Naramdaman ko na tumigil ang kotse ni Richi kaya dahan-dahan akong dumilat.
"Nandito na tayo." -sabi niya.
Inalis ko ang seat belt ko at inayos ang pagkakasukbit ng strap ng bag pack ko.
Lumingon ako sa kanya. "Salamat." -sabi ko.
Binuksan ko ang pinto at bumaba.
"Ingat ka." -sabi ko bago ko isinara.
Nakita ko na ngumiti siya. Naglakad na ako papasok ng Boutique shop. Pagkapasok ko ay sinalubong ako nila Cris at Jery.
"Good afternoon, Ma'am Yna." -bati sakin ni Cris.
"Good afternoon, Yna na lang." -sabi ko.
"Good afternoon, Miss Yna." -binalingan ko si Jery na naka-ngiti.
"Good afternoon." -sabi ko.
"Balik na kayo Jery at Cris maya-maya ay may mga dadating ng costumers. Kakausapin ko lang si Yna." -sabi ni Celestine.
"Opo, Ms. Celestine." -sabay na sagot ng dalawa.
"Mamaya na lang Miss Yna." -sabi ni Jery.
Hindi na ako sumagot at binalingan na lang si Celestine.
"Hi Yna! Bilin sakin ni Ma'am Stella na ibigay sayo 'yung record ng sales at number of stocks ng old and new delivers." -sabi niya sakin. "Ay teka! Kuhanin ko lang." -dagdag niya at naglakad palayo sakin at pumunta ng front desk.
Lumapit ako sa front desk. Nang makuha na niya ay agad naman na inabot sakin.
"Si Sir Richi ang nag-print at nagiwan niyan dito kanina at ito ang susi ng office ni ma'am. Ipinapaabot din sayo ni Sir Richi. Ikaw na bahala jan ah. Balik na ko at may costumer na." -sabi niya sakin.
"Sige, Salamat." -sagot ko.
Binigay ni Richi ang susi ng office ng mommy niya sakin? Dapat ba na gamitin ko ang office ng boss ko?
Hindi ko alam kung saan ako pupwesto kaya tinignan ko muna ang hawak kong envelop na inabot ni Celestine. Naka sealed ito. Kung naka-sealed ito ibig sabihin ay wala dapat makakita bukod sakin. Sabagay confidential naman talaga ang mga ganitong bagay. Ganoon na lamang ang tiwalang ibinigay sa akin ni Ma'am Stella. Hindi ko dapat kahit kailan sirain.
Ang tanging private na pwesto dito sa loob ng store ay ang office ni ma'am Stella. Kaya doon na lang ako pupunta at icocompute ang mga sales na ito.
Nang makapasok ako sa office ay naisip ko kaagad na sa coffee table na lang gawin itong trabaho ko. Ayoko umupo sa swivel chair ng boss ko at gamitin. Nakakahiya.
Inilapag ko na ang mga gamit ko at binuksan ang laptop na pinahiram sakin ni ma'am. Inumpisahan ko ng pag-cocompute ng sales at pageencode sa MS Excel.
*tok tok tok*
"Pasok." -sabi ko habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"Ma'am, naisara na po namin ang shop. Nag-out na din sila Tobi at Faye. Nanjan pa po sila Chris at Jery nagliligpit." -sabi ni Celestine.
Itinigil ko saglit ang ginagawa ko ang tumingin sa relo ko. Nanlaki agad ang mata ko ng makita kung anong oras na.
8:43pm
Nilingon ko si Celestine na nag-aantay ng sagot ko.
"Ahmm. Sino ang nagsasara ng shop?" -tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi ako tapos, gusto ko bago ako umuwi ay natapos ko na. Ganon ako, hindi ako makakatulog kapag alam kong may hindi pa ako natatapos na gawain.
BINABASA MO ANG
Left Unsaid
RomanceA goal oriented woman who forgets to fall in-love and found herself alone after how many years of being a study-aholic and work-aholic person. Will she become desperate to have her own family or she'll be contented with money and success? She also...