4712
"Anak nakaligo ka na ba? Bilisan mo at kumain ka na." Narinig ko galing sa baba na sigaw ni mom.
"Opo!" Sagot ko.
Binitawan ko mona ang hawak na cellphone at kumuha na nang damit para makapagbihis. Nang natapos akong magbihis ay kinuha ko ulit ang cellphone ko at tiningnan ito pero wala na ulit yung app sa cellphone ko. What the hell.
Nilagay ko na lang sa bulsa ko ang cellphone at kinuha na ang bag para makababa na at makakain.
"Nagluto ako nang adobo. Kumain ka na lang diyan at aalis ako. Pupunta ako sa bahay nang tita Cindy mo." Tumango naman ako.
"Yung baon mo nasa ibabaw nang refrigerator natin, okay?" Si Mom at pagkatapos ay tumunog na ang pinto.
I sighed.
Nilapag ako ang dalang bag sa upuan at nagsimula nang kumuha nang pagkain. Kinuha ko na rin ang baon ko para hindi ko makalimutan at nagsimula nang kumain.
Mga ilang minuto habang kumakain ako ay nagulat ako nang marinig kong biglang bumukas ang TV. Hindi kona tuloy nasubo pa ang kinakain ko at pumunta na sa sala para tingnan at patayin ito.
Weird.
Bumalik ako sa pagkain. Buti na lang at maaga pa kaya naman hindi ko kailangan na mag madali sa pagkain.
Habang umiinom nang tubig dahil sa wakas ay natapos na akong kumain ay naramdaman kong gumalaw ang cellphone ko sa bulsa.Imbes na tingnan ang nasa cellphone ko ay tumayo na ako at lumapit na sa lababo para hugasan ang pinagkainan ko. Pero hindi pa man ako nakakapagsimula sa paghuhugas nang pinggan ay tumunog ulit ang cellphone ko.
I sighed and decided to look at my phone.
From AdiTheAdik:
Tol nauna na ako sa school at kailangan kong tapusin ang project ko para maipasa na bukas. Sorry hindi tayo sabay pero bawi na lang ulit ako. Ingat! Love you! Hahahaha ew.
I sighed.
Magdadalawang isip pa tuloy ako kung magr-reply ba ako sa kanya o wag na. Kahit kailan talaga Adrian.
Ako:
Kadiri ka.
Nang makapagreply na ako kay Adi ay tiningnan ko ang isa pang dahilan kung bakit gumalaw ang cellphone ko sa bulsa at nakitang bumalik na naman ang app na yun sa cellphone ko. Hindi kona tuloy alam kung nananaginip ba ako o totoo talaga ang app na 'to sa cellphone ko. Pinabayaan kona lang ito at nagsimula nang maghugas nang pinagkainan ko.
"Okay na." Ako. Pagkatapos kong makapaghugas nang pinagkainan.
Bumalik ako kung saan ko nilgagay ang bag ko at kinuha sa loob nito ang panyo ko at nilagay ito sa bulsa pagkatapos ay bumalik sa lababo para magsipilyo.
Pero kakasimula ko palang sa pags-sipilyo ay napakunot ako nang noo nang makarinig nang isang tawa at bigla na namang bumukas ang pinatay ko nang TV.
"The hell is that." Mahinang bulong ko.
Pinagpatuloy ko ang pagsisipilyo ko at hindi na lang pinansin ang nakabukas na TV pero nang makarinig nang tawa at pagbagsak nang kung anong bagay ay halos bitawan ko na ang hawak na toothbrush para lang tingnan ito kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
4712 (Completed)
Mystery / ThrillerAn app like Tinder except instead of matching with living people, you match with ghosts that want your help to solve the mystery around how they died. Cover is not mine. Credits to the rightful owner. Started: May 26, 2020 Ended: June 18, 2020