V

23 5 7
                                    



-MARIELLE-
* * *

A week has already passed simula nang mamalimata kami o kung anuman nang makita namin si Ching sa Park malapit sa Condominium ni Mikha. Maaga akong pumasok ngayon para iwasan na maabutan si Jett sa room nila. Si Kaleth ang dadayuin ko ngayon. Ayoko ding mag give up lalo na at nakita ko din si Ching kahapon, hindi ko na alam kina Mikha basta ako tutulong ako kay Kaleth o kaya makikibalita.

Sakto namang nakasabayan ko si Kaleth papasok sa gate ng Amadeus, may earphones na nakasalpak sa tainga niya at mukha nanamang wala sa mood. Shuta naman diz boi bat mukha nanamang galitb sa mundo? Kakausapin ko pa ba o next time na lang? Baka kasi tarayan ako, masasampal ko talaga 'to. Char.

"What?" Taas kilay niyang tanong saka lumingon saakin kaya nagulat ako.
"Jett won't really like you staring at me like that." Halos mapairap naman ako sa sinabi niya. Agree ako kay mars slight na assuming nga siya.
"Hindi, ano kase---uhmm---about kay Ching? I just want you to know na ako din, I want to help. Chat mo lang ako if may balita ka na or what---"

"No."

Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Excuse me?

"You don't need to do that, wag mo nang i-stress pa ang sarili mo. I can handle it."  Akmang magdidirediretso na siya ng lakad nang harangan ko ang dinadaanan niya si his brows furrowed.

"Hindi lang naman ikaw ang may pakialam kay mars. Hindi lang ikaw ang kaibigan niy, bahala ka sa buhay mo basta tutulong ako." He just nodded nonchalantly after that at saka ako pinatabi. Tss, apakaattitude! Kaya hindi talaga siya bet ni mars, eh.

"Marielle?" 

"Ay, attitude!" Nagulat ako nang sumulpot na lang bigla si Jett sa kung saan. Jusko naman 'tong lalaking 'to.

"Di ka yata late ngayon?" Natatawang tanong niya saka hinawakan ang kamay ko saka hinila. Hele enebe nemen yen.

"Eh---ano kase---uhm---" 

"Hoy, Jettot!" Napalingon kaming dalawa kay Mikha na kakapasok lang din kasama si Raven.

"Luh, Marielle? Aga mo naman ngayon?" Nagtatakang tanong ni Mikha. Grabe naman 'tong mga 'to? Bawal na ba akong pumasok ng maaga?

Nandito kaming apat ngayon sa may isa sa kiosks ng University which is sa likod ng Gym malapit sa senior high building, dito kami madalas naghihintayan kapag umaga.

"Wala si Kaleth vro?" Tanong ni Raven nang makaupo kami lahat. I just shrugged my shoulders.
"Nilagpasan niya lang ako kanina, eh" Pagsisinungaling ko.

"Hayaan mo yung gagong yun na i-push mga nakikita niya. Hay nako, di naman kase talaga siya part ng friends natin. Hindi nga makausap ng matino." Inis na wika ni Mikha na napairap pa.
"Mikha, " saway ni Raven sakaniya pero syempre, si Mikha yan edi tinaasan niya lang ng kilay si Raven.
"Pero what if nga nakita talaga ni Kaleth yung pinsan ko? Kahit si Marielle din, diba?" Tanong ni Jett. 
"Ayan nanaman kayo. Oo, I wish nandito pa din si Ching with us. Pero masamang nagbibiro ng ganun, baka nabuang lang yun si Kaleth kase hindi man lang niya nasabi kay Ching feelings niya. You know, hallucinations? And we all know na sinisisi niya din ang sarili niya sa pagkawala nanaman ni Ching." Mikha pointed out. She has a point though, baka nga namalikmata lang din ako kahapon?

Pero parang totoo talaga, eh. If si Ching man nga yun, bakit niya naman ako hindi papansinin? Na parang stranger, diba? I mean---close kami so it's really impossible na iignore niya ako ng ganun. 





The next day, hindi na talaga ako pinansin pa ni Kaleth. He was obviously ignoring all of us. Kahit na si Jett na close friend niya ay hindi niya na din iniimik, kahit ang kapilyuhan ni Raven ay hindi tumalab sakaniya. Mikha, ofcourse ignored him too. Ano? Ulit nanaman? Hay nako.

"Marielle, " Tawag saakin ni Jett, nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch. Mikha and Raven went out, baka sa Mcdo sila kumain or what. Si Kaleth naman nakita din naming lumabas ng gate kanina.

"Hmm?" I asked, may laman kasi bunganga ko nakakahiya naman kung tumalsik bigla yung kanin sakaniya diba? Hehe.

"Sigurado ka ba dun sa nakita mo nung kailan?" He asked kaya napainom ako bigla ng tubig para makapagsalita ng maayos.
"Kay Ching?" I asked and he nodded.
"Not that sure kasi baka nga namalikmata lang din ako. But I really did saw her." Tumango lang siya ulit saka pinunasan ang gilid ng labi ko.
"I think I saw her too. Kahapon, nung hinatid kita sa labas ng bahay niyo." 

Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatingin na din sakaniya. Sa labas ng bahay ko?

"Hindi lang sa tingin ko---I did saw her. Nakita ko talaga siya, nagulat din siya nung makita ako doon kaya nagmadali siyang sumakay sa sasakyan na itim. And then---she disappeared. What's weird is---walang plate number yung sasakyan." 

"Oh my God, Kaleth needs to know this." I said saka hinagilap ang cellphone ko sa bag.

"He knows about it, nakita niya rin daw si Ching sa labas ng University kaninang umaga nung papasok siya pero mabilis nanamang nawala---he said thru thin air. Literal daw. Am I suppose to believe that?" 

Natahimik na lang ako sa sinabi ni Jett. 

"Alam na ba 'to ni Tita? Mama ni Ching? I think we should tell them, pati na rin ang mga pulis." I suggested.

"We don't have any proof." 

"CCTV?" He shook his head. 

"Sinamahan ko kanina si Kaleth sa Principal's Office just to check, wala. Kaya din lumabas si Kaleth, pupunta siya dun sa Park kung saan niyo nakita si Ching. He'll check if may CCTVs din daw doon." 

"Ang daya naman ni Kaleth. Bakit sayo nakikipag-usap siya tapos sakin hindi?" Inis kong tanong saka uminom ng tubig.

"Ofcourse, I told him not to tell you anything. I don't want you to stress yourself out. Nahihirapan ka na ngang matulog, eh. Let us handle it first, okay?" He said saka na tumayo at sabay na kaming lumabas ng canteen.

"At ano namang magagawa niyong first year college pa lang?" I asked saka siya tinaasan ng kilay.

"Lalo ka namang Senior High Student pa lang." He said then made face saka ako inirapan. Tss, apakasungit. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko at sabayan ako papunta sa Senior High School Building.





Madilim ang paligid at wala akong makita. Ano 'to? Walang kailaw-ilaw. I tried standing up saka mangapangapa sa paligid pero wala akong mahawakan. Nasaan ba ako? Hindi na nakakatuwa.

"Hello? May tao ba jan? Please open the lights." 

"Marielle, " Someone whispered in my ears kaya napaatras ako bigla. What the hell?

"Sino ka?" Tanong ko sa kung sinoman yun.

"Wag kang matakot saakin, I am not the enemy here." 

Nang masabi niya yun ay lumiwanag bigla ang paligid. May babae nang nakatayo sa harapan ko. She's wearing a Pink shirt at sobrang ganda niya! But I don't know her.

"Ako si Lindsy." She said kaya napataas ang kilay ko at napaatras. Lindsy?

"As what I've said, hindi ako ang kalaban niyo. Kailangan niyong makilala kaagad ang kung sino man ang dumukot kay Ching para mailigtas niyo na siya."

Nagpanting ang tainga ko. Hindi ba kakampi niya ang suspect?

"Hindi ako ang kalaban, Marielle. Magmadali kayo at mag-ingat bago pa maging huli ang lahat. Buhay pa ang kaibigan niyo at papatayin siya nang nandukot sakaniya." 

"Eh, siraulo ka pala, eh! Why not just tell me kung nasaan siya? Kung sino ang gagong nandukot sa kaibigan ko? Bakit kailangan pang paabutin ng ganito katagal? Don't you dare tell me na everything happens for a reason. Because clearly? Walang anumang rason ang magjujustify sa kung bakit niya kinuha si Ching!" I shouted out of anger and fear. 

"Please, tell me kung nasaan ang kaibigan ko." I begged but she just looked at me and shook her head.

"Naghihintay sayo si Ching, Marielle."

And then a cloud suddenly appeared infront of me. There, I saw Ching wearing a black dress. Yung dress na suot niya nung makita ko siya sa Park. Umiiyak siya doon at mag-isa sa loob ng isang madilim na silid.

A tear escaped from my eyes.

"Mars!" Sigaw ko, hoping she would hear me but she just cried.

Unti-unting nawawala ang nasa harapan ko, kasabay nun ang pagbabago ng anyo ng babaeng naka-pink. She turned into a scary looking monster. Kagaya ng LIndsy na madalas saaming nagpapakita noon.

Napaatras nanaman ako sa takot but she kept of walking towards me with a creepy smile.

"No! Lumayo ka! Layuan mo ako! Layuan mo ako!"







"MARIELLE! MAYING! ANO BA?!" 

Napabangon ako bigla sa pagkakahiga sa kama ng sampalin ako ni Mama. 

"Ang aga aga nasigaw ka diyan! Magluto ka na doon ng agahan!" Sigaw ni Mama kaya tinanguan ko na lang.

Lumabas na siya sa kwarto ko at naiwan akong tulala lang sa kama ko. It was just a dream but it felt so real. Yung iyak ni Mars, malinaw pa. Yung sigaw niya sa pangalan ko doon, it felt so real. I wiped my tears away saka tumayo.

We will find you, Mars. Just hang on and wait for us, I'm sorry it it took us so long para mahanap ka.

Bumaba na ako at maghahanda na dapat ng agahan nang maabutan ko si Kuya Joshua sa salas namin at kausap si Mama.

"Kuya Josh?" Tawag ko sakaniya nang makita ko siya. He looked at me and smiled. Napakapogi naman po, kung wala siguro si Jett baka ito jowa ko. Tsar.
"Goodmorning, Marielle. Mikha told me na sunduin ka at ihatid sa Amadeus. You know, the traffic is crazy these days." He said and laughed. May kasama siyang lalaki na gwapo din at long hair. Pag pogi ba required na pogi din ang tropa?

The guy with a long hair bowed at me.

"Sige na, Marielle. Ako nang bahala sa agahan. Pumunta ka na sa Amadeus tutal ililibre ka naman daw ni Mikha ng agahan." Sabi ni Mama ng nakangiti pa kaya tumango na lang din ako.

Umakyat lang ako sandali sa itaas saka kinuha ang bag ko at sumabay na kina Kuya Joshua. Pinagbuksan pa ako nung long hair ng pinto sa back seat kaya I smiled at him. Pero wala lang siyang response. Napakataray din ng aura hmp, sayang pogi pa naman. If mars was here, crush niya nanaman 'to malamang.

"How are you, Marielle?" Tanong saakin ni Kuya Joshua nang umandar na ang sasakyan so I smiled at him.
"Okay naman po ako, Kuya Joshua." I answered honestly. Well---maybe not? Magiging okay lang ako kapag nahanap ko na si Mars.

"Good thing you're doing fine even if your friend Ching is missing for a year now." Napatingin ako sakaniya sa front view mirror, he was wearing a smile in his face. My brows furrowed but I just nodded.

The long haired guy turned the radio on para magkaingay sa loob ng sasakyan.

"Don't talk to the kid that way, you fool." Natatawang sabi nung long hair kay Kuya Joshua and they both laughed.

Weird.












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nos mos terminus eius (We will end him) Book 2Where stories live. Discover now