Dumeretso na akong Sellion isang restaurant na pinagtatrabahuan ko hindi kalayuan dito sa school. Dala-dala ko ang uniporme ko sa trabaho. Nagpalit lamang ako at saka inumpisahan na ang paghuhugas sa kusina at pagliligpit at pagtatapon ng basura.
Ala-una ng tanghali ang shift ko hanggang alas-nuwebe ng gabi mula lunes hanggang huwebes.
Natapos ang mga gawain ko at nagsara na ang restaurant. May pinabuhat muna saking case ng mga soft drinks bago ako tuluyan na pinayagan na makauwi na.
Nakauwi na ako galing shift ko sa Sellion. Nakapag-saing na din naman ako kaninang umaga at ulam na lang ang kailangan ko. May mga delata pa naman dito kaya ito na ang uulamin ko.
Nag-bubukas na ako ng sardinas para sa hapunan ko ng tumunog ang cellphone ko.
Unknown number
Naka-uwi ka na ba?Ako
?Unknown number
Si Richi 'toTakte naman hanggang cellphone nang-iirita padin siya.
Unknown number
Akala ko ba friends na tayo? Ang alam ko ang friends ay nag-rereply tsaka nireregister ang name sa phonebook.To: Richi
Are you block mailing me?Richi
A big NO. Goodnight Frenny!Buti naman tumigil na siya. Alam ko naman na ramdam niya na wala akong pake sa presensiya niya. Si Jasmine lang ang tinuturing kong kaibigan siya lang ang pinag-kakatiwalaan ko wala ng iba. Sa mundong 'to mahirap mag-tiwala kaya mas maigi na mamulat na lang at masanay na mag-isa kesa dumepende sa ibang tao.
Ibinalik ko ng muli ang buo kong atensiyon sa pag-kain ng hapunan ko, panibagong araw na naman ang natapos at bagong kinabukasan na naman ang haharapin ko.
Maaga ako nagising dahil maaga ang pasok ko hindi ako pwedeng ma-late dahil major subject yun kaya binilisan ko na ang kilos ko ng maka-alis na at makapasok na sa klase.
"Uy! Matatapos ko na i-type ang topic ko sa PPT wait mo na lang yung laptop ko later, naka-tulugan ko kasi kaya 'di ko natapos hehe!" -umirap lang ako, nakapag-text at nambulabog pa siya sakin kagabi eh hindi pa pala niya tapos yung gagawin niya.
Kakapasok ko lang ay lalapit na agad sakin 'tong Richi na 'to! Classmate nga pala kami ngayon ay hindi lang pala ngayon sa lahat ng major subject correction.
"Bukas na lang" -malamig kong sabi, hindi tumitingin sa kanya.
"Hi-hindi promise patapos na 'yun, tsaka para maka-usad na tayo." -sabi niya, tumango na lang ako. Ayoko makipag-talo not unless para sa makabuluhang debate o moot court.
Maya-maya ay pumasok na ang Prof. namin, reporting ng ilang mga classmate ko at short quiz ng matapos ang lesson. Yung short quiz na hindi naman short dahil 50 items, siguro kaya tinawag na short quiz dahil sa 1/4 ilalagay ang sagot. Ano pa nga bang bago? mas okay pa nga 'to kesa sa isa naming terror na Prof. sa dalawang major subject 60-100 items sa 1/4 tapos ang isasagot ay essay, definition at enumeration. Mala-langgam na nga ang hugis ng sulat ko para lang mag-kasya sa 1/4 yellow paper at ang matindi kung bad mood siya ay bawal sulatan ang likod na parte ng papel at kailangan ang lahat ng sagot ay nasa harap. Hindi naman ako pwede sumuko kaya pumipikit na lang ako ng ilang segundo para pag-dilat ko tanggap ko na ganon talaga.
BINABASA MO ANG
Left Unsaid
RomanceA goal oriented woman who forgets to fall in-love and found herself alone after how many years of being a study-aholic and work-aholic person. Will she become desperate to have her own family or she'll be contented with money and success? She also...