CHAPTER 1: Decision

45 3 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction place, names, characters, events, business and incidents is either products of author's imagination. Any resemblance to actual events or actual persons living or dead is purely coincidental.

Philippines, Republic Act 8293

An act prescribing the intellectual property code and establishing intellectual property office, providing for its powers and functions and for other purposes.

DO NOT COPY THIS WORK! :)

DO NOT VIOLATE THE COPYRIGHT LAW. ~


(not yet edited. Sorry for the typo and wrong grammars.)

-------------------


"Wag ka na malungkot.. dadalaw padin ako dito. Pupuntahan padin kita pati sila sister hindi ko lang alam kung kailan pero bibisita ako." -Pag-papaalam sakin ni Jasmayne ang nag-iisa kong kaibigan dito sa Bahay Ampunan.

"Wag mo'ko kakalimutan ah?" -niyakap niya ako ng mahigpit. Parehas kaming umiiyak.

Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha niya. "Hindi mangyayari yan Yna! Ikaw kaya ang bestfriend ko." -naka ngiti niyang sabi sakin. Tumango ako habang pinupunasan ko ang luha ko gamit ang mga kaya ko.

Kahit na aalis siya, alam ko na magiging masaya siya sa bagong pamilya na umampon sa kanya. Sa walong taon namin sa ampunan matagal na niya itong pinapa-ngarap kaya naman masaya na rin ako para sa kanya.

Elementarya kami ni Jasmayne noong inampon siya ng isang mayamang pamilya hindi na kasi sila magkakaroon ulit ng anak. Sabi sakin ni Sister ay gusto daw nang pamilyang iyon na magkaroon ng babaeng anak kaya nung mapadaan daw ang kotse nila dito sa bahay ampunan ay nakita daw nila si Jasmine na masayang nagdidilig ng mga tanim sa may garden.

"Ayos ka lang ba Iha?" -nag-aalalang tanong ni Sister Linda ang isa sa mga nag-aalaga sa amin dito sa bahay ampunan.

Kasalukuyan akong nakaupo malapit sa bintana ng kwarto ko. Nakatanaw lamang ako sa labas kung saan nakikita ko mula dito ang mga batang kagaya ko na masayang nagtatakbuhan at naglalaro.

"Opo sister, namimiss ko lang po si Jasmayne." -malungkot na sagot ko.

"Bibisita naman si Jasmayne iha. Habang nag-aantay ka sa pagdating niya ay makipag-laro ka na muna sa ibang mga bata." -naka ngiting sabi ni Sister.

"Opo, sister." -sagot ko sa kanya.

Natupad naman ni Jasmayne ang pangako niya. Minsan tuwing bakasyon ay bumibisita siya dito sa bahay ampunan. Nag-kukwentuhan kami at naglalaro kapag bumibisita siya. Pinapayagan siya ng mga magulang niya na manatili dito sa bahay ampunan nang lima hanggang pitong araw kaya labis ang saya ko tuwing nakakasama ko siya.

Naka graduate na kami ni Jasmayne ng Highschool pero nasa Maynila na siya nakatira at nag-aaral, samantalang ako ay nanatili dito sa Bahay Ampunan, sa ilang taon na lumipas ay walang umampon sakin at taon-taon din akong nag-aantay na may aampon sa akin pero bigo ako kaya simula noong tumuntong ako ng highschool ay natanggap ko na wala nang aampon sa akin.

"Sigurado ka ba riyan na sa Maynila ka na mag-kokolehiyo iha?" -Tanong sakin ni Sister Superrior ang namamahala dito sa bahay ampunan.

"Opo, sister. Ang kukunin ko po kasing kurso ay para po sa mga gustong -mag-abogado, iyon po kasi ang pangarap ko sister at tsaka nakausap ko na po si Jasmayne tutulungan niya po ako na mag-hanap ng trabaho, ng papasukang eskwelahan at matitirhan." -sagot ko habang nag-tutupi ng damit na ilalagay ko sa loob ng aking maleta.

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon