Chapter 1 : Science boy

177 13 0
                                    

4712

"Okay na?" He asked. Tumango naman ako.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang notebook sa lamesa ko at masayang tiningnan ito. Nang makita siya nang iba pa naming kaklase ay hindi na nila napigilan pa na tingnan ang notebook niya.

I sighed.

"Ako naman." I looked at her. Our class vice president.

Tumango ako at kinuha ang nakalahad niyang notebook sa tabi ko. She immediately sit beside me and then look at me. Very attentive.

"Listen carefully." I lazily said at her. She nodded.

I sighed and start explaining her our lesson about science. Many of my classmates didn't understand the lesson a while ago so they want me to teach them.

"SB ako naman next." Jervin said. He's one of my classmates that loves to make fun of me.

"Stop calling him that you idiot." The class vice president beside me immediately get her things and stand beside our president.

"What?" Jervin laughed.

"May pangalan yung tao kaya wag mo siyang tawagin na SB o kung ano pa man. Stop bullying him and also me. Hindi ka na nakakatuwa, okay? Ang tanda tanda mo na pero para ka paring bata kung kumilos." She said and because of that everyone cheered and laughed.

I sighed.

"Tama na yan. Ayusin niyo na yung mga gamit niyo at bumaba na kayo. Recess na." The vice president said.

Sumunod din naman agad ang lahat. Takot lang nila sa vice president namin. Ang laking babae pa naman niya. On the other hand jervin is fuming mad when he left the room. Wala namang pake doon ang president namin dahil syempre alam naman niya ang lahat. She knows that jervin can't hurt or talked back at her not because she is a girl but because she's right about everything.

"Okay ka lang?" I smiled and nodded at her. She sighed and smiled at me too.

"Hindi ka dapat pumapayag na asarin ng mga baliw na tao. There's nothing wrong about fighting for yourself kahit minsan lang para naman maliwanagan ang mga ganong klase ng tao. Also about the fighting? It doesn't need to be physical. Words are enough and powerful but always remember that it also has a limit so always think before doing and saying anything. " She said and then smiled at me.

She tapped my shoulder and walked out of the room.

Napabuntong hininga ako.

"Science boy!!!!!" I laughed.

"Baliw? Bakit ka tumatawa-tawa diyan? May nangyari ba na maganda sayo ngayon?" He asked. He looked so stupid right now because he really looked so confused.

I shook my head and laugh.

"Inasar lang kita tapos tumawa ka naman agad. Gusto mo na ngayon ang pangalan na bigay sayo nang mga bullies mo?" Adrian asked. Lumapit siya sa akin at kinuha ang salamin ko sa mata. Natigil tuloy ako sa pagtawa at kinuha pabalik sa kanya ang salamin ko.

"Why are you here anyway? We both know that na bawal pumasok ang ibang student sa ibang room. Hindi kita kaklase baliw." Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Putek na yan 'tol! Ang tagal na nating ginagawa' to. Pupunta sa room nang isa't isa tuwing wala nang ibang kaklase para malayang makapasok at makaupo sa room dahil sabay tayo sa recess. Mukha na nga tayong mag secret na jowa sa ginagawa natin tapos ngayon mo sasabihin sa akin yan? How dare you!" Madramang sinabi niya. Nakahawak pa siya sa dibdib niya at lumayo na sa tabi ko.

I sighed.

Lumapit ako sa kanya at naka handa na ang mga kamao na sapakin siya. Mabilis naman siyang tumakbo palayo sa akin.

"Joke lang!" He smiled.

Napailing na lang ako at kinuha na sa bag ko ang wallet ko at naglakad na palapit sa kanya.

"Tara na. Baka maubusan pa tayo nang tinda sa canteen." Tumango naman siya at umayos na ng lakad lalo na nang may makitang dalawang babae na naglalakad papunta sa direksyon namin. Tsk.

"Grabe talaga yung takot ko kanina."

"Ako rin naman. Akala ko mamamatay na tayo, eh."

Ang kaibigan ko na nasa harapan na nang dalawang babae na naguusap ay natigil na lang dahil sa narinig pati narin ako. Ano daw? Ano bang meron.

"Uh mga miss anong pinaguusapan niyo?" Si Adrian at halatang hindi na napigilan. Tumingin naman sa kanya ang dalawang babae at sinagot din siya.

"Ngayon ka palang bababa? Well mabuti na rin yun. Sa canteen kasi kanina may sinapian na naman. Nagkagulo lahat tapos sinara nang babaeng sinasapian yung pinto nang canteen at pinatay ang ilaw. Tapos nagbasag pa nang mga gamit kaya nga paakyat na rin yung mga ibang istudyante na hindi na gustong bumili ng pagkain pagkatapos bumalik sa normal ang lahat pero may mga bumibili pa rin naman sa baba at may mga pagkain pa naman na tinda. Inaayos nadin yung mga kalat sa canteen. "

"Sige mauna na kami sayo." Tumango naman si Adi sa kanila at nagpasalamat.

"Tara na." Ako. Lumapit ako kay Adi nang hindi parin niya ako pansinin. Nakatayo parin siya kung na saan nakausap niya yung dalawang babae.

"Wag mo na isipin pa yung mga sinabi nila kanina. Tara na at gutom na ako. May pagkain pa naman sa canteen." Nakakunot noo si Adi at malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy napigilan na batukan siya.

"Aray!" Inis na reklamo niya.

"Tara na." Bored na sabi ko.

"Sa tingin mo ba totoo yung sapi-sapi na 'yan? Yung mga multo at mga------" Binatukan ko ulit siya.

"Pwede ba, Ad? Anong pinagsasabi mo diyan. Bakla ka ba? Tigilan mo na ang kakaisip sa mga ganyan at hindi naman yan totoo. Nasa 21st century na tayo."

"What if ------" I cut him off.

"Ad, It's not true. All those shit are not true. It was all just an imagination so stop over thinking about it. It was all nonsense so please." Inis na sabi ko.

"Malay mo naman totoo talaga lahat nang mga kulam, sapi at multo at iba pa! We are just too scared to admit it. Isa pa ang tagal nang may mga sinasapian dito sa school natin kaya it must be true." He argue.

I sighed.

"Adrian, please. Stop this nonsense. It's all fake! Why? Because it doesn't have any relationship about science. Those shit does not have a proof from science so let's stop talking about it, okay?" Iniwan ko na siya at nauna na ako naglakad.

"Tol! It's all true! You think it's not because it doesn't have a proof from science? Well it's because science can't explain it! There are so many things that science can't explain! Your favorite subject can't explain everything, Science boy!" He shouted. Everyone that heard him said that looked at me. I sighed.

____________________________________________________

Thank you for reading my story! Kindly don't forget to vote and comment. Again thank you and I love you! Stay safe! Stay tuned! <3

—Ame

4712 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon