4712
"Are you sure?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako at tumango bilang sagot.Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na at kung may message ba sa akin si Mom.
It's six thirty five. Matagal din kaming naglakad dalawa para lang makapunta dito."Tara na!" Nilagay ko sa bulsa ang cellphone bago umalis sa mga halaman na pinagtataguan at sumunod sa kanya palapit sa malaking bahay.
Tumakbo siya sa gilid ng bahay kaya sumunod ako.
"Ic-check ko lang kung may tao sa loob. Babalik agad ako." She said.
"Huh? Paano naman?"Tanong ko.
She sighed and rolled her eyes at me.
"Oo nga pala at hindi mo alam kasi hindi ka naman naniniwala sa multo." She said. Pagkatapos ay humarap sa pader na pinagtataguan namin at tumagos dito. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
"The hell." I whispered.
Inalis ko sa isip ko ang nakita at tiningala ang hanggang dalawang palapag na bahay. Kanina ng umalis na kaming dalawa papunta dito sa bahay nila ay grabe ang ginawa namin para lang makapasok. Ang daming mga halaman at harang ng bahay nila.
"Okay na! Walang tao kaya halika na partner!" Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot. Tumango ako at lumapit nasa pinto ng bahay. Tumingin tingin mona ako sa paligid bago pumasok sa loob.
"Pasensya na." Nahihiyang sinabi niya.
Tiningnan ko ang paligid at nakitang may mga nakalagay na puting tela sa mga gamit sa loob ng bahay na puro maalikabok na.
"Mukhang wala na talagang tao dito sa bahay namin. Sorry." Tumango na lang ako.
"Let's go." I said. She nodded.
Tiningnan ko ang hagdan paakyat sa itaas ng bahay at dumiretso na sa ibaba nito para makaakyat na.
"Mag-ingat ka! Medyo sira na ang bahay namin mula dito hanggang taas." Tumango na lang ako at umakyat na.
Napag-kasunduan naming dalawa na ako sa taas ang maghahanap ng mga clue para sa pagkamatay niya at siya naman ang maghahanap sa baba.
Tama siya. Medyo sira na nga ang bahay nila dahil pati ang sahig na gawa sa kahoy ng bahay nila ay tumutunog na kapag naaapakan at sira na talaga ang iba na nakikita mona ang baba.
Pumasok ako sa kwarto na sinabi niyang sa kanya at doon nagsimulang maghanap ng pwedeng clue sa pagkamatay niya pero wala akong nakita. Sunod kong tiningnan ang kwarto ng mga magulang niya at walang nakita kahit isa.
Mabilis akong napalingon sa unang kwarto na pinuntahan ng makarining ng kung ano. Nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ito para tingnan dahil baka may ibang tao na nakapasok at nagpasya narin na tingnan ito kahit hindi sigurado.
I sighed.
She laughed.
"Sorry! May nahanap ka?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Wala at ano yung tumunog?"
"Ako lang 'yun. Natatawa kasi ako dahil nakita ko ulit ang kwarto ko."
I sighed and nodded.
"May nahanap ka ba?" Tanong ko.
"Wala din, eh. Sorry."
I nodded.
Lumabas na ako ng kwarto at nagpasya ng bumaba ng hagdan para tingnan ulit ang paligid.
BINABASA MO ANG
4712 (Completed)
Mystery / ThrillerAn app like Tinder except instead of matching with living people, you match with ghosts that want your help to solve the mystery around how they died. Cover is not mine. Credits to the rightful owner. Started: May 26, 2020 Ended: June 18, 2020