Chapter 9 : Deeper

63 9 0
                                    

4712

"Take care!" Si Mom. Tumango ako at lumabas na ng pinto ng bahay.

"Anong nangyari?" Nagulat ako ng nasa tapat ng pinto si Adrian.

"What?" Iniwan ko siya at nauna nang maglakad.

"Ang sabi mo sa akin kahapon may pupuntahan ka. Anong nangyari?" Tingnan ko si Misty sa tabi ko. Nagkibit siya ng balikat at tumakbo palayo.

"Uy!!" I sighed.

"Okay lang naman." Sagot ko para manahimik na siya.

"Saan ka ba pumunta at anong ginawa mo?" Si Adrian na nasa harapan ko na at nakaharang.

"Sa may tindahan ng mga matatamis. Binilhan ko lang si Mom pati narin ikaw." Sagot ko at kinapa ang bulsa para kuhain ang binili ko sa kanya.

"Sweet mo naman ngayon, Tol. Anong meron?" Si Adrian at kain sa binili ko para sa kanya.

"Wala." Sagot ko.

Nakita ko naman na tumatawa sa tabi ni Adrian si Misty. Tsk. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag. Siya naman ang nagsabi sa akin na gawin 'to.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya kahit na hindi ko na siya nakikita dahil madalim na ang buong paligid.

"Oo at bukas na lang ulit tayo maghanap ng ebidensya. Tara na."

"Teka! Wala akong makita." She laughed.

"Malabo kasi ang mata ko at isa pa madalim."

"Oo na. Akin na kamay mo at ako na lang ang magg-guide sayo para makalabas na tayo dito." Inabot ko naman ang kamay ko kahit hindi ko parin siya makita. Naramdaman ko naman na hinawakan niya na ang kamay ko sabay hatak narin sa akin.

"Bakit nahahawakan kita? Hindi ba multo ka na?" Tanong ko.

"Hindi ko alam basta ang ginagawa ko lang iniisip ko na hindi ako tatagos sayo para mahawakan mo ako at mahawakan ko ang mga kahit na anong bagay kapag gusto ko." Tumango-tango ako kahit na hindi sigurado sa sinabi niya.

"Okay na!" Masayang sinabi niya nang makalabas na kami ng bahay nila.

"Salamat ulit." Tumango lang ako.

"Uwi na ako."

"Teka! Sasama ako!" Napakunot ako ng noo.

"Hindi pwede." Sagot ko.

"Sige na. Hindi naman ako makikita ng Mama mo at tsaka sa sofa niyo ako matutulog." Umiling ako.

"Sige na!" Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa pumayag rin ako.

"Oo na kaya wag ka ng maingay."

"Yehey! Thank you!" Masayang sinabi niya. Naglalakad kaming dalawa at mabuti na lang ay walang tao sa paligid kaya nakakapag-usap kami.

"Nga pala anong sasabihin mo sa Mama mo?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. Umirap siya.

4712 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon