Chapter 10 : Panic room

103 9 1
                                    

4712

Thank you so much for your support!
Sorry for the typos and errors you will probably see as I've not read it yet. I will correct it once I'm free. This is the epilogue/end of this story.


"Okay ka lang?" Tumango ako sa kanya. She sighed.

"Sorry." Tumawa ako.

"Okay lang. Wag mong isisi lahat sa sarili mo." Lumapit ako sa kanya at nilahad ang kamay ko. Hindi niya alam ang gagawin.

I sighed.

"Dead girl?" Tumawa siya at tinanggap niya na ang kamay ko.

"Science boy?" Pang-aasar niya. Natawa naman ako.

"Tara na. Kailangan na nating makaalis dito." Ako. Tumango naman siya at magkahawak kami nang kamay na nagpatuloy sa pagtakbo palayo sa mga humahabol sa amin.

"Bilis!" Natawa kami pareho. Nasa likod niya ako habang tumatakbo at tinatahak ang madilim at nakakatakot na gubat.

Ilang linggo narin kaming dalawa na naghahanap ng ebidensya sa pagkamatay niya at hanggang ngayon ay wala parin kaming nahahanap. Kung saan-saan na kaming dalawa nakapunta para maghanap hanggang sa napadpad kaming dalawa pabalik sa bahay nila at ito kami ngayon. Walang nakita at napunta pa sa sitwasyon na sobrang iniiwasan namin.

"Malapit na tayo." Si Misty. Tumango na lang ako.

Kanina pa kaming dalawa tumatakbo palayo sa dalawang lalaki at isang babae na nakakita sa amin sa bahay nila. Hindi ko na nakita kung sino sila pati narin si Misty kaya hindi niya alam kung mga kamag-anak niya pa yun o hindi.

"Ayos ka lang?" Tumango ako.

"Oo naman. Hinihingal lang dahil kanina pa tayo tumatakbo."

"Gusto mo mag-pahinga mo na?" Tanong niya. Nagkibit ako ng balikat.

"Pwede naman siguro tayong magpahinga mona dito para naman hindi maubos ang lakas mo sakaling kailanganin ulit nating tumakbo."

"Sige." Naupo ako sa bato na nakita.

"Hindi naman na siguro sila susunod sa atin?" Tanong ko sa kanya at tsaka tumawa. Natawa rin siya.

"Hindi naman na siguro. Takot lang nila na sumunod sa atin dito sa madilim at nakakatakot na gubat." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Malapit na ba talaga tayo?" Tanong ko.

"Oo. Pagkalabas natin dito ay kaunti na lang ang lalakarin natin at nasa school niyo na tayo." Nagulat naman ako.

"Talaga?" Tumawa siya at tumango.

"Tara na!" Ako.

"Okay ka na ba?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Malapit na pala tayong makauwi kaya tara na." Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko para tingnan ang oras at nakitang nine fifty-five na.

"Okay."

~*~

"Morning!" Si Mom.

4712 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon