CHAPTER 7: Compassion

12 1 0
                                    

"For today Yna.. isasama muna kita sa branch na malapit dito para maipakilala kita at para maipaliwanag ko sayo ang proseso ng negosyo." -sabi niya sakin.

"Opo ma'am." -sagot ko..

"Kapag hindi naman tayo nasa trabaho you can call me Tita huh?" -kalmadong sabi niya.

"Thank you po talaga, Tita." -sabi ko. Hindi ko ineexpect na ganito kabait ang mommy ni Richi. Ang gaan ng loob ko sa kanya, napaka-swerte ni Richi.

*Phone rings*

"I'll take this call, Iha. Please wait me in the car." -mahinhin na sabi niya.

Tumango ako. "okay po." -maikling sagot ko.

Nagpalit muna ako ng damit pang-itaas bago kami tumulak paalis papuntang kalapit na branch ng business nila. Nang matapos ako ay agad na akong dumeretso sa sasakyan. Wala pa si Ma'am pero pinapasok na ako ng driver niya. Naghintay na lamang ako hanggang sa makalipas ng ilang minuto ay dumating na si Ma'am Stella.

"Let's go Manong Tado." -Sabi ni Ma'am sa driver na naghihintay ng go signal niya saka lumingon sakin si ma'am at ngumiti. Nakuha ni Richi ang ngiti ng mama niya, parehas silang kapag ngumingiti ay Naka-ngiti din ang mga mata nila.

Tahimik ang biyahe at abala si Ma'am Stella sa kanyang laptop kaya naman minabuti ko na lamang ng pagmasdan ang mga tanawin sa bintana.

Tumagal ng isang oras ang biyahe bago namin narating ang sinasabing branch ng business ng mommy ni Richi.

"Let's go, Iha." -sabi ni Ma'am Stella. Hindi ko ata makakasanayan na tawagin siyang Tita.

"Okay po." -sagot ko.

Bumaba kami ng sasakyan. Hindi naman masyadong mainit kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.

"Let me introduce you to my employees." -nakangiti niyang sabi sakin.

Ngumiti ako pabalik. "Sige po." -sabi ko.

*Opella aesthetic botique shop*

Boutique shop. Clothes and shoes/sandals. Yan ang makikita mula dito sa labas. Iginala ko ang mata ko hakbang nakasunod ni ma'am Stella na naglalakad. Nang makapasok kami ay tumigil kami sa front desk.

"Good afternoon Mrs. Opella." -bati ng babae sa front desk.

"Good afternoon!" -bati ni ma'am pabalik. "She's Yllena Jewel Triños, my secretary." -pagpapakilala sakin ni ma'am. Ano?! Secretary?? Hindi naman sa nagrereklamo o ano. Hindi naman yata ako qualified maging secretary.

"Hi! Celestine Valerio." -pagpapakilala niya sabay lahad ng kaliwang kamay sa akin.

"Yna." -maikli Kong sabi at tinaggap ang kamay niya at nagkamayan kami.

"Please call Jery, Chris, Tobi and Faye." -utos ni Ma'am Kay Celestine.

"Opo, ma'am." -magalang na sagot niya at saka tumalikod sa amin.

"Are you alright, Iha?" -tanong niya sakin.

Tumango-tango ako. "Opo, ma'am."-sagot ko.

Ngumiti siya bago namin sabay na lingunin ang mga empleyado na palapit sa amin.

"Ma'am Stella, good afternoon po! "-bati ng lalaki na may katangkaran.

"Good Afternoon!" -bati ni ma'am.

"Good afternoon." -bati ko din sa kanila.

"Gusto ko ipakilala sa inyo si Yna. Ang secretary ko. Yna... Si Chris.." -sabi ni maam tinutukoy ang lalaking bumati sa amin kanina. "Si Jery.." -sunod na sabi niya. Nagtaas naman ng kamay si Jery. "Si Tobi at si Faye." -ngumiti naman ang dalawa sakin.

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon