4712
I sighed.
"Alam ko na sawa ka na sa akin pero grabe ka naman. Kanina kapa bumubuntong hininga diyan." Nakangusong sinabi ni Ad sa tabi ko. Tsk.
"Baliw." Bulong ko.
"Tapos naging baliw pa ako?! Grabe ka talaga sa akin. Break na tayo!" Binatukan ko siya.
"Aray! Grabe ka talaga sa akin. Ano ba kasing problema mo at kanina ka pa diyan. Ako na lang kaya umubos nang pagkain mo? Sayang oh!"
Tiningnan ko naman ang hawak na burger na hindi pa nagalaw at inabot sa kanya.
"Joke lang." Tumango na lang ako at kumagat na sa hawak na pagkain.
"Ano ba kasing meron 'tol." Si Ad sabay sipsip sa juice na hawak.
"Wala." Tanging sagot ko.
"Nga pala hindi na ako matutuloy sa pagpunta sa bahay niyo mamaya." Si Ad. Tumayo na ako at tumingin sa kanya.
"Himala." Tumawa siya.
"Makakapunta na ako sa bahay niya mamaya! Doon na lang ako pupunta kesa sainyo. Tatanggihan ko mona ang pagkain para sa kanya." Nakangiting sinabi niya. Tsk.
"Ang sabihin mo may pagkain din naman sa kanila." Bigla naman siyang tumawa. Baliw.
"Oo. Siya yung kakainin ko. Rawr!" Sabay tawa. Napakunot naman ako ng noo at nandiri sa sinabi niya.
"Tangina mo." Natigil siya sa pagtawa.
"Shit. Biro lang!" Nabitawan ni Ad ang juice na hawak niya at nataranta. Alam niya na hindi talaga maganda yung sinabi niya.
"Tae! Joke lang yun! Nag mura ka kaya narealize ko yung sinabi ko. Joke lang yun! Lord sorry!!" Si Ad. I sighed.
Naglakad na ako at iniwan siya sa lamesa na natataranta parin at mukhang naiiyak na. Baliw.
Habang naglalakad ganon parin ang ibang istudyante sa paligid ko. Nakatingin sa akin at nagtatawanan. Pero meron parin na nakatingin lang sa akin at hindi man lang gumagalaw. Seriously anong meron.
Nasa hagdan na ako at isang lalake lang ang nasa harapan ko at wala nang iba pa. Nang nasa pinaka dulo na ako ay nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng gusto ni Adrian. Nakatingin siya sa akin at nakangisi.
"Welcome." She said.
"What?" Litong tanong ko.
She smiled at me.
"Enjoy!" Sinabi niya at naglakad na pababa nang hagdan. I'm confused as hell. Noong una palang naguguluhan na ako sa babaeng gusto ni Ad pero ngayon mas naguluhan ako sa kanya. Madalas kapag nakikita ko siya she would smile at me and then bubulong-bulong nang kung ano the reason why I don't like her to go near me and Adi because she's weird.
~*~
"Welcome home!" I smiled at my mom.
"How's your day?" She asked me after I kissed her right cheek.
"I don't know now. I'm not sure." I answered honestly. She laughed.
"Kuwain ka na lang diyan okay? Aalis na ako." I nodded.
I'm at the stairs watching her leave. As soon as I heard the sound of her car leaving I sighed and go to the door to locked it before going upstairs to change my clothes.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay nilagay ko sa kama ko ang suot na bag pagkatapos ay nagbihis.
Hinanap ko sa bag ko ang dalang charger nang cellphone at chinarge ito bago ako bumaba para kumain. Marami akong dapat tapusin na assignment ngayon kaya kailangan ko na kumain nang maaga. Dahil marami akong gagawin ngayon kailangan ko rin matulog nang maaga kahit na walang kasama sa bahay.
I smiled.
Mom cooked my favorite tinola. Naparami tuloy ang kain ko kaya inaantok na kaunti pero kaya pa naman. Hinugasan ko ang pinagkainan ko bago pumunta sa refrigerator para kumuha nang tatlong piraso nang chocolate pagkatapos ay umakyat na sa kwarto ko.
I locked my door bago gumawa nang mga assignment ko. Nagpapatugtog na rin ako nang mga pop songs para naman hindi ako antukin at mabored. I sighed. This will take a while to finish pero I need it for myself.
I yawned.
I can't count how many times I almost forget to keep awake to finish my homeworks. Thank god I'm done and I can finally sleep in peace.
Niligpit kona ang mga gamit ko sa school at ang tatlong plastic nang chocolate na kinain ko bago ako pumunta sa banyo para maglinis nang katawan at magsipilyo para makatulog na.
Pinatay ko na ang ilaw nang kwarto ko at tinira na lang na nakabukas ang ilaw sa banyo bago ako humiga sa kama at pumikit na para makatulog pero ilang minuto na rin akong paikot-ikot sa kama ko pero hindi parin ako malatulog. I'm tired and sleepy alright but I can't sleep. Buti na lang ay nakahanap rin nang maayos na pwesto at nakatulog rin kalaunan kaso nagising din sa kalagitnaan nang gabi.
I'm peacefully sleeping pero dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko galing sa cellphone ko na nasa side table ko ay hindi kona kinaya pa at bumango na para patayin ito para makatulog na ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko na nagbibigay nang liwanag sa tabi ko. Nagtaka ako nang makita na may naka install dito na app na hindi ko naman maalala na ginawa ko. Halatang bago lang siya na kakainstall sa phone ko at ganun rin ang app.
Annoyed because my sleepiness is starting to fade and my curiosity about the unknown app on my phone, I tapped the new install app and then turned my phone off and go back to sleep.
I need to sleep and it's important for now especially because today has been a bit crazy and tiring.
I don't need distractions for now.
I must sleep because tomorrow might be a tiring day. I need to gain some sleep. Gonna delete the app on my phone tomorrow I just need to sleep for now. The app can wait.
That's what I thought.
I woke up this morning and I was so relieved that there's nothing on my phone. Walang app na kung ano at maayos ang cellphone ko.
Isa na naman siguro sa panaginip ko yung app na yun na akala ko ay totoo at gising talaga ako. Pero nang matapos akong maligo at tingnan ang cellphone ko ay nagulat ako nang makita ang app sa panaginip ko. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw naman gumana. Sunubukan ko rin na i-delete ang app pero ayaw rin. What the hell is this? This unknown app is just on my dream pero what the hell? Is this even for real? What kind of dream is this.
____________________________________________________
Thank you for reading my story! Kindly don't forget to vote and comment. Again thank you and I love you! Stay safe! Stay tuned! <3
—Ame
BINABASA MO ANG
4712 (Completed)
Mystery / ThrillerAn app like Tinder except instead of matching with living people, you match with ghosts that want your help to solve the mystery around how they died. Cover is not mine. Credits to the rightful owner. Started: May 26, 2020 Ended: June 18, 2020