampal na yun. Wow! Did my father just slapped me?

"At kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan at sumigaw sa ama mo?!" Galit na tanong niya na namumula na ang tenga.

I looked into his eyes at naglakad papalapit sakaniya. Mommy was holding my hand.

"Ikaw, Daddy? Anong nililihim mo saamin? Bakit ba ayaw mong nakikialam ako sa bahay? At bakit ba hinahayaan mo pa din yung matandang baliw na yun sa malaking bahay? Ikaw pa ang nagpalaya sakaniya."

I felt Mom slightly pulled me.

"Mikha..." Saway ni Mommy sa mahinang boses. Tinikom ni Daddy ang bunganga niya at napahilot sa sentido niya.

"You won't be able to use your cards. That's your punishment. No allowance for a month." He said with finality and sat on his swivel chair.

"Antonio, one month is too much." Angal ni Mommy.

"Malalaman ko din ang lahat, Dad. Sooner or later. I'll make sure to know every ounce of your secrets."

Nos mos terminus eius (We will end him) Book 2Where stories live. Discover now