CHAPTER 2: Adjustments

14 3 0
                                    

Unang araw ko sa klase kaya gumising ako ng maaga para mag-asikaso. Nag-luto ako ng itlog at tuyo para sa almusal at dinamihan ko ang saing ng kanin para may maibaon ako. Tuyo lang ang inulam ko para sa agahan ko dahil ibabaon ko ang itlog na may kulay dilaw sa gitna. Nagligpit muna ako ng pinagkainan ko at naghugas at saka ako dumeretso sa cr para maka-ligo. Dala ko ang pam-bahay ko na pamalit dahil lalabas pa ako ng kwarto para maka-ligo dahil nasa labas ang banyo. Nang matapos na ako ay naghanap ako sa maleta ng masusuot. Wala pa akong box or maliit na lalagyan ng damitan kaya nasa maleta pa ang mga gamit ko.

Nagsuot ako ng roundneck black printed t-shirt, faded maong pants at saka black converse shoes. Isinukbit ko din amg black ko na backpack na may kalakihan dahil may mga ipapasok ako rito na importante tulad ng uniporme ko kapag naibigay na sakin ang susuotin kong uniform para sa sellione restaurant. May dala din ako slack para sa pang ibaba ko.

Hindi na ako nag-abala at gumastos pa para mag-tricycle, naglakad na lamang ako papasok ng eskwelahan para makatipid. Gayunpaman ay maaga parin ako ng halos tatlumpot minuto sa aking unang klase.

"Good morning class. I'm Dr. Leonida Tilda C. Anestacio, call me Ms. Anestacio or Ma'am Tilda and I will be your Fundamentals of Political Science proffesor." -pagpapakilala ng teacher namin. Naglakad-lakad siya sa unahan at isa-isa kaming tinitignan. Ang mga mata niya ay matalim at para bang sinusuri kami sa una niyang tingin. "For today I want you all go here in front to formally introduce yourselves to me and to your classmates. This are the things your going to say.. Name, Age, Current place where you stay, province and why you chose this field." -huminto siya sa may gitnang bahagi. "Let's start from you" -turo niya sa estudiyanteng naka-upo sa unang row.

"Ahmm.. Good morning everyone my name is Giorgannie Tidianez, 19 from Pangasinan but I have my condo here in Manila and I chose Political Science because I want to become a lawyer some day like my daddy. I'll follow his foot steps, coz he's my role model. I also know this field will help me grow and be a better individual." -confident na sabi niya.

"Is that so? what if you found out that this field is tiring? seeing your father doing it easy so now you're confident that you can also do it and a his follower? is becoming a lawyer is what you really desire to be? or is that your family want you to choose because it's where you belong?" -seryosong tanong ng Prof. namin kay Mr. Tidianez. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaking estudiyante na kasalukuyamg nakatayo ngayon sa harapan.

"To become a lawyer is what my heart wants. I'm witnessing my Father's passion on his work. It's very serious and complicated. There's a day I saw him stressed but still manage to do his work, to be a father to us and to be a husband to my mom. I believe that no jobs are easy.. It will always tiring or exhausting but if that person really love what he or she is doing it will never impossible." -dire diretso niyang sabi.

"You have a point. Okay next!" -tatango-tangong sabi ni Mrs. Anestacio. Tumayo naman ang susunod na estudiyante. Nag-tuloy tuloy lamang hanggang sa ako na ang susunod na tatawagin.

Wala naman akong pake sa mga kaklase ko. Nandito ako para sa sarili ko ayoko ma-attached sa iba at maging sanhi mg distraction ko. Bukod kay Jasmayne ay wala na akong balak pahkatiwalaan pa. Ito ay siyudad at sari-sari ang ugali ng tao ang narito. Mas maigi pang mag-ingat at umiwas kesa mahuli ang lahat at pagsisihan ko sa dulo.

"Politics is the skilled used of blunt objects according to Lester B. Pearson. Next!" -sabi niya at saka ako tumayo. Kinakabahan ako pero kailangan kong isarili na lamang. Napansin ko kasi sa Prof. namin na kapag kabado ang estudiyante mas hinihirapan niya ang tanong.

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon